(Zephyr’s POV) INIS na tumayo na ako dahilan para mapatingin sina Jodem sa akin. "O Zephyr? Saan ka pupunta?" tanong ni Miguel habang pumipili ng kanta. "Masyado na silang natatagalan sa labas. Lumalalim na ang gabi. Maraming masasama ngayon." Seryoso kong sagot. "Ano ka ba? Kayang protektahan ni Reese si Sam noh? Yun pa." Wika ni Jodem na kampante lang. "Paano kung hindi?" Naiinis ako dahil ang tagal nilang bumalik masama na ang kutob ko eh. Sana hindi ko na lang sila hinayaan na silang dalawa lang. Tiningnan lang ako ng dalawa at ng masigurong seryoso ako kaya sila na rin ang sumuko "O sige na! Aalis na tayo dito at umuwi na." Wika ni Miguel. Mabuti na lang at hindi sila nagmatigas. Lumabas na kami ng karaokehan at tumingin sa paligid. Wala ng gaanong tao at sasakyan sa paligid

