Pagdating namin sa Manggahan, sakto lang na katatapos lang ni Mama. "Hello, Mama," bati ko sa dalawang babae na nakaupo sa kawayan na upuan sa gilid ng bungalow house. Luminga si Mama sa amin at ngumiti. "Nandito na pala ang prinsesa at prinsipe natin, Best," ngiting wika ni Tita Aurora.
"Oo nga, Best, ang bilis lang ng panahon, 'no? Mag ten years old na sila," sagot naman ni Mama. Bumaling si Mama sa akin at kumunot ang noo.
"Kaninong damit yang suot mo, Gie?" tanong ni Mama sa akin.
"Ahh, hindi ako nakasagot agad.
Akin 'yan, Tita pina hiram ko siya, basang-basa kasi iyan kanina dahil tinulak ng kaklase niya. Sarado po ang bahay niyo kaya pina-hiram ko," mahabang paliwanag ni Glenn.
"Naku, sorry anak, nakalimutan kong ipahabilin ang susi kay Tita Francing."
"Okay lang iyan, Best. Hindi naman sinuot ni Glenn 'yan, pajama at pang-itaas lang naman iyan. Hindi naman siguro kasama ang brief, 'di ba, anak?" Baling ni Tita kay Glenn na napakamot sa kanyang ulo.
Kaya nagtawanan sila Mama kaya nanlumo ang mukha ko at pumasok sa loob ng bungalow.
"Buti pa, maghapunan nalang tayo para pagdating ni Victor, makauwi tayo agad. Ang Pa nakuha na ng supplier itong mga mangga. Ang bagal din ng mga driver nila. Four PM ang usapan namin, five PM na, wala pa sila. Gagbihin na talaga tayo sa pag-uwi nito," rinig kong sabi ni Mama habang nandito ako sa loob ng bunggalow, nagbabasa ng fairy tale book na naiwan ko dito.
Pumasok na rin sila Mama sa loob at dinala Ang pagkain na ng dala namin kanina.
"Ma, sabi po ni teacher may PTA meeting bukas para sa closing program," sabi ko kay Mama habang naghahanda ng plato.
"Okay, anak. Anong oras ba? Tamang-tama, wala pang harvest bukas dahil naubos lahat ngayon ang mga hinog ngayon."
"How about you, Glenn?" baling naman ni Tita kay Glenn na nagbabalat ng mangga.
"Same po, Mama, PTA 'yon. Kaya parihas lang lahat but after ng PTA, sabi ni teacher, pupunta raw sa room para pirmahan ang mga cards namin," sagot ni Glenn sa kanyang Ina.
Mabuti naman, anak, dahil kukunin ko na lang ang records mo; baka hindi ka na rito mag-aral ng grade five.
"Huh!" sabay na wika naming tatlo na nakatingin kay Tita Aurora.
"Best, naman, huwag kang magbiro. Saan naman kayo pupunta?"
Tumawag kasi si Liam kagabi; pupunta siya dito para kunin kami. Doon niya pag-aaralin si Glenn sa Canada.
"Di ba, may pamilya siya roon, Best?" tanong ni Mama kay Tita.
"Yes, yung dalawang anak na lang niya. Patay na raw ang asawa niya five years ago dahil sa car accident. Yung dalawang anak na lang niya at wala na rin sa poder niya; may kanya-kanya na silang trabaho at negosyo," paliwanag ni Tita Aurora.
Tinapos ko na ang aking pagkain at lumabas ng bungalow. Pumunta ako sa paborito kong lugar malapit sa ilog na may nakatumbang puno ng mangga; dito ako laging umuupo tuwing pumupunta ako rito. May dala akong maliit na cutter at inukit ko sa puno ng mangga ang mga problema o masayang nangyari sa buhay ko. Habang iniukit ko ang isang batang malungkot, bigla na lang tumalbog ang sanga ng kahoy kaya napalingon ako at nakita ko si Glenn. Dali-dali akong tumigil at muling umupo; tinabunan ko ng dahon ng mangga para hindi niya ito makita.
"Bugs, anong ginagawa mo rito?" wika ni Glenn at tumabi ng upo sa akin.
"Wala, nagpapahangin lang," malungkot kong sagot.
"Weh, magpahangin ; bakit parang malungkot yang mukha mo?"
"Wala nga, sabi eh," bumalik ka na lang doon o di kaya mag-imapaki ka na para sa pag-alis niyo, nakanguso kong saad sa kanya.
"Ayon! Kaya pala malungkot ka. Hindi naman kami aalis agad eh. Dito pa kami sa bakasyon; may panahon pa tayong maglaro," ngiting wika nito at umakbay sa akin.
"Ehhh, wala nang magtatanggol sa akin eh. Paano pag awayin nanaman ako ng mga kaklase ko?" malungkot kong sagot.
"Hey, huwag kang malungkot, okay! Kakausapin ko yung pinsan kong si Ethan; siya ang gagawin kong taga-pagtanggol mo.
Ikaw kasi, napaka-iyakin mo. Matututo ka ring lumaban, Bugs. Hindi habang buhay na nandito ako para ipagtanggol ka. Sa buhay natin, hindi maiwasan na magkalayo tayo, lalo na pag mayroon na tayong kanya-kanyang pamilya."
Mapait akong ngumiti kay Glenn; alam kong darating ang panahon na magkakaroon kami ng pamilya. Sana, pagdating ng panahon na iyon, hindi niya ako kakalimutan.
Hali ka na, bumalik na tayo kina Mama. Malapit ng magdilim, delikado dito. Yaya ni Glenn sa akin. Tumayo na kami at inakbayan niya ako pabalik sa bungalow.
Pagdating namin doon, ay dumating na ang trak na kumuha ng mga mangga, at dumating narin si Papa.
"Hello, baby! Hali ka, may dalang waffle at Nestea ang Papa. Kainin niyo muna ito habang naghihintay tayong makarga ang lahat ng mangga," masayang wika ni Papa at bigla na lang akong kinarga.
“Papa, put me down! Hindi na po ako baby, kaya wag niyo akong tawaging baby!" naka-nguso kong wika.
“Ay, sos! Hindi raw siya baby, pero kapag awayin, iiyak lang,” pang-aasar ni Glenn kaya pinandilatan ko siya.
Sakto lang na natapos kaming kumain ni Glenn sa dalang waffle ni Papa at natapos na ring kinarga ng mga tao ang mga mangga, kaya nag- yaya narin si Tita na umuwi. Habang naglalakad kami sa daan pauwi, bigla na lang bumuhos ang ulan, kaya't nabasa kaming lahat.
Kinabukasan, maaga gumising si Mama para mag-deliver ng mango jam, at pagkatapos ay pupunta siya ng meeting sa school namin.
Nandito ako sa sala, nakahiga, at sinabihan ko si Mama na bumili ng paracetamol. May lagnat na ako pag gising ko kanina.
"Gie! Gie!" Halika mag laro tayo.Tawag ni Glenn at pumasok sa loob ng bahay. “Haaa-choo!” Ka! Ka!” tahol ko, dahil siguro sa ulan kahapon kaya ako nilagnat.
"Bug's, ano nangyari sa'yo?" nag-alalang tanong nito.
"Bugs, huwag ka muna lumapit sa akin, baka mahawa ka sa lagnat ko."
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Hindi pa, walang stock dito sa bahay. Bibili pa si Mama, naubos na kaninang madaling araw yung gamot namin. Kanina pa itong lagnat ko," ani ko kay Glenn.
"Hintayin mo ako dito, kukuha ako ng gamot sa bahay," paalam nito. Pagbalik nito ay may dala siyang gamot, luya, at honey.
"O, ito, inumin mo muna 'tong paracetamol. Gagawa ako ng ginger tea para mawala na 'yang ubo mo," sabay abot sa akin ng gamot.
"Enough na 'tong gamot, Bugs. Huwag ka nang gumawa ng tea, ang pangit ng lasa ng ginger," ani ko sa kanya.
"Huwag kang maarte Bug's. Magpagaling ka, birthday ko na sa susunod na araw at darating na rin si Daddy, kaya magpagaling ka."
Bumalik na lang ako sa higaan at bumuntong hininga. "Malapit na kayong umalis, Bug's? Sana pagbalik mo, hindi mo ako nakalimutan," malungkot kong wika.