Giselle's POV: Hindi ko lubos akalain na aabot sa ganun ang nangyari sa amin kanina ni Glenn. Akala ko'y trip lang iyon. Ngunit talagang totoo ang galit niya at muntik pa niya akong mapaghampas. Akala ko'y mahihiwalay na ang pisngi ko sa aking ulo. Pumasok ako sa guest room at nilock iyon, iniwan ko si Glenn sa sala na parang leon na kakain ng tao. Ang selfish niyang tao; sa lumipas ng isang taon naming pagsasama, unti-unting bumalik ang pagkakaibigan namin. Ngunit ngayon ay bumalik ang pagiging raskal ng ugali niya. Humagulgol ako ng iyak. Hindi ito ang pangarap kong buhay. Ngunit mali bang nag-sacrifice ako para sa mga magulang ko? Siguro mali iyon at may nasaktan akong tao sa desisyon ko. Ngunit pamilya ko ang nakasalalay dito. God, please guide me to the right decision. “Iha,

