Chapter (3) Pagbabalik

1598 Words
Gissell POV: "Tita, nasaan po si Gissell? Umuwi kasi siya agad kagabi pagkatapos ng kainan, may ibibigay pa po ako sa kanya." Tanong ni Glenn sa Ina Gissell. "Nasa manggahan. Iho, iiwan ko ba sa batang iyon? Laging nalang malungkot at parating pupunta sa manggahan..." "Ganoon po ba, Tita? Sige, pupuntahan ko nalang siya doon." Habang nakatalikod si Gissell, hinay-hinay namang naglakad si Glenn. Hindi niya ito namalayan ni Gissell dahil focuse siya sa pag-uukit. Kaya nakita ni Glenn ang mga larawan ng mga bata na nakaulit sa puno ng mangga. Hindi ito binigyan ng pansin ni Glenn dahil hindi naman niya maunawaan ito. "Hoy, Bugs!" sigaw ni Glenn mula sa likuran, dahilan para mabitawan ni Gissell ang cutter niya. "Ayy, kabayo! Bakit ka nanggugulat? Nahulog tuloy yung cutter ko! Paano na iyon? Nasa gilid na ng ilog. Hindi ko na iyon makukuha," malungkot na wika ni Gissell. "Sorry, papalitan ko nalang. Hinging paumanhin ni Glenn, 'Ano ba kasi yang mga inukit mo diyan?' "Wala. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Baka hanapin ka ng daddy mo," ani ni Gissell. "Hindi ako hanapin noon. Bakit lagi kang nandito? Mag-isa ka lang. Tara na sa bahay, maglaro tayo. Aalis na kami mamayang hapon. Tapos, lagi kang umiiwas sa akin. "Mamimiss kasi kita, eh. Wala na akong kaibigan at kalaro." "Ganoon din naman ako, eh. Wala akong magawa. Iyon ang gusto ni Daddy. Hindi ko rin alam kung ilang taon kami doon, but don't worry, sabi naman ni Daddy, aayusin niya ang business niya doon at babalik din kami dito para dito na kami for good," paliwanag ni Glenn. "Promise iyan, ha? Baka pag uwi mo, hindi mo na ako makilala. At baka pag balik mo, may asawa ka na," malungkot na wika ni Gissell dahilan para humagikgik si Glenn. "Ano kaba! Ang bata pa natin para iyan inisip! , Bug,s" natatawang wika ni Glenn. "Bakit hiniwa ka ba para hindi ka lumaki?" "Wag muna nga isipin 'yon. Ikaw rin, pag nagdalaga ka na, huwag ka muna mag-boyfriend dahil ako ang kikilatis sa magiging boyfriend mo," ngising wika ni Glenn. "Chehh, bahala ka, mag-asawa ako ng 16 years old," pabirong sagot ni Gissell. "Bahala ka din, ikaw lang naman ang ma-lusyang ng maaga," natatawang saad ni Glenn, dahilan para batukan siya ni Gissell. Ito na naman sila sa kanilang asaran. Naglaro sila sa manggahan hanggang magtanghali. Bago umuwi, nag-iwan sila ng mga larawan ng dalawang bata na naka ukit sa puno mga mangga. Tuluyan nang umalis sila ni Glenn ng araw na iyon; si Mama ang naiwan na mangalaga sa manggahan. Sampung taon ang lumipas, nandito kami ngayon ng kaibigan kong si Rose sa canteen ng Holy Cross College ng Digos city. Dito ko lang din nakilala si Rose sa school; mabait siyang kaibigan at palabiro. Gusto kong mag-aral dito dahil gusto ko sa Catholic school. Marami akong natutunan; culinary ang kinuha kong kurso. Tuwing Sabado, tutulong kami sa outreach program nila Sister Naffy para sa mga kabataang naliligaw ng landas. Tuwing Linggo, nasa music ministry kami ni Rose at mag-choir kami sa simbahan. Kaya wala akong panahon gumala; graduating na kami next month kaya naging busy kami lagi. "Hoy, best, ubos na sa langaw 'yang pagkain mo! Nasaan ba lumipad 'yang isip mo? Kanina ka pa tulala," kurot ng kaibigan ko sa gilid ko kaya napa-balik ako sa wisyo. "Ay, oo nga pala, kain na tayo," yaya ko kay Rose. "Oy, late ka na, Best! Tingnan mo nga itong plato ko. Ano bang nangyari sa'yo, nakatunganga ka lang diyan." "Hi, guys! Can I join?" boses ng isang pamilyar na boses kaya napa-lingon kaming dalawa ni Rose. "Sure," sagot ni Rose kay Carl, ang pinsan ni Glenn, na laging naka-buntot sa amin ni Rose. Nasa kabilang baryo sila nakatira pero same lang kami ng school; ito lang kasi ang pinaka-malupit na school dito sa amin. Hi Gie, wala bang sinabi mama mo uuwi na sila tita Aurora next week? Wika ni Carl, kaya nabuga ang iniinom kong juice diritso ito sa mukha ni Rose. "Bestie, naman eh, may nakakagulat ba sa sinabi ni Carl para ma-bughahan mo ako ng juice?" dismayadong wika ng kaibigan ko. Kaya nagmadali akong tumayo at pinunasan ng wipes ang mukha niya. "Naku, sorry best, hingin pa umani ko dito. Paano kasi magkikita na sila ng prince charming niya," pang-aasar ni Carl. Schoolmate namin si Carl noon, kaya alam na alam niya ang buhay ko. Naging malapit din kaming kaibigan ni Carl, kaya lagi kaming tatlo ang magkasama. "Kaya pala! Sige na, umupo ka na doon. Okay na ako, maintindihan na kita kahit nakakainis ka'." "Sorry talaga, best," muli kong wika. "Anong oras out niyo mamaya? Hatid ko na kayo," tanong ni Carl. "Ah, mga 5 o'clock. Gusto ko 'yang plano mo Carl," natatawang sagot ni Rose. Lumipas ang araw at ngayong gabi ang dating nila tita Aurora. Na-invite ni Carl si Rose, sa birthday party ni tita kaya nandito kami ngayon sa bahay at nagbibihis si mama kaninang umaga. Doon para i-manage ang mga tauhan at catering ng 50th birthday ni tita Aurora, kaya malaking handaan ngayon. Naka-bili narin kami ni Rose ng regalo kanina. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Kumusta na kaya si Bugy Bugs? tanong ko sa isip ko habang nilalagyan ako ng makeup ni Rose ang mukha ko. "Open your eyes na, best. Okay na 'yan, simple makeup lang tayo dahil maganda na tayo, ala model," pahayag ni Rose sa harap ng salamin. Kaya natawa na lang ako sa kakulitan nitong kaibigan ko. "Okay na, maganda ka na," ngiting sagot ko. Inayos ko na ang suot kong long peach dress na three fourt.Tumunog ang cellphone ko, may nag-text, kaya binasa ko agad. " Nak halika na, magsisimula na ang party, hinahanap ka na ng tita Aurora mo." mensahi ni Mama, nag-reply ako ng "okay" at nilagay ang cellphone ko sa bag. Tara na, best, yaya ko kay Rose at lumabas na kami ng bahay. Mga nasa kabilang kanto lang ang bahay nila Tita Aurora, kaya sampung minuto ay nakarating na kami. Lumipat na sila Tita; si Lola Francing na lang ang nakatira sa dati nilang bahay. Mas malaki at maganda na ang bahay nila dito sa highway ngayon. Nakarating na kami sa labas at papasok na kami sa gate nang matanaw ko sila Mama at Tita na nag-uusap. Napansin nila ako, kaya kinamay ako ni Tita at agad akong lumapit. "Gissell, iha! Nako, ang laki at gandang dalaga mo na! Kamusta?" tanong ni Tita sa akin sabay beso-beso. "Okay lang po, Tita. Kayo rin po, mas lalo kayong gumanda," puri ko kay Tita. "Iba na kasi ang balat niyo kesa noon. Siya nga pala, Tita, ito regalo ko sa inyo. Happy birthday po! Bigay ko na lang po, baka maging busy na tayo mamaya." "Ikaw, talagang bata ka, nag-abala ka pa. O siya, sige, salamat dito. By the way, hintayin mo na lang 'yong kaibigan mo, nagpa-iwan kasi sa airport. May hihintayin pa raw siya, pero na-text naman siya na parating na," ani ni Tita, kaya tumango lang ako sa kanya. Sinamahan kong umupo si Rose; nandito na rin pala si Carl. Magkasama sila ni Rose sa table namin, kaya bumalik na ako doon at umupo. Busy pa sila Mama at Tita sa pag-entertain ng ibang bisita. Mga isang oras din kaming nag-uusap at naghihintay. Nakita kong lumapit si Tito Liam kay Tita Aurora. "Where is Liam? It's time to start the party," wika nito. May pumasok na sasakyan sa garahe nila, kaya napatingin kami doon, pati si Tita, at napangiti ito nang makita niya ang kanyang anak. Ang mga ngiti namin ay napalitan ng gulat nang may bumabang babaeng matangkad, mataas ang buhok at makinis ang balat. Naka-suot ito ng floral dress, kaya napakaganda niyang tingnan. Kumapit ito sa braso ni Glenn at naglakad papunta kina Tita at nagmano. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko; para akong tinusok ng karayom ang puso ko. Tumigil nga, Gissell, kaibigan lang kayo. Wala kang karapatan mag-selos saway ko sa sarili ko. "Hoy, Gie!" tinawag ka ni Tita Aurora. Tapik ni Carl sa akin kaya napa-tingin akong muli sa harapan. Tinawag ako ni tita doon, kaya nagpaalam muna ako kina Rose. Pagdating ko doon, naka-yuko lang ako; hindi ko kayang salubungin ang mata ni Glenn. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko sa aking sarili. Diretsong lumapit ako sa tabi ni tita. "Yes po, tita, may kailangan po ba kayo?" "Anong kabang bata ka? Hindi mo ba nakita, nandito na ang kaibigan mo? Oh, baling nito kay Glenn." Kaya doon na ako humarap at nakita ko ang buong mukha ni Glenn. Ang laki ng pinag-bago niya, malaki na ang katawan, at napaka-pogi na niya. Subrang kinis na rin ng kanyang balat. Nakatitig lang ako sa kanya; hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nahihiya din akong lumapit dahil sa katabi niyang babae. "Hey, Bug's, kamusta ka na? Ang laki mo na, ah. Nasaan na yung anak at asawa mo? Sabi mo sa akin mag-aasawa ka nang maaga," natatawang wika nito, saka lumapit ito sa akin at inakbayan ako. "Anong klaseng tanong ba 'yan, iho? Dalaga pa 'yang kaibigan mo, hinanapan muna ng anak!" Saway ni tita. Nakatitig lang ang girlfriend niya kaya tinanggal ko agad ang braso niya. "Okay lang. Ikaw, kumusta na? Seryoso kong tanong." "Okay lang rin siya, nga pala. Mate, my girlfriend si Jhona Biñas," baling nito sa kasama niyang babae. "Hello, my name is Gissell. Nice to meet you." "Hi, nice to meet you, too," sagot rin nito sa akin. Nagpaalam na muna ako sa kanila at bumalik sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD