PROLOGUE
A solid one. Gan'yan ko mailalarawan ang aming pagkakaibigan. We're close enough to joke around with each other. To make fun of each other without getting offend or something that would ruin the vibe. I can say that everything between us were fine and happy...and normal. That's what I think.
"What's up bro, malapit na ang birthday ni Allen, anong plano?" tanong ko kay Cris, isa sa barkada namin.
Walo kami sa grupo. Ako, si Cris, Sebastian, Kiel, Heinrey, Saint, Cohen, at ang pinakabata, si Allen na malapit na ring maglegal age ngayong Sabado.
"Isusurprise daw natin sabi ni Sebastian. Hindi ko alam kung anong trip ng isang yun. Ano si Allen, babae?" hindi maipinta ang mukha na sagot ni Cris.
"Bakit pre, babae lang ba ang pwedeng isurprise?" pagsingit ni Cohen sa usapan."Hindi naman 'di ba?A boy and a girl should be treated equally."
Nagpabalik-balik ang tingin ko kayna Cris at Cohen. Well, they look normal. Parehong kalmado. Akala ko ay magsisimula silang mag-away pero mukhang hindi naman. Even so, I still sat between them just in case.
Cris and Cohen. Their personalites are opposite. Cris seems like a bad boy type while Cohen is the nerdy type. There's this old saying that opposites do attract. Maybe at some point, yes, but what happened if two different things attracts?...They will collide and will crash together. Just like what happened before between the two of them. But we're glad it's already fixed. Pero hindi na namin gugustuhing maulit 'yon.
Biglang tumayo si Cris at tumingin sa amin ni Cohen."You know what?Punta na lang tayong tambayan. Nandoon na siguro sina Sebastian. Nagpaplano ng kung anong kalokohan sa birthday ni Allen."
Lumabas ng classroom si Cris. Lunch break namin ngayon kaya kung wala dito ang iba, paniguradong nasa tambayan nga 'yon. Idagdag pa na absent si Allen dahil nag-aalaga daw ng nanay n'yang may sakit ngayon. Kaya naiintindihan ko kung bakit nagpaplano ng surprise si Sebastian. He wants to make him happy on his birthday at least. Ang kaso hindi ko alam kung seryoso s'ya dun. Seriously, si Sebastian pa?Ang dakilang joker ng barkada. Mas kapani-paniwala kung gaganap s'yang clown sa araw na yun.
Nagkatinginan kami ni Cohen. At sabay napatango sa isa't-isa. Kapag ganitong magbibirthday ang isa sa amin, we're very much excited.
Sabay kaming tumayo at sumunod kay Cris.