(Reese POV) "MORNING!" Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Zephyr na nakadungaw sa bakod namin habang nagdidilig ako ng halaman. My usual routine sa umaga lalo na kapag walang pasok. Sabog pa ang buhok niya at naghilamos lang yata. May dala pa siyang mainit na kape. Ang hindi lang talaga maalis sa pagtatako ko ay ang ngiti niya. Kagabi ko pa talaga napansin ang ngiti na yun eh! "Morning," alanganing bati ko. "Good mood ka?" "Ang ganda ng napaniginipan ko eh!" ni hindi man lang naalis ang ngiti niya. Ang sarap titigan ha? Ang guapo eh! Ay naku! Ano ba yun? "Ano naman ang napaniginipan mo kagabi?" tiningnan ko na lang ang mga halaman. "Nahalikan ko raw ang taong gusto ko." Saglit akong natigilan. Nakaramdam ako ng inis. Hindi naman dapat yun ang maramdaman niya kung nakit

