Hindi pa din maipinta ang mukha ni Elara habang papasok sa loob ng restaurant. Ramdam pa din talaga niya ang gigil ng mga sandaling iyon para sa Angkol niyang malabo pa yata sa tubig kanal ang utak.
Halata naman na nagselos ito kay Ken kanina habang kausap niya. Kanina naman ay halos kainin na nito ang mukha at labi niya sa sobrang gigil. Tapos sasabihin nito na hindi tama ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kanina, and he was sorry? Na hindi nito sinasadya ang bagay na iyon? Kung hindi nito sinasadya, bakit halos hindi nito tigilan ang pagkakas*ps*p sa dibdib niya?
Ha! turan niya sa isip. Sarap hagisan ng lamesa ang gurang na 'yon!
"Good afternoon, Madam." bati sa kanya ng waitress. "For how many pax?"
"Two." sagot niya. Dalawa lang dahil ayaw niyang maki-upo sa kanila ang secretary ng Daddy niya. "Table for two, please. At iyong malayo sa ibang lamesa."
Akmang tatalikod na sana siya nang muli niyang balingan ang waitress. "May kasama akong gurang, Miss. Ituro mo na lang kung saan ang table namin."
"Sino po gurang, Madam? Kailangan po ba ng wheel chair?"
Tinuro niya ang Angkol Lorenzo niya na nagmamadaling pumasok ng restaurant at hinahanap siya.
"Siya po iyong kasama niyo? Hindi naman po siya gurang, Madam. Ang tangkad at gwapo nga po, eh."
Napaingos siya sa narinig. Totoo naman talaga ang sinabi ng waitress. Hindi mukhang gurang ang Angkol Lorenzo niya, sa katunayan nga ay halos dito na natuon ang atensyon ng mga tao lalo na ang mga kababaihan na nasa loob ng restaurant na kinaroroonan nilang dalawa. Sa tangkad ba naman nitong six footer ay talaga naman agaw pansin si Lorenzo habang siya ay nasa five two lang ang height.
Pinili na lang ni Elara na huwag na sumagot sa sinabi nito. Umupo agad siya sa table na tinuro ng waitress, table na malayo sa lahat. Ilang sandali lang ay nagtama na ang mata nila ng Angkol Lorenzo niya na agad naman naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Napataas ang kilay niya nang mapansin na nagmamadali na makarating ito sa table niya.
"Elara."
Bungad nito sa kanya pagkalapit ngunit humalukipkip lang siya sabay simangot. Umupo naman ito sa harapan niya habang matiim na pinagkatitigan siya.
"Galit ka pa ba?" tanong nito.
"Oo." diretsong sagot niya kay Lorenzo.
She is honest and speaks her mind without hesitation. Ganyan niya nilalarawan ang sarili niya lalo na sa mga pagkakataon na tulad nito. Totoo ang sinabi niya kay Lorenzo na galit siya.
Muli na naman itong napabuntong-hininga. "Anong gusto mong kainin?"
"I want chicken, sisig at kare-kareng gulay." agad na sagot niya. "Saka iyong desserts na pinadala mo sa akin kagabi, masarap kasi siya."
Tumango si Lorenzo sabay taas ng kamay para kunin ang atensyon ng serbidor. Mayamaya ay lumapit na agad sa kanila ang serbidor para kunin ang order nilang dalawa.
"Nasaan ang tuko?" tanong niya.
"Sinong tuko?" takang tanong ng angkol niya.
"Si Anna."
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam, Elara. Umalis naman siya agad noong pingbawalan ko na huwag tayong susundan sa loob ng restaurant."
Napanguso siya. Mabuti na lang marunong makiramdam ang angkol niyang ito sa mga ayaw niya. Kung sakali man na sumunod sa kanila si Anna ay baka ibalot niya na ito sa puting tela.
"Ano pa bang pwede kong gawin para hindi ka na magalit?"
"Kiss me."
"Elara." mariin wika ni Lorenzo na parang nauubusan na naman nang pasensya sa kanya.
Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Nagtanong ka, sinagot ko. Tapos maiinis ka?"
"Hindi sa ganoon ang ibig kong sabihin, Elara. Pwede bang tigilan mo muna ang ugali mong iyan?"
"Ugaling ano?"
"Masyado kang straight forward. Pwede bang i-preno mo namana ng bibig mo?"
"Ang bibig ko?" aniya, sabay turo sa labi niya na wala ng lipstick dahil sa paghalik nito kanina. "Masarap naman. Natikman mo naman na di ba?"
Hindi na napigilan ng Angkol Lorenzo niya na mapahawak sa noo sabay ungol ng malakas. Mukhang sumasakit ang ulo nito sa mga sinasabi at ginagawa niya.
"Can we talk?" usal ng angkol niya. "After we eat? Please?"
Saglit lang natahimik sa sinabi ni Lorenzo. Ngayon pa lang ay parang hindi na niya magugustuhan kung anoman ang gusto nitong pag-usapan nila.
"Pag-iisipan ko, Angkol."
"Elara."
Napaingos siya. "Kanina tawag mo sakin baby, eh. Baby akin lang 'to. Akin ka lang, Elara." tuloy-tuloy na sabi niya.
Kapag talaga naiinis siya ay wala talagang preno ang bibig niya. Lalo na sa oras na iyon na halos mamula ang punong tenga ng angkol niya. Minabuti na lang siguro nito na huwag nang kumibo dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga pagkain na inorder nila.
Walang imik at tahimik lang ito na pinaghanda siya ng pagkain. Ang angkol na niya ang nag sandok ng kanina niya mula sa ulam hanggang sa iinumin niyang juice. Kakainin na lang talaga siya.
Obvious naman na para talagang princess treatment ang ginagawa sa kanya ni Lorenzo kahit na para bang nadadagdagan ang edad nito sa tigas ng ulo niya. Ilang oras pa lang silang nagkakasama pero para yatang nagsisisi na ito na nakilala pa siya.
Muli siyang napaingos. Hindi siya papayag na makaramdam nang pagsisisi ang angkol niya para sa kanya. She is still enjoying his company. Marami pa siyang gustong gawin kasama ito—iyon nga lang ay masyado silang nag-level-up kanina sa sasakyan nito. Pero uulitin pa din niya na wala siyang pinagsisihan sa ginawa nilang dalawa.
Gusto niya ang angkol Lorenzo niya. Walang duda sa bagay na iyon. Kung sakaling ito man ang pinakamailap na angkol sa Santo Birhen—wala siyang ibang gagawin kundi paamuhin ang isang ito. Sisiguraduhin ni Elara na makukuha niya ito.
Napaangat siya ng tingin nang muli nitong sinalinan ang ulam at kanin ang plato niya. "Kumain ka ng mabuti, Elara. You look thin. Ganyan ba sa Metro Manila, payat ang mga tao?"
"Ayoko lang tumaba." sagot niya.
"Hindi ka naman mataba, Elara."
"Eh ano lang?" tanong niya sabay subo ng pagkain sa kutsara. "Sexy lang?"
Saglit na tumitig ang gwapo niyang angkol sa kanya bago sumagot. Pansin ni Elara na binalingan nito ang labi niya sabay galaw ng adam's apple nito.
"Oo."
Sa sinabi nito ay napangiti na siya. "Alam ko naman ang bagay na iyon, Angkol. Hindi mo na kailangan sabihin."
"So, bati na tayo?"
"Hindi pa din."
"Ngumiti ka na, Elara."
"Ngumiti lang ako bati na agad? Malaki pa ang kasalanan mo sa akin, Angkol. Bumawi ka sa akin."
Tinaas ni Lorenzo ang dalawang kamay tanda na pagsuko nito sa usapan nila. "Hindi talaga ako mananalo sa'yo, Elara."
Nagkibit-balikat siya. "Ikaw kasi, Angkol. Sa dami nang pwede mong gawin kanina, bakit kailangan mo pang iparamdam na parang nagsisi ka?"
"Dahil hindi tama, Elara. Personal assistant mo ako, anak ka ni Mayor at kaibigan niya ako. Ano na lang ang pwede niyang isipin sa akin kapag nalaman niya ang nangyari—"
"Stop it." mariing utos niya dito. "Masakit sa tenga ang sinasabi mo, Angkol. "
Nakipagkatitigan si Elara sa angkol niya na halata na nagpipigil lang sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Anong gusto mong gawin ko?"
Binitiwan ni Elara ang kubyertos sabay tingin nang direstos sa mga mata nito. "I want to know you better, angkol. Gusto kitang makilala. Gusto ko maging close tayong dalawa."
"Payag ako sa gusto mo. But with one condition, Elara."
Habang tinitignan ni Elara ang gwapong mukha ng angkol niya ay kababakasan ng kaseryosohan ang mga mata nito.
"Spill." wika niya.
"No physical touch, Elara."
Awtomatikong napaangat ang kilay niya sa narinig mula dito. "Really?"
"Yes," mariing wika ng angkol niya. "Really. Let's stick to our boundaries, Elara. Can you do that?"
Hinahamon yata siya ng mailap niyang angkol.
Siya? Si Stephanie Elara Marasigan? Sticking to the rules and boundaries? No way.
Because her motto in life is: Rules were never made for people like me.