CHAPTER 2. La Squadra (Level 1)

1410 Words
MULA sa kinatatayuan ay napangiti si Madison. Andrea and Yohan were walking towards her. Nakipag-high five ang mga ito sa kaniya nang tuluyang makalapit. Katatapos lang ng first screening at pasado silang tatlo. It was a twenty-item-fill-in-the-blank test and they were all able to answer each question with confidence. “Chicken!” mayabang na sabi ni Yohan sabay tindig nang nakaabante ang dibdib. Fifteen out of twenty participants had successfully passed the first screening. Ang limang hindi pinalad ay lumabas na ng classroom habang ang mga naiwan ay bibigyan ng rules para sa susunod na level ng pagsubok. “Good job, team!” pumapalakpak na saad ni Dean Cortez. “It is good that you know these important details about the life of our beloved Da Vinci. As you can see, you need to know not only his birthday and the cause of his death. Kailangang alam niyo rin ang background ng pamilya niya. Mahalaga sa buhay ng batang Leonardo ang kaniyang pinagmulan. Sa gayon, mauunawaan niyo ang kaniyang pinagdaanan…ang mga detalye ng buhay niya na pinaghugutan niya ng kakaibang galing. Sa ganyang paraan, posibleng mabasa niyo ang laman ng isip niya sa bawat paghawak niya ng paintbrush o sculpting tools.” “May dalawa pa kayong pagsubok na nalalabi. Sa Miyerkules, eksaktong alas siyete ng umaga ay dadalhin niyo rito ang isang missing masterpiece ni Leonardo—ang Adam and Eve.” “Pero Ma’am, wala po sa amin ang painting! Hindi po namin iyon kinuha!” biro ng isa sa mga scholar na nagpatawa sa lahat pero inignora ito ng dean at nagpatuloy sa pagsasalita. “The Adam and Eve painting was stolen. Wala ring kahit anong trace ng aktwal na anyo nito except for the vivid description of Giorgio Vasari, the Father of Art History. Use your wit. Kailangang maipinta niyo iyon sa loob ng dalawang araw at madala dito eksaktong alas siyete ng umaga sa Mercoledi.” “Two days!” Napasipol si Yohan pero nang mapatingin dito ang dean ay bigla itong natahimik. “Any question? Violent reaction? Anyone who would like to back out now?!” Tumikhim si Madison kasabay ng pagtaas ng kanang kamay. Nang tumango ang dean ay tumayo siya at nagsimulang magsalita. “With all due respect Dean Cortez, Leonardo himself, was not able to finish some of his paintings, commissioned or not. Some of his works took him two to five years to finish. How can we paint Adam and Eve in just two days?” “There were a lot of reasons why Leonardo wasn’t able to finish his works, Ms. da Rossi. Wala na tayo sa panahon ng digmaan na siyang isa sa dahilan kung bakit hindi niya natapos ang ilan sa mga gawa niya—” “You’re right, Dean Cortez, there were a lot of reasons. Hindi digmaan lang. Leonardo was a disturbed artist, not to mention his sexuality that—!” “Stop right there, da Rossi! You stop right there!” Nabigla siya sa reaksiyong iyon ni Dean Cortez. Well, she was known for being a lioness. “Alam niyo at ng mga magulang niyo ang primerang dahilan ng pag-eenrol niyo sa paaralang ito. Kapalit ng maraming benepisyo ng pagiging scholar niyo sa SLDVP ay ang mapabilang sa La Squadra. You don’t need to say things like that if you are serious with your mission. That’s unnecessary.” “But that was not a malicious remark! I just wanted to point out that Leonardo had—” “What part of stop talking don’t you understand, da Rossi? I’ve already told you to stop!” Itinikom niya ang bibig at saka naupo. “We’re literally running out of time, team. Ano man ang ipinagagawa ko ay tinitiyak ko sa inyong pinagpulungan iyon ng buong administrasyon. Now, do you want to waste your time complaining about the task or you wanna go home now to get started?” “Madam, hindi po ba talaga puwedeng mamili na lang sa mga painting na available online? How can we be sure that we are going to think and paint like a Leonardo?” “Well, that’s the ultimate goal if you want to be part of La Squadra, Martinez. If you couldn’t think and paint like him, you shouldn’t be here in the first place. So, hindi mo ba kaya?” “Aba kaya, Ma’am!” mabilis naman nitong sabi. “Ano po’ng dimension?” Isang malakas na tawanan ang inani ng birong iyon ni Robert Martinez. “Go home now! Check your email for the detailed specifications of the second task. Father Santillan will be here on Wednesday. Please do not disappoint the priest.” Nagmartsa na itong palabas ng classroom kasunod ng dalawa nitong assistant.   TITIG na titig si Madison sa 30x40 canvas na nasa kaniyang harapan. Hindi iyon ang unang pagkakataong gagawa siya ng isang artwork na hinango sa mga obra ni Leonardo da Vinci. Matagal na rin niyang pinag-aralang ituloy ang mga obrang hindi nito natapos, at kabilang doon ang Adam and Eve na isang commissioned painting ng pintor sa hari ng Portugal noong 1540. Kung tutuusin ay handa siya sa pagsubok na iyon. She had trained herself long enough to finish the said masterpiece, but she was simply not on the mood to paint the concept. Ibang obra ang nasa isip niya. Isang kakaibang obra ni Leonardo na hindi lang ‘missing,’ kundi kontrobersyal pa magmula noong 1476 hanggang sa kasalukuyan. Pero malinaw ang isinasaad ng email ng pamunuan. Kailangang sundin ng 100% ang lahat ng isinasaad na alituntunin ng pagsubok; kaya hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang nasisimulan. “You’re just wasting your time, Madison. You were not born just to do silly things like that.” Nalingunan niya ang inang si Mattia, nakahalukipkip sa likod ng nakapinid na pinto ng kaniyang  silid. “Ikaw pala, Ma. Hindi ko napansin ang pagpasok niyo.” “Masyadong nakatutok ang mga mata mo sa ginagawa mo. The final moment na ba?” “E sì,” maikli niyang tugon sa wikang Italiano na ang ibig sabihin ay yes. “Pangarap kong magkaroon ka ng normal na buhay, Madi. Mahirap bang gawin iyon? Why don’t you study abroad? Take any course of your interest? Hindi naman kita pinanghihimasukan—huwag lang ito.” She rolled her eyes and heaved a big sigh. “Hindi magiginong normal ang buhay ko kung hindi niyo ako tutulungang alamin ang lahat ng tungkol sa pinagmulan ko, ‘Ma. What happened to Papa? How did he die? Or is he really dead, in the first place? Magkakaroon ng kabuluhan lahat ng pagsisikap ko kung magtatapat kayo sa’kin.” “Ano’ng matinong sagot ba ang hinihintay mo? Gusto mo bang paulit-ulit kong sabihin na hindi ko alam kung ano ang buong detalye ng mga nangyari noon? That happened too many years ago. I was barely seventeen. Halos hindi ko na nga matandaan ang mga nangyari…” “Dahil mas pinili niyong kalimutan iyon. Hindi ba sumagi sa isip niyong hanapin si Papa? Alamin kung ano ang totoong nangyari? Na baka kailangan niya ng tulong...na baka buhay pa siya at—” “Itigil mo na ang kabaliwang ‘yan, Madison! Iyan ang napapala mo sa pakikinig sa mga fantasy stories ng nonna mo! We’re normal people, okay! We should act like one. Your father disappeared because of some reasons that he chose to keep to himself. Posibleng tulad ko, hindi siya masaya sa pagsasama namin kaya siya parang bulang naglaho. That's all there is to it!” “Ang ibig niyo bang sabihin ay puwedeng buhay pa nga si Papa?” Mabilis ang naging pag-iling ng ina. “I honestly do not know and I don’t care if he is dahil kung sakali man, may sarili na siyang mundo kung nasaan man siya ngayon.” Bahagya siyang nakadama ng lungkot sa sinabi nito. Just like the Adam and Eve of Leonardo, her father was also taken from her life. Wala ring kahit anong trace ang naturang obra. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang orihinal na itsura nito, tulad niya na ni minsan ay hindi rin nakapiling ang kaniyang ama. Ibinalik niya ang tingin sa maliit na canvas na nasa harapan. It was now more than ever that she realized she was alone in this battle. Sarili lang niya ang kakampi niya kaya kailangan niyang seryosohin ang kaniyang misyon.                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD