. . . A sound of ambulance will be heard. . .
"Nabalitaan n'yo ba ang nangyari kay Allen?Gosh, nakakatakot. Natagpuan daw na patay sa kanilang bahay."
"Is it suicide or a murder? What do you think guys?"
Natulala kami sa narinig namin mula sa mga kakalase naming babae. Magkakatabi kaming pito sa likurang bahagi ng classroom.
"Ewan ko, natagpuan daw na bumubula ang bibig sa bahay nila. Iniimbestigahan pa kung naglason or may naglason."
"Grabe nakakatakot. I heard nasa hospital ang nanay n'ya. Imposibleng magpakamatay 'yon. Hindi n'ya iiwan ang nanay n'ya ng basta. And besides, kakabirthday n'ya lang 'di ba?"
Nagkatinginan kaming pito. Masama ang tingin ni Cris kay Sebastian.
* * *
"Umamin ka na Sebastian, YOU. KILLED. ALLEN." Galit na bintang ni Cris.
"Are you kidding me? Hindi ako mamamatay tao, " inis na saad ni Sebastian.
"Sige nga, paano mo ipapaliwanag yung sinabi mo noong birthday ni Allen? Sinong nasa tamang katinuan ang hihiling ng gano'n para sa kaibigan n'ya? Sa ating lahat, ikaw lang nagbigay ng motibo."
" At sapat na ebidensya na 'yon? Tol masama ang mamintang. At ang bigat ng paratang mo. Nag-explain na nga ako na joke lang yun. Saang parte dun ang hindi mo maintindihan? "
"Yun na nga, hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang joke mo. At nagkatotoo, are you happy now that Allen is dead?
" Tama na, walang magandang mangyayari kung mag-aaway kayo, " pag-awat ni Saint sa kanila. Hinawakan ni Saint si Cris at si Heinrey naman kay Sebastian. Pinaglayo nila ang dalawang mukhang malapit ng magsuntukan.
Nandito kami sa tambayan at kulang kami ng isa. Dito unti-unting nagsink-in sa utak namin na wala na nga si Allen. Parang noong isang araw lang ay cinelebrate namin ang birthday n'ya. Pero ngayon, wala na. Sa isang iglap hindi na namin sya makikita at makakasama pa.
" Kakausapin daw tayo ng mga pulis mamaya. Can't you believe it? We're all considering as persons of interest! That means, murder ang case ni Allen. May pumatay sa kan'ya, " namomroblemang sabi ni Cohen.
" Umamin na kasi yung totoong guilty d'yan, " pagpaparinig ni Cris. Alam naming lahat na si Sebastian ang tinutukoy n'ya.
" Baka naman yung sisi ng sisi ng kung sino ang totoong guilty sa pagpatay, hindi ba? Gumagamit ng reverse psychology dahil takot makulong pero hindi naman natakot pumatay, " ganti ni Sebastian.
" Siraulo ka ba?! Eh kung ikaw kaya ang patayin ko? "
Natahimik kaming lahat. Things are getting complicated. Sa aming magkakabarkada, si Cris talaga ang pinakamainitin ang ulo. Halos lahat kami nakaaway n'ya na pero ang pinakamalala ay yung away nila ni Cohen dati. Pero hindi ko alam na may mas hihigit pa pala doon. At yun ang away nila ni Sebastian ngayon. And this is not just a simple argument. This is a serious matter. Death isn't something you can joke about. That's why I can't deny it.
Just like Cris, may galit din ako kay Sebastian. I'm just hiding it within me.