(Zephyr’s POV) “NAGING mas close pa yata sila simula nong mangyaring aksidente,” ang wika ni Miguel. Sinulyapan ko lang siya saglit bago ko muling tiningnan ang labas ng bintana kung saan nakikita ko sina Sam at Reese na masayang nag-uusap sa labas. “Ni hindi na nga halos sumasama sa gimik natin eh!” segunda naman ni Jodem. Hindi ako kumibo na nakamasid lang. Tatlong araw na ang nagdaan ng makalabas si Reese sa ospital. Sa tatlong araw na yun ay madalas ko na silang nakikitang magkasama. Kung hindi man magkasama ay nagte-text kahit sa gitna ng klase. Para silang bagong mag-asawa na kahit kakatagpo lang ay agad-agad na mami-miss ang isa. Nakakainis pero wala naman akong magawa para pigilan yun. Bakit ko aman pipigilan? Hindi ko naman pwedeng ialis ang nagpapasaya kay Reese. Sa totoo

