CHAPTER 5. Il Museo

1576 Words
“MASYADO nang mahaba ang panahong ibinigay para sa misyong ito, Dr. Cortez; we can not afford another failure.” Isang lalaking nakasuot ng itim na sumbrero ang nagwika niyon. Dahil nakatalikod ito sa kaniya ay hindi maaninaw ni Dean Cortez ang mukha ng kausap pero nagpakilala itong isang taong pinagtitiwalaan ni Signore Alessandro. Lahat ng security questions at code na kailangan para sa identity verification ay naibigay nito kaya madali niya itong pinapasok sa kaniyang opisina kahit hindi niya ito kilala, at kahit walang advice mula sa SLDVP Secret Management. “We are doing our best, Mister...?” “Hidalgo. You can call me by first name, Dr. Cortez.” “-Hidalgo, as you say,” anang dean at saka humugot ng isang malalim na paghinga. “Magaling ang batch na ito at umaasa akong magtatagumpay sila.” “Well, iyan din naman ang pag-asa natin sa mga nagdaang taon. Malaki na ang puhunan ng grupo sa proyektong ito at panahon na para bumawi. Sa Italia, dalawang taon ang nakatakdang timeline upang iparalesa ang lahat ng aktibidades sa merkado. Lahat ng border ay sarado. Ang buong komersyo at turismo ay paralisado at magmimistulang patay ang ekonomiya ng Italia. Comunque, Isang malaking paghahanda ang kailangan natin sa muling pagbubukas nito.” “Kailan ito posibleng mangyari, kung ganoon?” “Sa susunod na linggo ay magsisimula ang lockdown. Kailangan lang magpulong ng mga sindaco at pangulo ng konseho ng mga ministro bago ang nakatakdang pagpapatupad. Okay na ba ang documenti ng mga bata?” “Noong nakaraang linggo pa nakahanda ang visa ng mga batang napipisil ng administrasyon, base na rin sa memo na natanggap ko at sa preliminary screening, pero kailangang tapusin ang buong periodo. Sakaling magkaroon ng pagbabago sa resulta ay gagawan ng paraan ni Maristela ang mga wala pang visa. Walang dapat ipag-alala, Hidalgo.” “Good.” Bumaling sa direksiyon ni Dean Cortez ang lalaki at sa unang pagkakataon ay napagmasdan niya ang anyo nito. Iniangat nito ang sumbrero at pinukol siya ng tingin. Balbas-sarado ito, makapal ang kilay at matiim ang mga mata kung tumingin. May malaking nunal ito sa ibabaw ng kaliwang kilay. “Good job, Dr. Cortez. Hindi nagkamali ang signore sa pagtatalaga sa iyo sa posisyon ito. Makakarating itong lahat sa kaniya.” Isang kiming pagtango ang itinugon niya sa papuring iyon. Ilang saglit pa ay palabas na ito hatid ng security staff ng SLDVP.   MILAN, ITALY February 5, 2020   ISANG malakas na sigaw buhat sa ikalawang palapag ng museum ang narinig ni Ariana. Madali nitong pinindot ang intercom. Hindi nagtagal ay pumasok ang assistant na si Jenny. “Che cosa sta succedendo?” anitong nagtatanong kung ano ang narinig nitong sigaw. “Cos'è c'e?”  Tila nagtataka ito sa tanong niya. “Hindi mo ba narinig ‘yung sigaw sa itaas?” Puzzled na napailing si Jenny, pagkuwa’y napangiti nang ituro ang earphone na nasa tainga nito. Ariana rolled her eyes at her. “Kaya naman pala eh. May babaeng sumigaw. Sobrang lakas, parang sa itaas nanggaling ang boses.” Si Jenny naman ang nagpaikot ng mga mata nito. “Ms. Ariana, wala ng tao sa itaas. ‘Yung huling grupo ng mga estudyanteng nakatira ay nagsialis na. Naalarma yata at nag-usap-usap na uuwi muna sa kanya-kaniyang bansa dahil malakas ang tunog ng lockdown issue dala ng covid na ‘yan.” “How about the models?” “Nakausap ko na rin ang modeling agencies at nakikipag-negotiate na rin sila tungkol sa refund. Nagsialis na rin ang mga modelo. Bukas ko ipapalinis ang mga silid.” “Were they not informed about the refund policy of Cassa degli Attelani?” “Of course, they were. Siguro ay nanghihinayang lang kaya mga nakikiusap. Ang daming event na na-cancel at maka-cancel pa sa mga darating na araw. For sure, malaki na ang pagkalugi ng mga agency na iyan.” “Are you really sure na wala ng tao sa itaas? I’m certain about what I’ve just heard a few minutes ago.” Nagkibit ito ng balikat. “I can check it if you want.” Umiling siya at saka tumayo. “All right, you stay here. Ako na ang papanhik.” “Are you sure?” Tumango siya at saka binagtas ang pinto palabas ng opisina. ANG ikalawang palapag ng Cassa degli Attelani ay ginawang paupahan ng mga nangangasiwa nito. Si Ariana, isang purong Filipina na naninirahan kasama ng pamilya nito sa Milan, ang pinakabagong museum manager nito. Ikatlong araw pa lamang nito sa trabaho at kasalukuyang nasa period of adjustment. Nauna dito ng dalawang linggo ang sekretarya nitong si Jenny na bagong empleyo rin. Sa maraming pagkakataon, buhat nang mamasukan sa La Vigna di Leonardo, ay palagi nang may nararamdamang kakaiba si Ariana. Lumaki ito at nagkaisip na may angking kakaibang kakayahan at iyan ay ang makaramdam at makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng paningin ng isang normal na tao. Pero dahil ayaw nitong mawalan ng trabaho ay sinisikap nitong ignorahin ang mga pagpaparamdam ng mga kaluluwang ligaw, mga engkanto at iba pang uri na hindi dapat namamahay sa mundo ng mga tao. Napahinto ang dalaga at nanigas ang mga paa sa kinatatayuan nang muling marinig ang sigaw ng isang babae. Tumataghoy iyon at kalunos-lunos ang tinig. Nasa kalagitnaan na si Ariana ng hagdan nang mga sandaling iyon. Pinuno nito ng hangin ang dibdib at saka nagpatuloy sa pagpanhik. Kahit hindi sabihin ni Jenny, malakas ang kutob ni Ariana na hindi buhat sa isang tao ang narinig nitong sigaw kanina. At bilang manager ng museo ay kailangan nitong malaman kung ano ang pinagmumulan ng tinig na iyon, kahit pa sabihing hindi iyon bukal sa kalooban ng dalaga. Hindi maganda ang kinahinatnan ng mga unang pangyayari sa buhay ni Ariana na may kinalaman sa taglay nitong third eye. Isang matandang babae ang lumapit noon dito, kaibigan ng mama nito, at humingi ng tulong na makausap ng matanda ang yumao nitong asawa. Dahil sa pakiusap ng ina ay tinulungan ito ng dalaga pero hindi naging maganda ang resulta niyon dahil ikinagalit iyon ng naturang kaluluwa. Naantala daw ang takda nitong pagtawid patungo sa kabilang buhay. Sa halip ay puro paghihirap daw ang dinanas nito mula nang ito ay magambala. Muntik nang ikamatay ng dalaga ang ginawang panggugulo ng kaluluwa dito, kung hindi dahil sa tulong ng isang paring Pranses na nagmagandang-loob na nagpalayas sa kaluluwa ng matandang lalaki. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na humingi ng tulong kay Ariana upang makausap ang mga kamag-anak ng mga itong nawawala, naging biktima ng krimen at marami pang iba. Dahil doon ay isinumpa na ng dalaga sa sariling hindi na nito uulitin ang nangyari noon kaya naman ingat na ingat itong gamitin ang espesyal nitong kakayahan. Kung hindi dahil sa sinabi ng isang Chinese monk na nakilala nito sa isang spirit quest ay matagal na siguro nitong ipinasara ang third eye. “This extraordinary ability is such a wonderful gift. Utilize it productively. Do not destroy the gift that was especially given to you.” Isang malakas na kalabog ng pinto ang gumulat sa dalaga, dahilan para mataranta ito at mapatakbo sa pinakamalapit na silid na nakabukas. Humihingal na isinarado nito ang pinto, pagkuwa’y wala sa loob na napa-sign of the cross. Kung makikita ito ng kaibigang si Hailey ay matatawa itong tiyak. She was a committed atheist. She doesn’t believe that God exists, same with her friend. But she believes that there are spirits because she sees them everywhere, everyday. Iginala ni Ariana ang paningin sa loob ng silid. Isang malaking library pala iyon na sagad hanggang ceiling ang malalaking shelf na kinalalagyan ng mga librong makakapal. Sa nakalipas na mga araw ay nakakandado ang silid na iyon kaya iyon ang unang pagkakataong nakita nito ang libreria. Humakbang si Ariana palapit sa mga higanteng shelf. Mula sa alpombradong sahig na kinatatayuan ay kita nito ang naglalakihang painting na nakapalibot sa silid. Maging ang ceiling ay puno rin ng painting. Tatlong malalaking arañas ang nakasabit sa sentro ng silid at ang malamlam na liwanag na nagmumula roon ang tanging liwanag sa kabuuan ng libreria. ‘Paanong nakapagbabasa ng libro ang mga tao dito noong araw? Ang dilim, huh,’ bulong nito sa sarili. Sa bagay, baka naman may lampshade o dagdag na ilaw noon. Natural ay wala naman nang gumagamit ng libreriang iyon ngayon. Nanlaki ang mga mata ni Ariana nang may kung anong ingit itong narinig sa pagitan ng mga libro. Napaatras ang isa nitong paa sa pagkabigla, pero agad ding napalapit sa lugar kung saan nito narinig ang mga ingit. Kinuha ng dalaga ang isang libro at sinuri iyon pero wala namang kakaiba roon. Imposible namang nagsasalita ang mga librong naroon. O hindi nga kaya? “Ariana? What are you doing here?” Mabilis itong napatingin sa gawi ng pinto, naroon si Matilda dela Rosa, ang katiwala ng buong villa at hardin. Awtomatiko nitong nabitiwan ang hawak na libro, dahilan para malaglag iyon sa paanan mismo nito! “Careful,” ani Matilda sabay lapit. Ito na ang nagkusang yumuko upang kunin ang libro at saka iyon ibinalik sa kinalalagyan. “Mi dispiace, Signora,”  bulong ni Ariana. “May narinig kasi akong sigaw dito sa itaas kaya napapanhik ako.” “Sigaw? Aba’y wala namang tao dito sa itaas ngayon kundi tayong dalawa. Bagong gising ka ba, señorina?” Umiling si Ariana at muling humingi ng dispensa. Ilang saglit pa ay palabas na ito ng libreria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD