CHAPTER 1. La Scuola Leonardo da Vinci Philippines

1508 Words
February 2, 2020 Philippines   “IN BEHALF of Alessandro Giordano, the owner and the president of the Scuola Leonardo da Vinci Philippines, I would like to greet everyone. Buon giorno a tutti!” Taas-noo si Dean Cortez habang hinahayon ng tingin ang dalawampung estudyante na nasa kanyang harapan. Isa na roon si Madison da Rossi, isa sa mga college scholar ng SLDVP na sa kasalukuyan ay naiinip nang matapos ang meeting na iyon. Imi-meet niya kasi  sa isang restaurant ang kanyang Nonna Roberta, ang Italian grandmother niya sa side ng inang si Mattia Conti. “This morning, Mrs. Austria personally talked to me. Mahigpit ang bilin ng dottoresa. She received a call from the lawyer of the president in Milan and according to her, there’s a confirmed positive case of Covid-19 already in Rome. Inaasahan na nila ang announcement ng quarantine sa mga susunod na araw kung magpopositibo rin ang isa pang taong ino-observe nila.” Bumuntong-hininga muna ito at saka muling nagpatuloy. “Tama si Signore Alessandro, hindi magtatagal ay makakapasok ang virus na ‘yan sa Italia, and worst, in Milan, where he lives. Nasa China pa lang ang virus ay sinabi na niyang makararating iyan sa Italia kaya kailangan nating magmadali. And it is now happening…” “What do you mean, Ma’am? Does it have anything to do with the annual selection?” tanong ni Yohan, kaklase niya na siyang pinakamatalino sa batch nila. “I’m afraid yes. Kung tulad ng China ay magla-lockdown din ang Italy, how can you get there? Magsasara ang mga border…even the local transportation, schools, etc.” “Milan, being the fashion capital of Italy is visited by thousands of tourists everyday, Ma’am.  Pero mayamang bansa naman ang Italia. Maybe they could do something to prepare for the pandemic.” “I doubt it. Kaya nga pinagmamadali na tayo ng dottoresa. Two days ago ay pinaayos na niya sa amin ang list of candidates and you are given just a week time to prove yourselves, and another week to prepare your things. Of course, that is for those who will be luckily selected to join the La Squadra.” Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Dean Cortez. Si Madison na inip na inip na sa pag-uwi ay biglang napatanga sa narinig. Paanong mangyayaring ang isang taong preparasyon upang mapabilang sa La Squadra ay biglang magiging isang linggo? “But how could we prepare with such short notice, Madam?” tanong naman ni Andrea del Mundo, ang pinakamakulit nilang kasama. “Why don’t you just bring us all to Milan, instead? Mayaman naman ang signore.” Nagtawanan ang lahat pero mabilis ring napahinto nang tumikhim ang strict na dean. “No time to waste, team! I need your full cooperation. Sa darating na Mayo ay ang ika-limandaan at isang taong anibersaryo ng kamatayan ni Leonardo da Vinci. Alam niyo ang ibig sabihin niyon. You have been trained for this, all your life. Kumbaga sa puno, ito na ang pinakahihintay niyong bunga. If you won’t be able to join the La Squadra, what else can you do for this school? You tell me. That means losing not only the chance to see all Da Vinci’s works in person, huh. You know what I mean.” Ilang segundo ang lumipas bago ito nagbuntong-hininga at muling nagpatuloy sa pagsasalita habang ang mga mata ay iginagala sa kabuuan ng lahat ng taong naroroon. Lahat ay tahimik. Nakakabigla naman kasi ang balitang iyon. “This is your once in a lifetime chance, team. Prove your worth. Check your email tonight for the rules and for more information about the competition. I now declare the competition officially open. Buona fortuna, ragazzi!” Iyon lang at kasunod ang dalawa nitong alalay ay mabilis nang tumalikod si Dean Cortez. Nagkaingay ang paligid. Kanya-kanyang umpukan habang tulala naman si Madison. Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ng kaklaseng si Yohan Alvarez. “Don’t tell me you’re nervous? Ikaw pa ba?” Hindi niya ito pinansin. Inayos ang sarili at saka tumayo. Siyang lapit naman ni Andrea. “Madi, ayos ka lang? Bakit hindi ka yata excited?” nakangiti nitong tanong. “Why? Are you? I still need to do a lot of research. Marami pa ‘kong kailangang malaman.” “Kabisado mo na lahat ng iyon. Sabi nga ni Dean Cortez, trained na tayong lahat eh. The actual competition will be pure fun, for sure. Just relax. Kaya natin ‘yan.” “Paano kung hindi? Ayokong ma-disappoint ang family ko. I’m actually seeing my nonna a few minutes from now. Hindi ko alam kung paano ko ito ibabalita sa kanya.” “Huwag kang nega. You’ll surely make it.” Kumindat pa sa kaniya si Andrea. “Do you want us to do some brainstorming? Punta kami sa inyo tonight?” Si Yohan ulit. Umiling siya at saka napabuga ng hangin. “No. Go home and do your thing, okay. Matutuwa pa sa’yo si Mayor.” Yohan rolled his eyes and shrugged his shoulders. Nang maramdaman ni Madison ang vibration ng cellphone niyang naka-silent sa loob ng bag ay saka lang niya naalala ang tungkol sa kanyang nonna. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at saka tinawagan ang matanda.   ANG Scuola Leonardo da Vinci Philippines ay pag-aari ni Signore Alessandro Giordano, isang Italianong antique collector na kung uugatin ay nagmula sa lahi ng tanyag na Italianong pintor na si Leonardo da Vinci. Itinatag ang private school na ito sa Makati, Metro Manila, taong 1968. Ilan sa mga qualification para makapasok sa SLDVP ay ang pagkakaroon ng Italian roots. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay marunong ding magsalita ng wikang Italiano. Ito ay bilang paghahanda sa annual selection o competition kung saan pinipili ang mga magiging miyembro ng La Squadra, ang grupong ipapadala sa Milan, Italy upang aktuwal na makita ang mga kontribusyon ni Leonardo da Vinci sa Italia, sa iba’t-ibang larangan. Ngunit ang totoo, ito ay isang panibagong paghahanda lamang para sa isang mas malalim na misyon—ang ipagpatuloy ang isang mahalagang imbensyon ni da Vinci na hindi nito nagawang tapusin dahil sa digmaang dulot ng pagdating ng mga Pranses (French) noong 1499. Mula pa noong 1968 na naitatag ang SLDVP ay wala pang kahit isa sa mga La Squadrang ipinadala sa Milan ang nagtagumpay sa kanilang mahalagang misyon. Kung tutuusin, sa halos lahat ng international schools academic competition ay nangunguna ang mga mag-aaral ng Da Vinci kaya naman hindi nawawalan ng pag-asa si Signore Allesandro na isang araw ay mangyayari rin ang bagay na pinakahihintay nito.   “FINISH your food, bella. Paborito mo ang pesto, hindi ba?” anang kanyang lola na si Nonna Roberta. Bakas sa mestisahin nitong anyo ang pagtataka. “Nonna, devo dirti qualcosa,” aniyang ang kahulugan ay may kailangan siyang sabihin rito. “Dimmi,” sagot naman nito na ang ibig sabihin ay magpatuloy siya sa pagsasalita. Inilahad niya rito ang laman ng pa-meeting ni Dean Cortez at bahagya lang na umangat ang isang kilay nito habang marahang kumakain. “I don’t see any problem. Hindi ba at iyan ang matagal mo nang hinihintay?” pagkuwa’y tanong nito. “Sì, Nonna, pero natatakot ako. I need to make Papa proud of me, but I’m not sure if I could make it.” “I know what you mean, cara. We both know you can easily fly to Milan anytime you want to but you are just like your father. Your pride is bigger than you are, what can I say?” Napangiti siya sa pagkaalala sa yumaong ama. Sayang at hindi na nito masasaksihan ang time niya pero ipinapangako niya sa sariling gagawin niya ang lahat para masundan ang yapak nito. Ang totoo, bukod sa misyon ng Da Vinci ay may sarili rin siyang misyon na kailangan niyang gawin na lingid sa mga kaibigan niya. Kung kailangan siya ng Da Vinci ay doble at higit ang pangangailangan niya rito. Ito ang tanging daan para masagot ang lahat ng katanungan niya na ni minsan ay hindi pinaunlakan ni Mattia na kaniyang ina. “Kung hindi ako dadaan sa La Squadra, hindi ko makukuha ang maraming sagot sa mga katanungan ko, Nonna. You can always afford to buy tickets for me, but that won’t help me answer any of my questions that only the Da Vinci training could provide. They won’t let me join them, for sure.” “How about forgetting that—” “Nonna, there you go again!” maktol niya sa sinabi nito. “Oh well, matagal na panahon na ang lahat ng iyon, hija. Kung ako lang talaga ang nasunod noon, hindi mo iyon malalaman. Pero ano ba ang magagawa ko? Alam ko namang darating at darating ang araw na matutuklasan mo rin ang tungkol doon—tulad ng iyong papa.” “Exactly! Hindi ba mas magiging komplikado kung huli na ang lahat at saka ko malalaman ang tungkol sa pamilya natin, Nonna?” Napailing ang abuela. Kapwa sila natahimik at pagkuwa’y napangiti nang makahulugan sa isa’t-isa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD