Niilingon ni Elara ang Angkol niya na nasa loob ng kotse habang siya ay minamaneho ang bagong bili niyang motor. Kanina ay ayaw talaga nitong pumayag na dalhin na niya sa mansion ng mga Marasigan ang motor, ayaw nito na siya daw ang magmaneho pauwi. At dahil nga sadyang matigas talaga ang ulo niya, siya pa din ang nasunod.
Nasa likod lang ang kotse nito habang siya ay nasa unahan. Halata naman sa angkol niya na nag-aalala ito na maaksidente siya sa motor. She knows how to drive both a car and a motorcycle. Kaya malabong ma-aksidente siya tulad ng pinag-aalala nito. Habang nasa daan ay may nakita siya na isang matanda na nagbebenta ng mga gulay. Walang pagdadalawang-isip na inihinto niya ang motor sa tabi ng kalsada.
"Magandang hapon, 'Tay." nakangiting bati niya sa matandang lalaki na nagtitinda ng gulay. May kasama din itong isang bata bababe na sa tingin niya ay nasa walong taon gulang. "Magkano ang sibuyas niyo, 'Tay?"
"Ineng, sampu lang kada tumpok." sagot nito sa kanya.
Napansin niya na halos walang bumibili sa mantanda, marahil ay hindi na rin sariwa ang binebenta nitong mga sibuyas.
"Bilin ko na lahat ng sibuyas mo, 'Tay." nakangiting wika ni Elara sa matanda.
"Talaga, Ate?" singit ng batang babae, natuwa sa sinabi niya.
"Oo naman. Sa ganda ko na 'to, mukha ba akong sinungaling?" natatawang sabi nita sa bata.
"Ang pretty mo talaga, Ate!"
"Sus, nambola ka pa."
Hinawakan niya ang mahabang buhok niya sabay kindat sa bata na aliw na aliw sa kanya.
"Ate Pretty!"
"Anong name mo?"
"Tessa po, grade two na ako pero ilang araw na kasi ako absent. Wala kasi ako laging baon."
Tumango siya kay Tessa habang hinahaplos ang buhok nito. Madungis ang bata at tulo pa ang uhog pero kung maliligo ng maayos ay maganda ito.
"Elara!"
Pareho pa silang napalingon ni Tess nang tawagin ng angkol niya ang pangalan niya na ngayon ay nakababa na pala ng sasakyan at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan niya. At syempre, nakakunot na naman ang noo habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ka bumaba ng motor?"
"Bumili lang ako ng sibuyas, Angkol."
Muli niyang binalingan ang matanda. "Tay, balot mo na lahat ng tinda mo. Bibilihin ko na."
"Salamat, Anak. Kaawaan ka ng Diyos. Maaga kami makakauwi ng apo ko."
"Oo nga, Ate Pretty. Saka makakalaro pa ako pag-uwi."
Tumango siya. "Maligo ka muna bago ka mag laro para pretty ka na din."
"Sige, Ate! Balik ka dito, ha? Hihintayin kita. Bukas baka kalamansi naman ang tinda namin ni Lolo Ime bilin mo din lahat, Ate Pretty!"
Kinurot niya ito sa pisngi. "Oo naman, ako ang bahala sa'yo."
Binalingan niya si Lorenzo na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Mukhang nagtataka sa ginawa niya.
"Oh, bakit tulala ka d'yan, Angkol? Anong akala mo sakin? Walang ginintuang puso?" natatawang anas niya dito. "Mabait kaya ako."
"Wala naman ako sinabi na hindi ka mabait, Elara."
"Sus, Angkol. Kunwari ka pa, saka sanay naman na ako na laging napagkakamalan na spoiled-brat, eh. I don’t give a damn what they’re thinking." Muli niya itong tinignan, may ngiti na ulit sa labi. "Tulungan mo na ibalot iyong mga paninda ni Tatay Ime, Angkol." utos niya dito na ikinaling nito.
"Lagi mo na lang ako inuutusan, Elara." reklamo nito pero sinunod pa din ang utos niya kaya natatawa na lang siya.
"Angkol mo, Ate Pretty?" tanong ni Tessa sa kanya, titig na titig kay Lorenzo.
"Oo," aniya.
"Hindi." ani ni Lorenzo
Halos sabay na sagot nilang dalawa samantalang ang bata naman ay kababakasan nang pagkalito sa mukha. "Ano po ba talaga iyong totoo? Masama po mag-sinungaling, Ate Pretty."
"Tatay ko talaga iyan, Tessa."
"Elara!"
Natawa siya. Bakit nga ba hindi? Kita niya na nagsalubong na naman ang kilay ng angkol niya, mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya kaya minabuti na lang niyang tumahik. Nang matapos si Lorenzo na ligpitin ang mga binili niyang sibuyas na sa tingin niya ay nasa thirty kilos.
"Ano bang gagawin mo sa sibuyas?"
"Sa'yo na lang iyan, Angkol."
"Ano? Bumili ka nang hindi mo naman pala kailangan?"
Nagkibit-balikat na lang siya. "For sure alam mo ang reason kung bakit ko ginawa ang bagay na iyan, angkol."
Habang sinasabi niya iyon ay muli niyang tinignan ang mag-lolo na may ngiti na sa mga labi habang nagliligpit na pauwi. Triple din kasi ang binayad niya para sa mga binili niyang sibuyas.
"Saan tayo pupunta, Angkol?"
"Akala ko iuuwi mo na ang motor mo sa mansion?"
"Nagbago na isip ko, eh. Gusto ko mamasyal sa Santo Birhen gamit ang bago kong motor." aniya habang hinihimas pa ang upuan ng Scoopy niya.
Napahugot ng malalim na hininga ang Angkol niya. "With one condition, Elara. Ako ang magmamaneho ng motor."
"What? No way, Angkol! Saka di ba ikaw naman ang may sabi na no physical touch tayo? Panindigan mo iyon." mariing wika niya dito.
"Stay where you are, Elara. Huwag kang aalis."
Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya, sumakay ulit si Lorenzo sa sasakyan para iparada ng maayos sa isang malapit na establishment. Mukhang seryoso talaga ang angkol niyang ito na ito ang magmamaneho ng motor niya. Well, wala naman problema sa bagay na iyon. Mas gusto pa nga niya na mauuna nitong lunukin ang nilatag nitong kundisyon na walang physical touch na mangyayari sa pagitang nilang dalawa.
Napangisi si Elara. Sigurado siyang hindi pa matatapos ang araw na ito ay magdidikit ulit ang balat nilang dalawa ng angkol niya. And she also makes sure that she’s not the one who loses in the end.
Siya, si Stephanie Elara Marasigan. Walang yatang rules na tumatagal sa kanya.
Tulad nang inaasahan niya ay si Lorenzo na ang nasa harap ng manibela. Nang tignan niya ito ay hindi niya mapigilan matawa. Bigla kasi nanliit ang motor dahil sa laking tao ng angkol niya.
"Don't laugh, Elara. Sumakay ka na."
"Sungit mo naman, angkol. Magdidikit na nga iyon katawan natin, eh. Dapat maging masaya kana ulit." natatawa pa din sabi ni Elara dito.
Napapalatak nanag malakas ang angkol niya sabay iling. Minabuti na lang ni Elara na umangkas na, saka na lang siguro niya ito aasarin ulit. Siguro, after one minute na lang.
"Elara," sita ni Lorenzo. "Move forward." utos nito sa kanya.
Halos nasa dulo na ng upuan siya ng motor dahil nga ayaw niyang siya ang unang dumikit sa katawan ng angkol niya.
"Okay na ako dito, Angkol." wika niya sabay hawak sa handle bar ng motor, feeling niya ay mahuhulog siya kaya mahigpit ang kapit niya doon.
"Tigas talaga ng ulo mo, Elara." Frustrated na sabi nito sa kanya. "Ano ba talaga ang gagawin ko sa'yo?"
Nagulat siya sa ginawa ni Lorenzo. Bumaba ito ng motor para hawakan ang likod ng ulo niya.
Nang tignan niya ang mata nito ay kakaibang kislap ang nakalarawan. Kita din niya na matiim nitong tinignan ang labi niyang nakaawang ng kaunti.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong halikan sa labi sa ganoong posisyon. Saglit lang ang halik na iyon ngunit halos mabingi si Elara sa lakas ng t***k ng puso niya.
For first time in her life, natulala siya. Wala siyang nasabi ni kahit na anong salita. Hindi siya sigurado kung ilang segundo na parang na-istatwa siya.
Hinalikan siya ni Lorenzo! Saglit na halik lang ang binigay nito sa kanya pero halos libo-libong bultahe ang dumaloy sa buong katawan niya. Feeling nga ni Elara, nangilo siya sa sarap ng sensasyon na pinaranas ni Lorenzo sa halik na iyon.
Napapitlag si Elara nang kinuha nito ang dalawang kamay niya para ipulupot sa beywang nito. Mayamaya ay pinaandar na ng angkol niya ang motor. Samantalang siya ay tahimik lang sa nangyari, nakayapa pa din siya sa beywang nito.
"Elara." untag sa kanya ng angkol niya pero hindi siya kumibo.
Tumingin lang siya sa side mirror para magkasalubong ang mga mata nito.
"I won't say sorry for kissing you, Elara. Dahil gusto ko din ang nangyari."