Chapter 7 _ Saw

1486 Words
(Reese POV) BAD TRIP na bad trip ako sa araw na ito. Parang wala na yatang araw na hindi umiinit ang ulo ko ng dahil lang sa kaisa-isang lalaking sumulpot sa landas ko. HIndi ko alam kung karama ba ito o ewan. Pero sana kung karma man, wag sanang dumatin sa point na may magustuhan na akong lalaki. Aware na aware ako sa bagay na yun noh? Kahit papaano ay babae pa rin naman ako. May tendency pa rin na magkagusto ako sa isang lalaki. Matagal ko na namang na-realize na hindi ako tomboy dahil ni minsan hindi pa ako nagkagusto sa kapwa ko babae. Kaya tiyak na dadating rin ang panahon na may lalaki akong magugustuhan. Sana nga hindi na lang dumating ang araw na yun. Nagpapasalamat nga ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong lalaking hinahangaan. Pero hindi ko na hihintaying dumating pa yun para hindi magkatotoo. And so, bad trip pa rin talaga ako. Imagine ha? Snow white tapos ako ang babaeng yun? Eh ito nga ang iniilag-ilagan kong role sa lahat ng play na nangyayari. Bakit kasi may role play pang magaganap. Mamatay na lang kasi ang nagpauso ng play na yun at isa ito sa pwedeng dahilan sa pagkabuking ko sa pagiging girlaloo ko. No way! Nagkamalas-malas lang naman ang buhay ko sa pagsulpot ng lalaking yun. Si Zephyr. Kung may paraan lang sana para bumalik na lang siya kung saang kweba man siya galing at hayaan na lang sana ako sa gagawin ko. Kaagad kong hinagis ang bag ko ng makapasok na ako sa silid ko. Mabilis ko ring hinubad ang uniporme ko hanggang sa ang sando at boxer short na lang ang naiwan sa katawan ko. Ganito naman talaga ako kapag galing sa skwela. Agad-agad na naghuhubad. Wala namang makakakita dahil nandito ako sa second floor. Sino naman kasing siraulo ang makakakita sa akin ditong nagbibihis. Pupunta na sana ako sa closet ng mapadaan ako sa salamin ng study table ko. Tama, may salamin sa harap ng study table ko. May aangal? Sureness na pambabae ang ganong style pero gusto ko eh. wala namang makakapansin kahit pa sabihing dito din kami madalas tumambay ng tropa ko minsan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe! Ang flat pala talaga ng dibdib ko noh? Parang dibdib lang ng isang lalaki eh na medyo maumbok kunti. Hindi ako malungkot kumbakit ganoon yun ka flat. Nakakatulong nga eh. Saka ang katawan ko. Wala man lang ka-curve-curve. Na-iimagine niyo ba ang katawan ng isang ten years old na bata? Parang ganooon lang din ang katawana ko eh. Hindi ako malungkot. Pramis! Minsan nga, iniisip kong tadhana ko na talaga ang magpanggap na lalaki dahil sinadya niyang ganituhin ang katawann ko. Well, nasanay na rin naman ako eh. HInawakan ko ang edge ng damit ko saka ko yun itinaas at nakita ko mismo ang binder sa dibdib ko para mas lalo  yung magin flat. Maiksi lang ang buhok ko ha? Boy cut yun at may bangs na hinawi ko sa gilid pero hindi ala justine bieber ha? Hinimas ko rin ang peke kong kilay. Minsan nga kumakati yun eh. Lalo na kapag natatagalan at hindi ko na halos tinatanggal. Hindi ko naman pwedeng kamutin dahil baka matanggal yun eh di nabuking pa ako. Habang nakatingin ako sa salamin ay napansin ko ang repleksyon sa likuran ko. Nakaharap kasi yung salamin sa balcony ko kaya kitang-kita ko ang labasan or rather ang katabing bahay. At sa di malamang dahilan ay may balcony rin sa kabilang bahay na yun na katapat mismo sa balcony ko. Ano yun? Destiny o da moves ng mga may sindikatong akyat bahay. Pero hindi naman yun ang tinitingnan ko kundi ang isang taong nakadungaw doon at titig na titig sa dereksyon ko. Napakunot ang noo ko. Pamilyar yung lalaki ah! Sandali akong nakatitig sa lalaking hindi ko halos mahagip ang mukha ng mapansin kong ngumiti yun. Ang ngiting yun. Mabilis kong tiningnan ang likuran ko para makita ang taong yun. At parang niyanig ng density of 9.0 na lindol ang mundo ko ng malamang si Zephyr pala yung nakadungaw sa kabilang balcony at nakatingin siya sa dereksyon ko with matching smirk pa. Mabilis pa sa alas kwatro na tinakbo ko ang balcony at agad na sinara ang kurtina at agad na nagtago sa gilid. Walangya! Sino ba kasi ang nagbukas sa bintana at kurtina dito sa bahay. Di man lang ba aware na baka may umakyat dito sa silid ko at pagnakawan ako? Namumulang tinakpan ko na lang ang mukha ko. HIndi ko na po-problemahin pa ang magnanakaw. Mas malaking problema sa akin ngayon ang nakita ni Zephyr. Kitang-kita niya ang katawan ko. Sando at Boxer short lang ang suot koeh. Tapos tinaas ko pa ang sando ko kaya malamang nakita niya ang binder ng dibdib ko at baka nagtaka kung ano yun? Tiyak na may ideya na siyang babae talaga ako. Inis na sinabunutan ko na lang ang sarili ko. Ang bobo ko talaga. Ba't ba kasi nakalimutan kong sina Zephyr pala ang naninirahan ngayon sa bahay na hawig sa bahay namin kaya magkatapat ang silid namin with balcony pa. Nasanay na kasi akong walang tao sa kabila. ARGGGH! Ang bobo ko! Ang tanga ko! Isipin ko pa lang ulit ang ngiti niya ay naasar na ako. Kahit naman wala akong curve ay di pa rin maikakailang mas maliit ang katawan ko kumpara sa mga lalaki. Ang malas ko talaga! "Nasaan na yung ipinagmamalaki mong abs, Reese?" Bahagya akong nagulat ng madinig ko ang boses niya. Nakadungaw pa rin pala siya at alam kong pinagtatawanan na niya ako. Malamang na aasarin na naman niya ko. Ito na nga eh. Diba? Walang hiyang unggoy siya! Di ako sumagot. "Saka ba't may binder ka sa dibdib? Huhulaan ko, C-Cup ka noh?" Pinamulahan ako. C-cup? nang-aasar ba siya? AA-cup nga lang ako eh. Di ko pa rin siya pinansin. HIyang-hiya pa rin talaga ako. Di ko siya kayang pakiharapan at makita na naman ang nangungutya niyang ngiti. Kasi naman eh! Tanga-tanga ko! "Hoy, Reese," muling tawag niya. "Di ba lalaki ka? Ba't ka nahihiya?" Asar na talaga ako sa kaniya. Matagal na. Mabilis kong kinuha ang t-shirt at short ko sa closet. HIndi pa rin talaga siya titigil eh! "Hoy, Reese!" "Ano?!" Mabilis kong iwinakli ang kurtina para harapin siya. At yun na nga ang kinaasaran ko. Sumalubong sa akin ang parehong nakangiti niyang mga mata at labi. May kislap sa mga mata niya. Halatang tuwang-tuwa siya. Nakasalo lang ang ulo niya sa isang kamay niya habang nakatinign lang sa akin. "Mahiyain ka pala?" Tanong niya. DI maalis-alis ang saya. Sarap bangasan ng mukha niya.Grabe! "Di lang ako sanay ng nagbibihis ng may namboboso." Sagot ko na lang. Pilit na ikinakalma ang sarili ko. Ang pikon, talo eh. Di ako yun. DIba? "Bakit? Pereho naman tayong lalaki ah. Kung anong meron sayo, meron din sa akin kaya wala ka ng kailangang itago pa. O baka naman sadyang------------------" "Hindi ako babae!" putol ko. "Wala akong sinabi!" Isang mapangutyang ngiti ang ibinigay niya. Lalo akong nainis. Kung maabaot ko lang sana siya ay kanina ko pa sana nabasag ang guapong mukha ng taong ito. Ang kaso, kahit magkatapat ang balcony namin ay may limang metro naman ang distansiya kaya hindi agad-agad namin na maabot ang isa't-isa. Pasalamat siya. Saka, di ko naman akalain na doon pala ang silid niya dahil ngayon ko lang napansin. Kahapon kasi wala namang tao doon. O baka sinadya niyang lumipat doon para ma-bosohon ako. Lalo akong naiinis. Asar talaga siya. "Nga pala, tungkol sa play natin. Yung snow white? Di mo ba itatanong kung sino ang prince charming mo?" tanong niya. Tinitigan ko siya ng masama. "Ikaw?" Umiling siya. "Hindi. Si Jodem. Isa lang ako sa dwarf;" Di ko mapigilang matawa. Ba't parang goodnews yun? "Buti nga dahil bagay sayo, mukha ka kasing unano." Sagot ko lang. Di ko napansing naapektuhan siya sa sinabi ko. Tuloy ay naiinis na naman ako. Ano ba tong taong to? Manhid? "Nabasa mo ba yung script? Nasa libro yun eh." aniya. "Bakit?" "May twist yung Snow White na play natin. Isa sa dwarf ang hahalis sa princess instead sa prince charming dahil siya ang makakatuluyan ng witch." Napakunot ang noo ko. Ano? May ganong twist? Sinto-sinto ba ang gumawa non? Sinisira ang original flow ng Snow White. HInintay ko ang iba pang sasabihin niya pero nagtaka na lang ako dahil wala na siyang sinabi. Nakatitig lang siya sa akin na wari ba'y alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Alam ang alin? Nakipagtitigan ako sa kaniya at may bigla na lang pumasok sa isip ko. "Ikaw ang dwarf na yun?" naitanong ko. Isang tawa lang ang pinakawalan niya. "Totoo daw dapat yung kiss. Ok lang sa akin." aniya. Napanganga ako. Oh! What a cruel world? May bading akong kapit-bahay. Napahawak ako sa harapan ko. Walang bukol! Naka-boxers pa naman ako kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD