Chapter (1) pagka bata
Teaser scene: Hindi pa ito ang simula; ito ang mangyayari sa hinaharap.
Gissell Lopez:
Matamis ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin, suot ang wedding gown. Hindi ko lubos akalain na ikakasal ako sa lalaking mula noong bata pa kami ay siya na ang pinapangarap ko. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Glenn na may matalim na tingin sa akin.
"Happy?" Tandaan mo ito, Gie! Na kahit kailan, hindi kita ituturing na asawa; lalong hindi na babalik ang pagkakaibigan natin. Alam mong may fiancé na pero bakit pumayag ka pa sa gusto ng ating mga magulang? Sana pumayag na lang kayong bayaran namin ang party ng lupain ninyo."
Matigas ang boses ni Glenn at sinara ang pintuan. Masakit man para sa akin, ay pilit kong isinaasa walang bahala, umaasa na balang araw ay matutunan niyang mahalin ako. Malapit lang ang bahay namin, kaya labas-masok lang siya.
Yumuko na lang ako; ayaw kong makita ako ni Mama na umiiyak.
Chapter 1:
Gissell POV:
"Pangit! Pangit!" sigaw ng dalawang bata na humarang sa daanan ko pauwi na galing sa school. "Paraanin niyo ako, wala naman akong ginawa sa inyo!" umiiyak kong wika.
"Ano ka, swerte? Napaka-sipsip mo kay teacher. Ikaw na lang ang nakikita niyang magaling!" Lagi na lang ikaw ang matalino at masipag. "Matalino ka nga, pero pangit at maitim," sigaw ng dalawang batang babae na kaklase ko sabay tulak sa akin.
Huhu, iyak ko dahil bumagsak ako sa putikan. "Hoy!" Rinig Kong sigaw. Bigla na lang nagtakbuhan ang dalawa kong kaklase. Kaya napatingin ako sa likuran at nakita ko si Glenn. Nagmadali itong lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo.
"Bug's naman, bakit hindi ka lumaban?"
"Anong laban ko sa dalawang yun, eh ang laki ng katawan nila? Isang tulak nga lang ako, noon eh." Sagot ko at nagpaika-ika dahil sakit ng pwet ko.
"Ikaw kasi, ang arte mo. Damihan mo na lang ang kain mo para magka-laman yang katawan mo," paninermon nito.
"Iwan ko sa'yo, Bugs. Tinulungan mo nga ako, libre naman ang sermon. Ang tagal mo kasing umuwi, kaya nauna na ako. Siguro tatabi-tabi pa siya sa crush niya," Ayiehh, pang-aasar ko kay Glenn.
"Umayos ka nga, Bug's, bilisan mong maglakad, baka abutan pa tayong ng ulan," seryosong wika ni Glenn.
Maglalakad lang kami papunta at pauwi sa school dahil malapit lang naman ang school namin; isa pa, malayo kami sa kalsada. Nakarating na kami sa bahay, ngunit pagdating ko ay wala si Mama; siguro nandoon sila Tita Aurora sa Manggahan, simula na ng pag-harvest ng mga mangga. Magkaramay sila Mama at Tita sa lahat ng bagay. May tindahan sila Tita Aurora, ang mama ni Glenn, at pinapadalhan rin sila ng papa niyang Canadian businessman. Ngunit hindi sila ang priority nito dahil may pamilya rin ito at anak sa ibang bansa.
Si Mama ay nagluluto ng ulam sa may gilid ng school namin pag walang harvest ng mangga at gumagawa ng mango jam na idide-deliver ni Mama sa mga bake shop. Si Papa ay isang security guard ng mall kaya ang kita namin ay kasya lang sa pagkain at paggawa ng maliit na bahay.
"Bug's, bakit hindi ka pa nakabihis?" At hindi pa nakaligo, pupunta tayo sa manggahan, maghahatid tayo ng hapunan nila Mama," sabi ni Lola, "gagabihin raw sila," seryosong boses sa likuran ko.
"Paano ako makabihis eh sarado ang bahay namin, wala akong susi," pagod na sagot ko sa kanya.
"Eh paano to, inutusan tayo ni Lola na ihatid itong pagkain nila, ayaw kong maglakad, mag isa pa punta roon. Nakakatakot yung malaking bahay sa unahan, parang may multo doon," problemadong wika ni Glenn.
"Sige na nga, samahan na kita. Mamaya na ako magbihis pag-uwi natin."
"What? Mamaya ka pa makabihis, eh basa yang palda at likuran mo, baka magkasakit ka pa o magka-abdominal pain ka dahil sa lamig. Halika, ipahiram nalang kita ng damit kong terno na pangtulog."
Sumunod ako kay Glenn hanggang makapasok kami sa kanilang bahay.
"Magandang hapon po, Lola," bati ko kay Lola Francing, ang Lola ni Glenn, at nagmano.
"Bakit hindi pa kayo umalis? Kayo talagang mga bata kayo, ohh, naghihintay na ang mama niyo doon," suminghal ang Lola ni Glenn.
Saglit lang, pahiramin ko muna ng damit si Gissell. Sarado po kasi ang bahay nila kanina, kaya ‘basa’ damit niya Kaylangan niya mag bihis sagot ni Glenn sa kanyang Lola. Tumingin naman ang Lola ni Glenn sa akin. "Naku, ang dumi mo palang bata ka." Hali ka dito sa banyo, maligo ka muna, wika ni Lola. Agad naman akong sumunod kay Lola. Pagkatapos kong maligo at nakatapis na ako ng tuwalya at lumabas ng banyo.
"O, ito ang damit mo." Hindi ko ginagamit yan, maliit na kasya sa'yo yan dahil payatot ka. Sa'yo na 'yan, wag mo na isuli. Bilisan mo muna dahil baka abutin tayo ng gabi sa daan," kalmadong boses ni Glenn.
Agad naman akong tumalima; bumalik ako sa banyo para doon magbihis. Pagpasok ko ay binuklat ko agad ang damit at sinuot ang pang-itaas. Napatigil ako, basa pala ang pant* ko . "Ay, bahala na, walang pant*," total sakto naman sa akin tong pajama ni Glenn kaya okay na ito. Isusuot ko na sana ang pajama ng may biglang nahulog. "Ano to?" Sinuri ko. "Jusme, brief to ehh, walanghiya naman tong si Glenn, pasuutin ba naman ako ng brief niya." Pero okay na ito, susuotin ko na lang, bahala na, wika ko at agad sinuot, baka pagalitan na kami ni Lola Francing. Paglabas ko ay matalim ang tingin ni Glenn na sumalubong sa akin.
"Ang bagal mo! Talaga, pag ako mapagalitan ni Lola, idamay kita. Pagbibihis lang, natagalan ka pa!" galit na boses nito at kinuha ang picnic basket na may laman na pagkain at nauna itong umalis. Kinuha ko rin ang bottled water na dalawang litro ng tubig Sumunod sa kanya.
Bugs, hintay naman, ang bigat ng dala-dala ko. Tawag ko sa kanya kaya lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Bakit mo dinala yang dalawa? Isa lang ang sinabi ni Lola, may tubig pa siguro sila mama roon."
"Bakit, may sinabi ka bang isa? Ikaw ang nakakalam eh, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Maldita kong sagot sa kanya. Magkaibigan kami pero lagi kaming nagbabangayan.
"Akin na nga yang tubig Ikaw na ang mag dala nitong basket at mauna ka sa paglakad."
"Wag mahin- hin, ha," wika nito at inabot ang basket sa akin kaya nginitian ko lang siya. Lagi siya na "streess lagi" sa akin.
"Thank you, buggy bugs," pang-aasar ko sa kanya.