Chapter 6 _ Play

949 Words
(Reese’ POV) MASAYANG-masaya akong pumasok sa paaralan namin ng weekday din. Paano ba naman kasi. Nalusutan ko ang mapagmatyag na mga mata ng bading na unggoy na yun na ang sarap-sarap tuhugin ng tinidor. Talagang effective yung acting ko ng panonood ng porno. Sabihin na lang nating nanonood nga kami ng porno. Pero excuse ha? Hindi naman talaga, literally na p**n yun. Grabe naman. Yung mga movie lang ng anime na may kasamang mga katatawanang kabastusan. We call it p**n para mauso naman. Hindi ako makapaniwalang, gulat na gulat siya ng malaman yun. Kahit papano naman kasi ay mga goodboy naman kami noh? Basta masaya ako dahil hindi niya ako inasar kahapon at nong sabado sa pagiging babae ko kuno. Marahil ay talagang napaniwala ko siyang lalaki talaga ako kaya ito ngayon. Good mood na good mood ako. May pakinabang rin naman pala yung mga ungas kong kaibigan. Dati kasi ay sila yung pinaghirapan kong mapaniwalang lalaki ako. HIndi naman sa nagdududa sila pero yun din kasi ang tingin nila nong una pa. Sa dami ng ginawa ko, hayun at napaniwala ko rin sila. Tiyak kong magagawa ko rin yun kay Zephyr. Ngayon ay tiyak ng hindi na niya guguluhin ang peaceful life ko. Sandali akong nahinto sa paglalakad papuntang school ng makita kong nilagpasan ako ni Zephyr habang nakasakay siya sa bisiklita niya. Astig. Bisiklita. Gayahin ko rin kaya siya minsan. Lakad lang kasi ang ginagawa ko para exercise na din. Malapit lang naman kasi eh. "Oi, Zephyr. Good Morning!" Pahabol kong bati sa kaniya. Good mood eh. Pumreno siya saka tumingin sa akin. Hinintay lang niya akong makalapit sa pinaghintuan niya. Straight lang ang anyo niya. HIndi maganda ang umaga niya marahil, hindi rin naman siguro masama. Average lang. Magugulat pa ba ako? "Maganda yata ang umaga mo?" tanong niya sa akin ng makalapit na ako. "Oo eh!" masiglang bati ko. Nakangiti ng malaki. "Pwede bang makiangkas ako diyan? Mukhang ang saya eh. Tinatamad na rin kasi akong maglakad. Nagbibisiklita ka pala. Astig din!" Ang gaan-gaan sa feeling. "Aangkas ka?" balik tanong niya. "Oo, pwede?" "Bakit? Tapos na ang dalaw mo? Baka matagusan ka pa." Naalis ang ngiti ko. Kumidlat ang inis sa akin. Napatitig ako sa kaniya. Lalo pang kumulo ang dugo ko ng makita kong ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya habang titig na titig sa akin. Nang-aasar na naman?! Pero alam kong asar lang yun. Pampasira sa good mood ko. Hindi ako pwedeng paapekto dahil tiyak na ako ang talo. Ika nga nila, ang unang magalit, talo. At hindi ako yun. Dahil good mood ako ay hindi ko pinansin ang sinabi niya. Muli akong ngumiti. Inalis ko ang inis ko. "Tagos? Meron na palang lalaking dinadalaw ngayon? Ikaw yun noh?" Balik asar ko sa kaniya. Imbis na sumagot ay maiksing tawa lang ang pinakawalan niya saka walang paalam na umalis na lang. Nasundan ko siya ng inis. Wala sa isip na hinagis ko ang bag kong dala. Di ko na kayang pigilan. Talagang naiinis na ako sa kaniya. Nakakasar siya. Hindi pa ba talaga siya naniniwalang lalaki ako? Hindi pa rin pala talaga siya convince na lalaki ako. Gusto ba niyang ipakita ko sa kaniya ang ( Beep ) ko?! Meron ba ako non? Silicon ( Beep ) kaya. Pwede na?! Basta may maipakita lang ako. Langyang lalaki yun!!!!   "REESE," "OI," mabilis akong napatayo sa tawag na yun ni Miguel. Nangangalumatang napatingin ako sa paligid. Wala ng tao maliban sa aming apat. Naka-idlip na naman kasi ako. At ito nga, vacant namin. Walang natira maliban sa amin. "Ano ka ba? Tutulog-tulog ka diyan. Buti na lang di ka sinita kanina." ang sita sa akin ni Miguel. Naupo na lang ulit ako na habang ginagalugad ko ang mga mata ko. "Laki kasi ng ulo ni Jodem kaya di ako kita dito." s**o ko na lang. "That's cause i'm genuis." sagot lang nito. Isang batok ang natanggap nito mula kay Miguel. "Jealous," sagot pa nito. "Jealous ka diyan. Yabang mo!" Di ko sila pinansin dahil inaantok pa ako. Saka ko naman namalayang kanina pa pala may tumititig sa akin. HIndi nga lang pala kaming tatlo ang naiwan doon kundi may isang asungot pa. Lumingon ako sa katabi ko at umasim ang mukha ko ng makitang titig na titig na naman sa akin ang pinagpalang lalaking ito. OO na, siya na ang guapo. Kailangan ba talagang tumitig? Asar din eh. Problema talaga ng bading na ito. Di na lang ako nag-paapekto dahil baka asarin na naman niya ako. "Nadinig mo ba yung sinabi ng English Teatcher natin?" tanong niya sa akin. "Hindi. Tulog nga diba?" asar kong sagot. "Di mo itatanong?" "Hindi," "May play daw." si Miguel ang nagsalita. "Play? Anong play? Bakit?" sunod-sunod kong tanong. Sensitive ako sa isang play dahil ayaw kong pagsuotin ako ng damit pang-babae. Mabuti na lang at marami akong nalampasan na play na lalaki ang mga role ko. Ayaw kong this time ay ako na talaga ang babae. Hell no! "Para sa English nga eh," si Jodem. "Bakit nga?" asik ko sa kaniya pero nginitian lang niya ko. Siraulo. "Para sa activity. Isasabak daw tayo sa ibang section at ikukumpara kung alin ang magaling. Manonood daw ang kambal na all-girls school nitong paaralan." Paliwanag ni Zephyr. "Tapos?" "Ang mananalo, may price." Si Miguel. "Pagdadamitin na naman tayo ng mga pang-babaeng damit niyan. Ayaw ko na noh." reklamo ni Jodem. Babae kasi ang role niya nong huling role play last year. "Anong play?" tanong ko na lang. "Snow white." sagot ni Zephyr. "Ikaw yun?" Nakangangang napatingin ako sa kaniya. "I nominated you. You won!" proud niyang sagot na ngumiti lang sa akin ng nakakaloko. HIndi ako umimik. OH GOD! WHY?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD