No physical touch? usal ni Elara sa isip.
Napasandal si Elara sa narinig mula sa Angkol Lorenzo niya. Hindi siya nangimi na pagkatitigan nang diretso ito sa mga mata. Gusto niyang malaman kung ano emosyon nito habang nakatitig sa kanya.
Tulad ng dati, seryoso at wala na naman ito kangiti-ngiti.
Alam naman niya na gwapo at malakas ang dating ng Angkol Lorenzo niya, hindi niya kayang ipagkaila ang bagay na iyon. Pero habang tumatagal ang pagkakatingin niya sa mga mata nito ay para bang may kakaiba siyang nararamdaman. Kumakabog nang husto ang dibdib niya habang nakatitig lang siya dito.
Ang mga mata ni Lorenzo ay malalim na kulay kayumanggi na kung sisinagan ng araw ay mas lalong nagiging distinct ang pagkakulay niyon. Na para bang para sa kanya kung ipipinta niya iyon sa canvas ay napaka- expressive niyon. Isang magandang subject para sa kanya ang angkol Lorenzo niya kung ito ang ipipinta niya.
Pakiramdaman nga ni Elara, maraming tinatagong emosyon ang angkol niya na ito. Pilit na tinatago sa mukha nito na laging seryoso at walang ngiti sa mga labi.
Muli na naman naalala ni Elara ang eksena nila kanina sa sasakyan. Bigla tuloy niyang naisip na baka tumagal tuloy bago niya muling maramdaman ang labi ng angkol niya sapagkat nag-declare nga ito ng no phyical touch sa pagitan nilang dalawa.
"Elara." untag sa kanya ni Lorenzo.
Hindi siya umimik. Tumitig lang siya sa gwapong mukha nito pababa sa mga labi na para sa kanya ay mapupula. Mukhang walang kahit na anong bisyo ang angkol niya. Again, mas mabuti na lang din iyon dahil siya na ang magiging bisyo nito.
Tingin nga niya kung mag-aahit ang angkol niya na ito ay mas lilitaw ang angking ka-gwapuhan nito. Pero 'di bale na lang, huwag muna itong mag-ahit dahil hindi pa niya ito nakukuha nang lubusan.
"Anong kalokohan ang iniisip mo, Elara?" nagdududang tanong sa kanya ng angkol niya na kinatawa niya lang. Mukhang na trauma na talaga sa mga kalokohan niya.
"Masyado ka naman kabado, Angkol." natatawang wika na niya dito.
Ibang klase talaga ang pinaparamdam sa kanya nito na mga emosyon ngayon, kanina sarap na sarap siya sa ginagawa nito sa katwan niya pagkatapos ay nagawa siya nitong galitin nang husto. At ngayon naman ay aliw na aliw siya dahil pinagdududahan na nito ang takbo ng isip niya.
Mukhang malapit na niyang aminin sa sarili niya na baliw na siya simula nang umapak siya sa Santo Birhen.
"Relax." wika niya na may kakaibang ngiti sa labi.
"Sure, Angkol." aniya, tukoy sa condition na inilatag niyo. "No Physical touch, no problem."
Sa sinabi niya ay binigyan siya nito nang nagdududang tingin. "Panindigan mo iyan, Elara."
She laughed. Anong akala ng angkol niya na ito? Mahinang nilalang siya?
Pinunasan muna niya ang bibig gamit ang tissue. "When I said I’d do it, I meant it."
Natahimik ito sa narinig. Ipapakita niya dito kung ano ang totoo niyang pagkatao, lalo na kapag may bagay na desidido siyang makuha. She will get it no matter what.
Minabuti na lang niya na mag-concentrate sa pagkain. Marahil, hindi na nakatiis ang angkol niya ay ito ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.
"Saan mo gusto magpunta?" tanong ng angkol niya sa kanya.
"Ngayon na ba start ng no physical touch natin?" imbes na sagutin ang tanong nito ay iyon ang bungad niya.
Kumunot ang noo nito. "Iyan ba ang laman ng isip mo?"
Tumango siya. "Oo, Angkol. Ngayon ba ang simula? Baka kasi hindi ka makatulog ngayon gabi kapag hindi mo ako nahawakan." sagot niya.
Sa narinig ay para na naman sumakit ang ulo nito. "Elara, pwede bang sagutin mo na lang nang maayos ang tanong ko?"
Natawa siya ulit. Ang cute talaga nitong asarin.
"Hindi mo pa binibigay ang schedule ko, Angko. I need to check my subjects."
"Hindi pa ba?"
"Oo," sagot niya. "Mas nauna mo pa kasi ako papakin kaysa ibigay ang schedule ko."
Napapikit ang angkol niya. Hindi niya tuloy alam kung napapapikit ba ito dahil sa naalalang mainit na eksena sa pagitan nilang dalawa o dahil sa konsumisyon na sa kanya.
Iniabot nito ang schedule niya sa kanya. Agad naman niya iyong tinignan.
"Bukas na pala ang unang class ko." usal niya.
"Yes, Elara. Ayan na ang pinaka-convenient para sa'yo dahil three months na nagsimula ang semester ngayon."
"Alright," aniya sabay tago ng papel sa bag. "I'm going to buy a motorcycle."
"Ano?"
Kumunot na naman ang noo ng gwapong angkol niya. Mukhang lalong na stress sa kanya.
"Gusto ko bumili ng motor, Angkol. Samahan mo ako sa motorcycle shop."
"Alam ba ng Papa mo iyan?"
Nagkibit-balikat siya. "Kailangan pa ba niyang malaman?"
"Yes, Elara. Hindi papayag ang daddy mo na bumili ka ng motor."
Tinaasan niya ng kilay ito. "Who told you, Angkol? Hindi mo ba alam na lumaki ako na wala ang atensyon ni Dad sa akin? And I don't think so na pipigilan niya ako. I wan to a motor cycle, and that's final." mariing turan niya.
Kapag nagplano siya, sinisiguro niya na matutupad. Katulad na lang ng motor na gusto niyang bilin.
"Kung ayaw mo akong samahan, that's okay, Angkol. Magpapasama na lang ako sa iba."
Tumalim ang mata nito sa narinig. "Kanino? Doon sa patpating bata na iyon?"
Kahit alam niya kung sino ang tinutukoy nito ay nagkunwari lang siyang walang alam.
"Who?"
"Iyong kausap mo kanina sa Santo Birhen University. Kumuha ng number mo and social media."
"Oh?" kunwa'y nagulat siya. "Si Ken. Yeah, why not?"
Umasim ang mukha ng angkol niya. "Anong why not? Alam mo ba iyang mga sinasabi mo?"
"For sure naman, isang tawag ko lang kay Ken sasamahan ako non sa motor shop. And after that, pwede na niya ako i-tour gamit ang motor na nabili ko. Marami sigurong magagandang pasyalan sa Santo Birhen."
Binitiwan ng angkol niya ang kutsara na lumikha ng tunog. "Don't you dare, Elara." anito na may kasamang pagbabanta at talim sa tinig.
"Kilala mo ako, angkol. Walang makakapigil sa gusto ko. Samahan mo man ako o hindi, I'm going to buy that motor."
Napahawak ito sa noo. Mukhang sumasakit ang batok ng angkol niya. Sana wala pa itong sakit na highblood.
"Alright, Elara. You win. Sasamahan kitang bumili ng motor."
Mayamya ay wika nito sa kanya na ikinangiti niya. Bigla tuloy siyang na-excite.
"Let's buy my motorcycle, angkol!"
Dahil sa excitement ay napatayo siya. Hahawakan sana niya ang braso ni Lorenzo para kuritin pero hindi na lang niya tinuloy.
"Opps," wika niya sabay ngisi. "No physical touch."