Chapter 1⃣
Nag dahil sa tagumpay na tinamo ng kanyang documentary film tungkol sa child labor. Mataas ang rating ng kanyang programa kung saan isa siya sa bagong correspondent.
Thank you sir, malugod niyang ganti at nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso sa sunod-sunod na suwerteng dumating sa kanya
Mula sa pagiging police beat reporter, nabigyan siya ng break sa isang sikat at long - time running program ng kanilang network.
Sa susunod na linggo ay ipapalabas ang panibago niyang documentary film. Sa ngayon ay naghahanda siya sa bago niya uling assignment.
Parang Naka lutang sa, alapaap ang pakiramdam ni Catherine habang palabas ng nagarang opisina ng Big chief. Magaan na magaan ang kanyang pakiramdam na tinalunton ang pasilyo, patungo sa elevator......
Tatawagan ko sina at Ricky at Pat para maayaya ko manaya na mag-celebrate, sabi niya matapos niyang pindutin ang down - botton.
Naghihintay siya ng pagbubukas ng elevator, abala sa susunod na araw. Samantalang hindi na yata mabubura ang ngiti sa kanyang mga labi...
Sana makuha na agad ng kapalit ng magiging cameraman ko. Kung bakit kasi naisipan pa nila Leon na mag-migrate sa, America gayong okay naman ang trabaho niya rito.
Sa puntong iyon ay nalungkoy si Catherine. Paano naman matagal na niyang kasama, at ka partner ang cameraman niyang si Leon Santos. Gamay na gamay na nila ang isa't isa kaya nga naging mabilis ang pag - angat ng career niya ay dahil dito. Utang din naman niya sa kanyang video - cameraman ang tagumpay ng bawat proyekto. Maganda ang teamwork nila kaya siguradong mami-miss niya ito........
Sana magtagumpay kayo, Leon bulong niya. Ang misis ni Leon ang kumumbinsi sa kaibigan niyang mag-migrate sa America, dahil naniniwala ang babae na mas asenso sa ibang bansa.....
Cheer - up Catherine, sigurado namang mahusay rin naman ang magiging kapalit ni Leon sa loob - loob niya
Nang bumukas ang elevator pumasok na siya sa loob.
Agad siyang binati na may kasamang mga ngiti ng mga tao sa loob. Siyempre pa, kumalat na agad ang tungkol sa kanyang tagumpay. Hindi na siya matatawag na basta-bastang reporter lang kungbaga, may prestage na ang pangalang Catherine LAJO.
Isa - isang lumabas ang mga kasabay niya hanggang sa siya na lang ang natira sa loob ng elevator.....
Sa basement ang tuloy niya para kunin ang kanyang kotse. At uuwi na siya sa bahay dahil wala na siyang gagawin sa newsroom......
Pagbukas ng elevator, siya namang pag labas niya ay eksakto namang himangahos na pumasok ang isang lalaki. Nagkasagian Sila ng balikat muntik na siyang tumilapon sa lakas ng impact gayunpaman hindi niya makuhang magalit dahil taglay niya pa rin ang masarap na pakiramdam.......
I'm so----nabitin ang tangkang paghingi niya nang paumanhin nang nakatingin ang lalaki..
Salubong ang majapal na kilay nito, walang dudang iritasyon ang nakabadha sa morenong pagmumukha nito.
Pakiramdam no Catherine ay nagsitunugan ang mga warning bells sa katawan niya nang ganap na yumakap sa kanyang kamalayan niya kung sino. Ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon......
Si Jake Gutierrez! Ang lalaking hambog at. Mortal niyang kaaway noon, noon pa hinding - hindi niya makakalimutan ang pagmumukha nito kahit pa matagal nang panahon niyang hindi ito nakikita.
Wala naman kasing gaanong nabago sa hilatsa ng pagmumukha niya, no! Nag- mature lang! Pero teka nga, anong ginagawa nito riito?
Ano miss, magttigan na lang ba tayo? anito sa iritadong tono.
Umangat yata hanggang anit niya ang pagkakatikwas ng kanyang kilay kasabay ang pagkulo ng kanyang dugo.
The nerve!
Ang kapal din ng mukha mo, ikaw na itong nakasagi, ikaw pa itong may ganang magtaray....
Ngumisi ito. Hindi ka kasi tumitingin sa dinararaanan mo.
Ngali - ngali na niyang dukitin ang mga mata nito sa so ta niyang banas.
Pero wala siyang balak na patulan ito, hindi sia ang tipo ng taong bababa sa level ng mga taong ipinanganak nq, walang modo.....
She wondered kung nakilala siya nito o kung aware ba ito. Kung sino at ano siya sa lugar na iyon pero wala siyang interest na magpakilala rito at magyabang at magmalaki.
Hmp, hindi naman kami close, no!
Tiningnan niya lang ito Mula ulo hanggang talampakan nitong nasusuotan ng rubber shoes sabay ismid. Walang salitang tinalikuran niya ito at walang lingon - lingon na naglakad patungo sa kinaparadahan ng kanyang kotse.
Ano kaya ang ginagawa ng mokong na iyon dito? Bulong niya habang binubuksan ang pinto ng kanyang kotse......
Catherine, I want you to meet your new partner, Mr. Jake Gutierrez. Mr. Gutierrez, siya si miss Catherine lajo, pagpapakialala naman sa kanila ng kanilang executive producer na si Mr. Nathan Rivera....
Nalaglag ang panga ni Catherine nang marining iyon. Kung kaninang inabutan niya sa magarang opisina ng executive producer si Jake awtomatikong kumulo ang dugo niya kasabay ang pagtataka kung bakit naroroon. Ang totoo'y ay nagkaideya na siya pero tutol agad ang isip niya sa posibleng dahilan ng presensiya ng lalaki
Alam niyang iisa lang naman kasi ang dahilan kung bakit siya ipinatawag sa opisina ng executive producer. May nakuha na raw na kapalit ni Leon at ang nasagap PA niyang impormasyon sa mga staff ay galing daw ang naturang cameraman sa kalabang network, ibig sabihin
Na - pirate.
At ngayon nga ipinakilala na sila sa isa't-isa no Nathan.
Kanina pa nabura ang ngiti niya. Wala siyang balak na ngitian kahit kapiranggot ang hambog.
Hindi siya makikipagplastikan dito.
Hello, miss lajo, ngiting-asong bati sa kanya ni Jake sabay tayo at nag-alok ng pakikipagkamay. I'm pleased to meet you ma'am
Hello-him mong mukha mo! ngali-ngali na niyang isupla rito pero nag titimpi siya. Hindi niya gustong nagmukhang bastos sa harap ng executive producer.
HI, tipid at walang kalatoy-latoy niyang sagot. Napilitan siyang abutin ang kamay nito. Napakislot siya nang pisilin nito iyon. Pakiramdam niya ay namula ang pisngi niya sa ginawang iyon nito Lalo pa't wari'y may nalumay na kuryenteng nagpatas ng kanyang mga balahibo. Agad niyang binawi ang kanyang kamay.
Isang malaking karangalan para sa akin na makatrabaho ka, CATHERINE I heard so much about you..
Lihim na tuwalikwas ang kilay niya sa boladas nito pero mali ay nagtimpi siyang huwag itong barahin, salamat labas sa ilong na tugon niya.....
Bueno, maari ninyong gamitin ang conference room, hija. Alam Kong kailangan ninyong maging acquainted sa isa't isa at kailangan ninyo na ring umpisahang pag - "usapan ang tungkol sa susunod mong project.
Ah, sir can i have a minute with you? May gusto lang akong sabihin.
All right, go ahead, paunlak namma nito Tila naman hindi nakahalata si Jake kampante lang itong Naka upo.
Puwedi ka nang mauna sa conference room, aniya sa lalaki na may kasamang bahagyang panlalaki ng mga mata,. I guess, may idea ka na kung nasaan iyon.
Bakit, Catherine confidential ba ang sasabihin moat hindi puweding marining ng partner mo?
Yes, sir,
O paano, Jake mauna ka na sa conference room.
Sure, puno ng kumpinyansang sagot nito at tumayo na.
Hindi maiwasan ni Catherine na pagmasdan ito.
Hanggang sa makalabas ng pinto. How she wished na labasan ng apoy ang mga mata niya at gusto niyang matupok na si Jake....
Nakangiti si Nathan nang balingan niya ito ng tingin...
What's going on, hija? Bakit may pakiramdam ako n a hindi mo gusto si Mr. Gutierrez?
To be honest, I do, sir. I know, hindi ko dapat inihahalo ang personal b na bagay sa trabaho. But you must understand na hindi rin kasi maiwasan na hindi maapektuhan ang trabaho ko kung ang makaka-partner ko, eh hindi ko kasundo. In fact, mabigat sa loob ko na siya ang makakasama ko sa mga future project ko.
Mind if I ask kung bakit ayaw mo sa kanya? Mukhang magkakakilala na kayo.....
Nagbugtong-hininga si Catherine. Pupuwede niya nga bang sabihin dito na ang tungkol sa matagal nang alitan nila ni Jake? O mas tumpak sabihing attraso ni Jake sa kanya?
Pero baka naman mabawasan ang magandang impresyon sa kanila ni Nathan kung pati matagal nang alitan niya sa isang tao ay uungkatin pa niya.
Isipin pa nitong hindi siya marunong magpatawad I makalimot sa isang bagay na matagal na rin namang nangyari......
Ganunpaman, hindi talaga siya matatahimik hindi talaga siya komportableng katrabaho si Jake.
The truth is......... Kilalang - kilala ko ho si Mr. Gutierrez way back then. Magkakabayan kami at base sa pagkakilala ko sa kanya, napalunok muna siya bago nagpatuloy, hindi ko gusto ang kanyang karakter.
Nagpawala ng maiksing tawa si Nathan.. C, mon, Catherine matagal na pala yon. The fact na kinuha siya ng network, ibig sabihin ay impressive ang kanyang record. And I believe he will be an asset to us. To the company.
Iba na lang ang I - assign ninyo sa, akin, sir, okay lang kahit--------''
I'm sorry Catherine hindi ko mapagbibigyan ang request mo. Naniniwala ang management sa kakayahan no Mr. Gutierrez, sa inyong magiging tandem oar a aging maganda ang kalabasan ng gagawin b ninyong coverage sa nangyayaring hostage - crisis ng mga ABUSAYAF sa Mindanao. In fact, masasabi Kong beterano ang taong iyon.... Pag dating sa pagku-cover sa war. Isa siya sa nangahas na I - cover ang ginawang paggiyera ng America para palayain ang bansang Iraq Mula sa kamay ni saddam.
Nanlumo si Catherine sa mga narining na paliwanag no Nathan mukhang wala yata siyang magagawa para mapilitan ang maging kasama niya. Puwera na lang kung magbibitiw siya sa kanyang trabaho...
Never kong gagawin yon, pasya niya never allow him to ruin my career!
Sa susunod na araw ay lilipad na sila patunggong Mindanao. F
Doon ay makakasama niya hindi lamang dalawa o tatlong araw si Jake bibilang ng maraming araw dahil malawak ang sakop ng kanilang assignment.
May dalawang araw siyang nalalabi para magprepara. At sa preparasyong iyon., ay kailangan na talaga nilang mag-usap ni Jake......
Napangiwi siya sa ideayang makakasama niya ito. Ngayon ay alam na niya kilala naman pala siya ni Jake more or less ay may ideya na ito kung sino siya.
Hindi kaya sinadya niyang dito sa amin lumipat? Pero bakit? Naisip ni Catherine iisa lang ang dahilan. Pera!
Nasilaw sa Pera.......... Hindi na pala ako dapat magtaka. Itinakwil siya ng kanyang papa at malamang na wala siyang mapapalang mana mula rito. Siguro, pareho lang din niya itong natatandaan pa ang mga pangyayari noon.............
Habang patungo si Catherine sa conference room kung saan sa isip ang nakaraan........
Chapter 2⃣
Hayy. Kaialan kaya mapapaaspalto ang kalsada rito sa ating barrio, Dina?Ani ni Catherine sinamahan pa ng Palatak....
Naka busangot siya dahil halos lumubog ang suot niyang bakya sa putik. Ano pa bang aasahan niya makapal na ang putik na nakakulapol sa kanyang bakya..
Eksaheradong naitirik naman no Dina ang mga mata nito. H'wag ka nang umasa pa.
Alam mo naman kung gaano kakukupad sa pag-"aksiyon ang gobyerno natin. Nakita mo naman ni wala tayong sariling health center at eskwelahan.
Kung hindi tayo magtitiyagang lumakad ng ilang kilometro, hindi PA tayo makakapag aral. Kung bakit naman kasi hindi pa itinuloy.
Yong pagpqaspalto ng kalsada rito gayong ginawa na yong kalsada sa kabilang barrio.....
Tama na ngang kaaangal mo. Nagsasayang ka lang ng laway.
Tsaka bihira ka namang lumuwas ng Bayan Ano?...
Minsan na nga lang pero alam mo namang dusa ang inaabot ko. Mantakin mo, iniluluwas ko itong mga inani kong upo, talong at ampalaya sa palengke.
Ang bigat na nga ng dala ko, parusa pag maglakad sa ganitong kalsadang daig pa ang mga crater sa buwan.
Umingos ito. Para namang nakarating ka na sa buwan kung makapagsalita d:yan. Pasalamat ka. Nga't may mabait kang kaibigan. Hindi kita matiis na hindi samahan.
Inirapan niya rin ito.. Hus, ang sabihin mo, sabik ka namang makakain ng pansit at siopao.
Uy, ha kung kakain tayo kina along belen wala akong dakang pera, anitong may kabuntot na bungisngis.
Siyempre, alam mong ililibre kita kaya sinadya mong hindi magdala. Bilisan mong maglakad baka hindi na natin abutan yong suki kong magbabayad v nito. Kapag tinanghali tayo., yong anak na lang ang nagbabantay sa tindahan sa palengke, baka mapurnada pa ang pankilibre ko sa yo.
Paqno tayo majakabilis, eh ang bigat nitong mga bayong Ano?
Tumataba kana kasi kaya, yang katawan mo ang mabigat Ano? ganti niyang nagtatawa nilantakan mo kasi lagi ang kamote,
Heh! Inggit ka lang sa katawan ko.
Puwede ba, wag kanang mag payong? Hindi naman matindi ang sikat ng araw. Ako ang nahihirapan sa ginagawa mo. Hayaan mo na kasing pawisan ka para mabawasan yang taba mo.
Hindi bale nang ganito ang katawan ko, kaysa naman sa 'yo, babaeng maskulado. Tingnan mo nga ang hitsura mo, para kang lalaki ni hindi nag-aayos maganda naman
Sana. Yang buhok mo, hindi mo pinahahaba. Tsaka nagsuot pa ng T-shirts susme, tinangagalan ng manggas, Lalo tuloy nakikita ang pagkamaskulado mo. Kulanh na lang sa yo buhok sa kili-kili at nguso. Lalaki na ang labas mo Catherine.
Hindi naman niya ikinapikon ang sinabi nito
Dahil totoo. Sagana siya sa mabibigat na gawaun. Nag - iigib ng tubig nangunguha ng pang gatong na kahoy at saka sisibakin ng palakol wala naman kasi silang inaasahang gagawa ng mga iyon komo wala naman silang kasamang lalaki sa bahay.
Mula sa kanilang bahay ay mahigit kalahating kilometro ang nilalakad papunta S pindohan ng mga jeep na bumibiyahe patungo sa bayan.
Doon din sa pondohan iyon ay may ilang tricycle na bumibiyahe patungo sa mga kalapit na barrio pero dahil pangit nga ang kalsada patungo sa kanilang barrio kaya umaangal ang mga tricycle na maghahatid. Kaya naman espesyal ang singilan kapag ang trip sa kanilang barrio.
Natatanaw no Catherine ang paparating na sasakyan. Kumunot ang noo niya nang mapansing mabilis ang pagpatakbo niyon wari'y hindi alintana ang pangit na kalsada.
Tagaktak na ang pawis niya at nangangawit na ang mga braso Sq bigat ng bitbit niyang mga bayong. Nauna vsa kanya si Dina na huminto upang magpahinga. Panay ang paypay nito ng sailing kamay.
Sa susunod naman kasi Catherine, umarkila ka ng tricycle na susunod sa 'to at maghahatid sa bayan. Hindi yong pibahihirapan mong sarili mo at nadanay pa ako....
Ang dami mong reklamo. Kaya nga ayokong mag tricycle dahil yong kikitain ko de sa kanila lang mapupunta. Tara na nga' t malapit-lapit na tayo sa sakayan ng---------hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil bigla na lang tumilamsik sa mukha niya at katawan ang kulay tsokolateng putik.
Minalas pang ma- shoot sa kanyang bibig ang putik pwe!pwe! sunod-sunod niyang dura.
Putris na yon6, ah gigil na pagmumura niya nang maidura ang putik.
Lokong yon ah! gigil ding sambit ni Dina nang malingunan niyang mayroon ding putik sa damit at mukha.
Dahil doon nagngingit niyang hinabol ang makintab na kotse naabutan naman niya dahil hindi nagawang magpatulin ng driver dahil sa mas malalim ang butas sa unahan.
Ubod lakas niyang pinagbabayo ng kanyang kamay ang hulihan ng sasakyan. Bastos ka! Bastos! lumabas ka r'yan at makikita mong hinahanap mo!
Mabilis namang lumabas ang driver dahil tiyak na narining ang malakas na lagabog sa kanyang sasakyan.
Isang matangkad na lalaking v nakasuot lamang ng vest, kupas na pantalong maong at ngayon ay salubong ang makapal na kilay na pinakatitigan siya. Para pa ngang gusto siyang lunukin ng buo nito.
Aba naman, siya pa ang maygana magpakita ng galit sa loob-"loob niya habang naningkit ang mga mata niyang nilalabanan ang matiim na titig nito.
What's your problem, mister? Bakit kotse ang oinagdiskitahan mo? Puno ng awtoridad na Sita nito.
Aba't mokong vna ito, napagkamalan pa akong lalaki! Nagngingitngit niya.
Nagtatanong ka pa? Akala mo kung sino kang hari ng kalsada. Nakita mo nang may tao-------
I'm sorry miss, agaw ng suwabeng boses.
Napatingin si Catherine sa lalaking lumapit maamo ang mukha nito, tipong anghel na bumaba sa lupa at ngayon ay sinserong himihingi sa kanya ng despensa. Kabaliktaran iyon ng lalaking may matapang na mukha at walang dudang hambog....
Bahagyang napalis ang ngitngit niya nang narining niyang tinawag siyang miss nito, ibig sabihin, nakakakilala ng tunay na beauty ang mukhang anghel na lalaki.
Pasensiya ka na, miss hindi sinasadya ng brother ko na matilamsikan kayo.
Bakit ka ba himihingi ng despensa sa babaeng yan, Liam? Siya itong dapat humingi ng sorry sa akin dahil sa ginawa niya sa kotse ko
Binalingan siya ng lalaki. Dapat ngay pagbayarin kita dahil niyupi mo ang kotse ko
Muling bumalik ang ngitngit niya sa nagtatalak na lalaki. Dapat ngay mukha mo na lang binayo ko para yan na lang ang nayupi!
Bakit hindi mo subukan at nang makita mong hinahanap mo? Patuyang hamon nito.
Jake! wari'y hindik na bulalas ng kasama nito.
Tayong may kasalanan sa kanya kaya--------ahh
ganoon hinahamon mo ako, naiiritang Sabi ni Catherine, iyong dampot niya ng isang malaking bato at saka niya binalikan ang hambog na lalaki.
Catherine, naghunos - dili ka! hindik na, sigaw ni Dina. Teka sandali Ano bang gagawin mo?
Hinahamon ako, de patulan ko baka akala siguro nito, hindi ko kanyang bangasin ang kanyang mukha,
Tange, lalaki yan, pabulong na, sabi sa kanya no Dina.
Eh, Ano kung lalaki? Akala siguro uurungan ko siya.
Isang malulutong na halakhak ang pinakawalan ng lalaki, ikaw pala ang mayabang, yang liit mo ng yan, kakasahan ako, sige, Tingnan natin kung hanggang saan ang ibubuga mo isang pitik ko lang sa 'yo bubulagta kana,
Shut - up Jake! Angil ng kasama nito na sa tingin vni Catherine ay mas nakakatanda. Halatang nahihiya ito sa madamang asal ng kasama.
Kumukulo ang dugo niya para sa lalaking akala mo kung sinong umasta, at siya pa raw itong dapat humingi ng sorry rito. Buti nga sayo na shut-up ka!
Huwag ka ngang makialam, Liam problema namin ito ng bubuwit na ito. O ano mag so-sorry ka o gusto mong bitbitin kita at isasabit sa puno?
Hambog na ito. Ikaw ang mag-sorry, asik niya rito.
Ano ka sinusuwerte, hindi ako mag so-sorry sa 'yo sa loob-loob niya. Tinapunan niya ito ng natalim na irap bago ibinaling ang tingin sa lalaking mabait.
Kapag hindu ka tumigil isusumbong kita Kay papa Jake,
Wariy nasindak naman ito.
Pasensiya na, miss mahinahong wika ng mabait na kasama nito, pagpasensiyahan mo na lang ang kapatid ko. Pasalamat yang kapatid mo mabait ka at marunong kumilala ng mali sambit niya na Bahagyang nagkubag ang loob.
Sorry talaga, gilalas siya nang abutan siya nito ng panyo nito. Dahil tuloy sa amin ay nadumihan ka gamitin mo na ito para mapunasan yang putik sa mukha mo.
Hindi naman siya nagpatumpik - tumpik pa at kinuha niya iyon. Salamat na rin.
Teka, mayroon vpa akong extra towellete. May dumi vrin pala ang kasama mo. Nilingon niya si Dina, kunindat ito na tila kinikilig di sa kabaitan ng guwapong lalaki Okay lang sa yong ipagamit sa kanila yang gamit mo, Liam? Kutya ng lalaking hambog baka mahawa ka ng galis...
Napahuminding siya sa narining. Natalim niyang tiningnan ang lalaki....
Shut-up Jake, nagbabantang Tinapunan niya ng tingin ang kapatid....
Buti nga sayo pahiya ka nginisihan niya ito
Talagang ginamit nilang mag kaibigan ang panyo at ang towellete.
Sa inyo na yan. Mabait ang tonong sabi nito. Remembrance ko na sa inyong dalawa kung okay lang sa inyo. Huwag nyo sanang isiping nandidiri ako kaya ayaw ko nang kunin.
Sigurado ka? Paniniyak ni Catherine hindi ko ito tatanggihan, Puwede ring gnawing basahan itong panyo,
Ngumiti ito. Yup sa inyo na,
Let's go, Liam, naabala na tayo nang husto, anang lalaki na hayag ang pagkainip sa bruskong mukha nito.
Muli niya itong Tinapunan ng madamang tingin. Hambog! May araw ka rin. Nauna na itong pumasok sa loob ng sasakyan....
Siyanga pala, magtatanong na rin ako sayo miss, papunta kami sa bahay ni kapitan tonyo kilala nyo ba siya?
Oo kilala ko bakit? Maagap na, sagot ni Catherine.
Malayo pa bang bahay nila?
Naramdaman niyang kinakalabit siya ni Dina sa siko. Medyo Malayo Malayo pa diretsuhin nyo lang ang kalsada, pag dating sa dulo, kaliwa makikita kayong malagong puno ng mangga, iyon na.
Salamat miss, Teka, Puwede ko bang malaman ang mga pangalan ninyo? Ako so Liam ako si Catherine siya naman si Dina matamis itong Ngumiti sa kanila no Dina sige nice to meeting sa inyong dalawa
Parang ayaw pa niya paalisin subalit ginulantang sila ng sunod-sunod na busina. Bago ito pumasok sa sasakyan ay lumingon pa sa kanila at kumaway.
Hinabol pa niya ng tingin ang papalayong sasakyan.
Hoy! Para kang namatanda riyan nakalimutan mong may kasama ka, panggugulat ni Dina sa kanya
Nilingon niya ito, ang guwapo nya Ano?
Sinabi mo pa.... At ang bait.
Hmp, yong kasamang buwisit.
Kung hindi ako nagkakamali sila yong mga anak ng bagong nakaupong gobernador, Gutierrez yong apelyedo niya, di ba?
Palagay ko nga sa hitsura pa lang, sosyal na. Pero anong gagawin nila rito sa lugar natin?
Malay ko,
Hindi bale malalanan din naman natin kay kapitan tonyo,
Sige mabait naman si kap. Tsaka close kayo de makikibalita ka mamaya.
Napangiti siya nang maalala kung paano siya nginitian ni Liam.
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon Ano?
Sinong mag-aakala na makakaengkuwentro natin yong mga anak ng bigating tao sa lugar natin? Suwerte pala natin kahit papaano kahit pa napaliguan tayo ng putik, okay na rin.
Okay kung si Liam lang pero buwisit yong Jake ba yon.
Pero mas pogi yong Jake Medyo salbahe nga lang ang dating.