Chapter 8 _ That Smile

1370 Words
(Reese POV)  “ITO lang ang masasabi ko, ito ang pinaka-worst na play na gagampanan ko.” Hindi ko napigilang sabihin habang inaayusan ako ng dalawang guro doon.  “Ang ganda mo, Reese.” Hindi na napigilang sambitin ng adviser namin na tumulong sa pag-aayos sa akin. Tinitigan ko lang siya ng masama.  “Para ka talagang totoong babae.” Dugtong naman ng isa pa. Hindi ko nagugustuahan yun.  “Ano ka ba namang bata ka, kapag ginawa mo ng maayos ang play na ito, sigurado na ang grade mo sa akin.” Aniya. Hindi ako kumibo. Akala ba niya natutuwa ako? HINDI! Kahit ibagsak pa niya ako sa subject niya ay wala akong pakialam. Nakasalalay dito ang pagkatao ko. Oo nga na sa simpleng pagdadamit ng babae lang ay hindi naman magdududa ang lahat pero paano kung meron? Kailangan pa rin namang mag-ingat diba? Dilikado na eh!  “Tingnan mo ang sarili mo.” Mabilis akong iniharap ng guro sa salamin. Natigilan na lang ako ng makita ang sarili ko. First time kong makita ang sarili ko bilang babae ah! Ang ganda ko pala! Totoo yun. Naka-gown na ako. Naka-wig pa at pininturahan ang mukha, WAPAK! Babae na ako. Na siyang nakakatakot. Alam kong mapa-proud ang mga magulang ko pero ma matatakot sila. Alam kong babalik na naman ang trauma nila kapag nakita akong ganito ang anyo sa harap ng maraming tao. Ayaw ko lang namang maramdaman ulit nila ang guilt dahil naging pabaya sila at walang nagawa para sa mga kapatid ko. Kung tutuusin, hindi naman nila kasalanan kug may tao lang talagang masama. Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin , nai-imagine ko ang nangyari sa mga kapatid ko. Kahit wala naman ako ng mangyari yun ay parang naiisip ko na rin.  “Ang ganda mo diba?” proud na wika ni ma’am sa akin.  “I-drop niyo na lang ako ma’am.” Bulong ko.  “Ano?” halatang nadinig niya yun at nagulat pa.  “Ayaw kong gawin ito.”  “Reese, bakit?” Hindi ako nagsalita. Kahit naman sabihin ko ay hindi rin naman nila agad-agad na maiintindihan. Pinili ko na lang na manahimik. Saka inalis ang paningin sa salamin.  “Nga pala Reese. Aasikasuhin muna namin ang iba. Maiiwan ka muna namin.” Paalam nilang dalawa saka umalis na. Naiwan ako dito sa loob ng dressing room. Paglabas ko ay sumalubong kaagad sa paningin ko ang mga kapwa studyanteng abala rin sa kani-kanilang costume. Halos lahat sa kanila napapatingin sa akin na may pagkamangha. Lalong nagdilim ang anyo ko. Ayaw ko sa titig nilang yun eh!  “Ano? Nababadingan ka sa akin?” Asar na asik ko sa isa kong kaklasi.  “Relax! Hindi naman sa ganoon. Bagay sayo eh!” Halatang natakot naman siya.  “Kayo? Umayos kayo kung ayaw niyong matamaan sa akin!” di ko na napigilang asik sa iba. Ewan kung natakot ba sila pero pinili na lang nilang wag akong pakialaman.  “Reese, ang ganda mo!” Isang sapak agad sa ulo angibinigay ko kay Jodem ng sabihin niya yun.  “Aray! Bakit ba?”  “Wag mo ngang sabihin yan. Alam mo namang ayaw ko sa ganito eh!” Asik ko. Nakaka-high blood lang talaga! As in! “Highblood ka naman masyado. Relax! Alam naman ng lahat na straight ka kahit mas maganda ka sa ilang babae ngayon.” Ang wika ni Miguel sa akin. Sana nga yun lang ang problema ko. Kaya lang hindi naman ang pagkamalang bakla ang problema eh! Mas malala. Ikinalma ko na lang ang sarili ko bago sila tiningnan. Naka-ayos prensepe si Jodem at Elf naman si Miguel.  “Aba! Ayos ang porma ngayon ah!” komento ko sa suot nila. “Jodem, palit tayo.”  “Ayaw ko nga! Ganda-ganda na ng damit ko aagawin mo pa. Isa pa, inaabangan na ng mga girls ang paganap mo ng Snow White.”sagot niya. Isa sa bad news. Ilan sa mga studyante sa kambal na school ay naroon din para manood. Malamang na ialn sa kanila ako ang ipinunta. Hindi naman sa pagmamayabang pero malakas ako sa chicks eh. Marami akong friends. Anong malay ko baka ilan sa kanila may lihim na pagtingin sa akin, diba? Guapo pa naman ako.  “Anong gagawin mo mamaya?” tanong ni Miguel sa akin. Seryoso siya. “Sa kiss! Totohanan daw.” Pasigaw na hinampas ko ang noo ko. “Asar! Oo nga pala!” Naisigaw ko. Ang pinaka-bad news sa lahat.  “Bakit kailangang totohanan? Hindi ba aware si mam na pareho silang lalaki ni Zephyr?” si Jodem. Tama siya.  “Aba, malay ko. Isa pa, nakakagulat na hindi man lang against si Zephyr doon.” Napapiksi na lang ako. Asar talaga ang abnoy na yun. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para ma-prove na babae talaga ako. Kulang na lang ay hubaran niya ako eh!  “Nababadingan yun sa akin, I tell you!” ang sagot ko na lang sa dalawa.  “Siguro!” sagot ni Jodem na ikinangiti ko. Naniniwala din siya.  “Ano? Bakit naman eh lalaking-lalaki nga yun eh!” kontra naman ni Miguel.  “Iba ang titig niya kay Reese dude! Parang may pagnanasa. Who knows diba? Hindi na daw halata ang mga bading this days.” Nagpatango-tango ako sa sinabi niya. Tama yun! Kailangang makumbinsi ko silang dalawa na bakla si Zephyr para hindi nanila hayaan na sumama sa amin ang hinayupak na yun.  “Iba nga rin ang titig non sayo Miguel eh,” dugtong ko.  “Talaga?” Gulat na bulalas niya. Tumango ako. “Parang crush ko nga rin eh!” Napangiwi siya. Gusto kong tumawa ng malakas sa reskyon niya. Daig pa ang baklang nakakita ng nakakdiri sa reskyon niya.  “Marahil na kaya masama ang vibes ko sa kaniya dahil na-detect ko agad na badidap siya.” Patuloy ko. Hindi makapaniwalang nakatitig lang ang dalawa sa akin.  “Mag-iingat kayo. Baka manyakin niya kayo tulad ng muntikan na niyang ginawa sa akin.” Diin na bulong ko. Nanlaki ang mga mata nila lalo.  “Hey!” Tilian ang dalawa na parang bading ng biglang sumulpot sa tabi si Zephyr. Nagtaka pa ito sa reskyon ng dalawa. Mabilis naman na umalis ang dalawa na parang takot mahawaan ng sakit. Nakangising nasundan ko na lang sila ng tingin. Success!  “Anong nangyari sa kanila?” Sinulyapan ko siya at ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Hinayaan ko lag siyang titigan ako mula ulo hanggang paa. May paghanga din akong nakikita sa mga mata niya pero hindi ako naiinis. Sa katunayan ay masaya ako. Hindi nga naalis ang ngiti ko ngayon oh! Nakangiti lang ako na parang timang.  “Ang ganda mo,” aniya. Pero di ko pinansin yun.  “Napaniwala ko silang bakla ka!” Naalis ang ngiti niya. Gusto kong humalakhak pero nagpigil ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.  “Kailangan mong mag-ingat sa mga kilos mo Zephyr dahil baka ipagkalat nila kung ano ka.” Patuloy ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at para bang sa pagkakataong yun ay napikon na rin siya. Sa wakas! Panahon na para makita ko kung paano siya mapikon.  “Alam naman natin pareho na ikaw talaga ang may deperensiya at hindi ako.” Seryosong sagot niya. Tinaasan ko langsiya ng kilay. “Ikaw lang naman ang naniniwala sa ganyan eh! Isa pa, alam natin ang totoo. Alam ng lahat, ikaw ang bading.” Tumalim ang titig niya dahilan para panindigan ako ng balahibo. Iba ang titig na yun ah! Mas nakakatakot kasi yung titig niyang parang binabasa pati ang kaluluwa ko. Natatakot tuloy ako sa pwede pa niyang gawin. Pero bigla siyang ngumiti. Kampante lang at may tiwala.  “Makikita din natin ang totoo.” Aniya. Ako naman ang naalisan ng­iti. “Kapag hinalikan mo ako mamaya, malalaman yun ng lahat. Walang deretsong lalaki ang hahalik sa kapwa lalaki.”  Natawa siya kaya nainis ako. Di siya nagsalita na tumalikod lang dahlan para lalo akong mainis. Walang modo talaga ang isang yun. Nag-uusap pa kami dito eh. Kaya lang hindi ko maialis sa isip ko ang pwede niyang gawin at kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iniwan niya. Nakakatakot talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD