(Zephyr’s POV) “WOAH! Ang laki ng resthouse niyo, Sam.” Manghang bulalas ni Reese ng marating namin ang resthouse na sinasabi ni Sam. Nakasakay kami sa personal car niya papunta dito. May tatlong oras ang byahe kaya inaasahan na naming nasa probinsiya kami. “Ito ang ginagamit namin kapag gusto naming mag-get-together ng pamilya ko kapag umuuwi si Kuya mula Spain.” Sagot niya. “Ito ang ginagamit? So ibig sabihin meron pang bahay na ganito kalaki?” bulalas ni Miguel. “Meron pa,” sabay tawa. “May kapatid ka pala? Akala ko nag-iisang anak ka lang, Sam.” “Minsan lang umuuwi si Kuya dito sa Pilipinas dahil sa Spain niya piniling mag-aral ng kolehiyo.” Naglakad na siya papasok ng bahay. Napasunod naman kami bitbit ang mga bagahi naming kasya na pang-limang araw na bakasyon. Syempre dahil

