(Reese POV) "UMALOG yata ang ulo ko don ah!" Inis na wika ko habang sinusundan ng tingin ang palayong dalawang bata. Parang hindi naman bato ng isang bata yun eh! Malakas kasi at halatang sinasadya. "Maupo ka na lang, mga bata lang sila." Natatawang pinapo ako ni Sam. Naupo na lang ako. "Ang sakit talaga ng ulo ko eh!" "Tingin mo mga bata ang bumato non?" "Hindi. Duda kong si Zephyr ang bumato non. Nandoon kasi siya sa pinaglaruan ng mga bata eh kaya malamang na siya." Tumawa si Samantha na animo'y natutuwa pa. "Kumikilos na siya, Reese. Alam kong naghihintay lang siya ng pagkakataon." Aniya. "Bakit kasi di na lang siya lumapit dito at umamin? Ang sakit ng ulo ko eh! Ako ang nasasaktan." "Bakit di natin siya i-motivate." Tiningnan niya ako. Napatitig ako sa kaniya. "Paano?" Napa

