Gissell: POV Subrang sakit ang desisyon kong umalis sa bahay, pero kailangan ko munang umalis para sa katahimikan namin. Ilang gabi na akong walang tulog; ayaw kong umabot ang panahon na humantong sa depression ang lahat. "Manong, dito lang po!" saad ko kay Manong driver. Inabot ko sa kanya ang pamasahe ko. Bumaba ako ng tricycle, hila-hila ang maleta ko. Pagdating ko sa pintuan ng apartment ni Rose, kumatok ako ng dalawang beses. "Saglit lang, sino 'yan?" May narinig akong yapak at ilang saglit ay bumukas ang pinto. Nakatayo si Rose at nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa at dumako ang tingin niya sa dala kong maleta. "Papasukin mo ba ako o, hindi?" pagod kong wika sa kanya. "H-halika, pasok. T-tika lang, saan pala ang byahe mo? Bakit ang laki naman ng dala mo?" "

