(Reese POV) NAGYAYA namang magsine si Sam kaya pumayag na lang ako. Nagkataon lang na Horror movie ang pinapalabas kaya wala na kaming choice. Bago ang movie pero hindi na ako matatakot dahil gusto ko naman ang horror eh! Bumili kami ng malaking popcorn at dalawang softdrinks. Sa bandang gitna din kami naupo. Madilim sa loob ng sinihan kaya hindi ko masyadong maaninag ang paligid. Mga patalastas pa ang laman ng screen pero maya-maya lang ay nagsimula na ang palabas. "Nagsisimula na!" Excited na wika ni Sam sa akin. Tumingin ako sa paligis sa pag-asang makikita si Zephyr at hindi nga ako nagkamali dahil nasa bandang likuran lang namin siya. Napangiti na lang ako sa sarili. Hindi ko rin maasahan na ganito diin siya ka desperado para sundan talaga kami kahit hanggang dito sa senihan.

