Lumipas ang isang linggo, at ganun pa rin ang sitwasyon namin ni Gleen, pero patuloy pa rin ako sa pagluluto ng pagkain niya kahit hindi niya naman ito pinansin. Minsan, sa gabi, habang tulog na ako, narinig kong mga tunog sa kusina at minsan, makikita ko siyang kumakain, kaya dinadagdagan ko na lang ang luto. Narinig ko kagabi na parang sinat si Gleen; panay kasi ang hatak at tahol ng ubo, kaya inagahan ko ang gising at gumawa ng ginger tea para sa kanya. Naalala ko ito noong bata pa kami; ginagawa niya ako nito para gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong gawin ang ginger tea, ay inihanda ko na ang pagkain namin. Ilang saglit lang ay bumaba na si Gleen, kumuha siya ng baso at iinom sana ng tubig sa dispenser, ngunit pinigilan ko siya. "Wait, wag yan! Inumin mo itong ginger tea! Para

