(Reese POV) "NAGULAT din ako noong una, Reese." Pinagmasdan ko lang si Sam na nakatanaw sa labas ng bintana. Nagbuluntaryo siyang magpaiwan ng umalis si mama dahil may aasikasuhin daw ito. Hindi ko alam. Sina Zephyr naman ay bumalik na sa klase. Pumunta lang talaga sila doon ng malamang gising na ko. Di rin naman sila nagtagal agad. At ngayon nga alam na ni Sam ang tunay na pagkatao ko. Nag-aalala ako sa totoo lang. "Ngayon naiintindihan ko na ang lahat." Tiningnan niya ako ng may ngiti sa labi. Lumapit siya at naupo sa silya na nasa gilid. "Kaya pala napakagaan ng pakiramdam ko sayo ay dahil magkalahi pala tayo." "Nadinig mong sinabi nong rapest?" Tumango siya. "Hindi nga ako naniniwala nong una pero nong makita kitang magwala ay parang naniwala na rin ako. Nasabi ko na lang sa sa

