Masaya ba siya sa narinig mula kay Lorenzo? Na hindi ito nagsisi sa ginawa nitong paghalik sa kanya? Impokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya masaya.
"Elara.."
Narinig niya ang muling pagtawag ng Angkol niya sa kanya pero imbes na sagutin ay minabuti na lang ni Elara na mas higpitan pa ang pagkakapit sa beywang nito. Sinubsob din niya ang mukha sa malapit na likod ni Lorenzo. Gusto niya kasi ang init na nanggagaling dito, para bang napapatanag ang isip niya kapag malapit lang sa kanya ang Angkol niya.
Hindi naman na siya inimik ni Lorenzo habang nagmamaneho ng motor. Nanatili lang silang sila sa ganoon posisyon habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada ng Santo Birhen. Sa totoo lang hindi alam ni Elara kung saan siya nito dadalhin. Hahayaan na lang niya kung anong plano ng angkol niya dahil binigyan naman siya nito ng isang masarap na halik.
"Nasaan tayo, Angkol?" takang tanong niya habang nakatingin sa bahay na meydo may kalakihan. Malawak din ang bakuran ng kinatatayuan ng bahay na iyon.
Inalalayan muna siya ni Lorenzo na bumaba sa motor bago sumagot. "Sa bahay ko."
Napipilan siya sa narinig. "Ang bilis mo naman sumuko, angkol. Hindi pa lumulubog ang araw pero kinain mo na ang kundisyon mo na no touch."
"Tsk!" palatak nito sabay hawak sa kamay niya. Iginiya siya ng angkol niya papasok sa malawak na bakuran ng bahay nito.
As expected, probinsya style ang bahay ni Lorenzo. Wala naman problema doon dahi malinis ang paligid at mukhang alaga naman ng angkol niya ang bahay nito. Pagtapak pa lang nila sa bakuran ay sunod-sunod na kahol ang sumalubong sa kanilang dalawa. Isang malaking itim na aso.
"Matty, down!" utos ni Lorenzo sa alaga nitong aso. Ngunit tuloy-tuloy lang ang malakas na pagkahol nito habang mabilis na tumatakbo palapit sa kanya. "Matty!"
"Stop." mariing sigaw niya sa aso nito sabay senyas ng kamay. Awtomatikong huminto naman si Matty nang marinig ang boses niya, kumakawag ang buntot na may kasama bang hingal na nakatingin sa kanya.
Nang masiguro ni Elara na hindi naman pala ito threat sa kanya ay sinenyasan na niya ang aso na agad naman lumapit sa kanya.
"Good boy, Matty." wika niya habang marahan hinahaplos ang buong ulo at katawn ni Matty na ngayon ay mas mabilis pa ang pagkawag ng buntot. Dumidila pa ito sa pisngi niya kaya natatawa siya.
Isang labrador si Matty.
"Ilang taon na si Matty?" tanong niya kay Lorenzo.
Napataas ang kilay niya nang makita na bakas ang pag-aalala nito sa kanya. Agad siya nitong hinawakan sa magkabilang braso para iangat mula sa pagkakayuko niya.
"Are you okay, Elara?"
Tumango siya sabay siko sa angkol niya. "Ano ka ba, Angkol. Masyado ka naman nag-aalala." Muli niyang binalingan si Matty na ngayon ay nasa tabi niya, nakalabas ang dila habang gumagalaw ang buntot. Mukhang hinahanap nito ang mga haplos niya.
"Aso mo?" tanong niya sa angkol niya.
"Oo, alaga ko pa si Matty mula sa military. Nakiusap na lang ako sa boss ko na kunin ko siya noong mag-retired ako."
"May pagka-clingy ka pala, Angkol?"
"What do you mean?"
"Kanina pa hawak ng hawak sakin, eh."
Parang noon lang nito nakita na halos yapusin na siya nito sa pag-aalala. Pumalatak na lang si Lorenzo ngunit hindi naman nito binitiwan ang pagkakahawak sa kanya kaya naman napapangiti na lang siya. Gusto din naman niya na lagi siyang hinahawakan ng angkol niya. Mabuti na lang talaga hindi tumagal ang no physical touch na pauso nito.
"Pumasok na tayo sa loob ng bahay, Elara." anas nito sabay hawak sa kamay niya.
Sinenyasan naman ni Lorenzo si Matty na sumunod sa kanila sa loob ng bahay. Magkahawak-kaway na pumasok sila sa loob. Tulad nga ng inaasahan niya ay puro gawa sa matibay na kahoy ang bahay ng angkol niya. Probinsya feels talaga ang hitsura niyon pero maganda at maintain pa din.
"Angkol, ika-two days pa lang natin pero inuwi mo na agad ako sa bahay mo. Masyado ka naman nagmamadali." anas niya dito. "Payag naman ako sa gusto mo mangyari pero maliligo muna ako."
Kumunot ang noo ng angkol niya sa narinig. "Gutom ka na ba, Elara?"
Natawa siya. "Hindi," matipid niyang sagot. Binawi niya ang kamay kay Lorenzo para pumunta sa sala ng bahay. Para sa kanya, magaan at maaliwalas ang buong bahay ng angkol niya
Pumunta siya sa malaking bintana na kita ang malaking sakahan at taniman. Pakiramdam niya tuloy parang ang sarap tumira sa bahay ng angkol niya. Welcome siya doon hindi katulad sa mansion ng mga Marasigan dahil may kasama siyang dalawang panget na babae at isang lalaki na epal.
"Hindi magandang mamasyal dahil pa-gabi na din, Elara. Sa weekend na lang tayo umalis."
Kita sa malaking binata ang papalubog na araw. Tama nga ang sinabi ng angkol niya, ilang oras na lang ay pagabi na.
"Angkol," nilingon niya ulit si Lorenzo na ngayon ay matiim ang pagkakatingin sa kanya ng mga oras na iyon. Tingin nito na parang siya lang ang magandang babae na nakita nito.
Napangiti siya. "Ikaw lang ba ang nakatira dito?"
Umiling si Lorenzo. "Kasama ko si Matty, syempre. Minsan, dito natutulog ang pamangkin kong lalaki kapag walang klase sa school. Alam mo ba kung nasaan tayo, Elara?"
"Hindi, Angkol. Wala akong alam sa Santo Birhen dahil pili lang sa daliri ang pagpunta ko dito kay Daddy."
"Nasa Sitio Makisig tayo. Isa sa pinakamalaking bayan sa Santo Birhen."
Tumango siya. "Now I know where to locate you, Angkol. Hindi ka makakatakas kahit na pagtaguan mo ako. Ang ilap mo pa naman sa iba."
"Personal Assistant mo ako ng isang buwan, Elara. Malamang lagi tayo magkikita. At isa pa, obligasyon kita dahil binilin ka sakin ni Vernie."
"Sa isang buwan na iyon, magiging close ba tayo nang husto, Angkol?" ngi-ngiti-ngiting tanong niya kay Lorenzo.
Hinawakan niya sa braso ang angkol niya sabay hilig niya ng ulo dito. "Mabuti na lang tayo ikaw na mismo ang bumawi ng kundisyon mo na walang physical touch."
"Bakit, Elara? Kung hindi ko ba binawi, hindi mo talaga ako hahawakan o lalapitan?" Kunot-noong tanong sa kanya ni Lorenzo.
Natatawa na tiningala niya ito habang nakahilig sa matigas na braso ng angkol niya. "Hindi, syempre. Mataas ang pride ko, Angkol."
Pumalatak ito. Mukhang expected naman ni Lorenzo ang sagot niya. Muli nitong hinawakan ang kamay niya para igiya sa likod bahay.
"Saan tayo punta, Angkol?" tanong niya. "Sa kwarto mo? Hindi pa ako naliligo, ha. Pwede next time na lang?"
Naiiling na binalingan siya nito, "Tigilan mo na nga iyang kadumihan ng isip mo, Elara. Hindi kita dadalhin sa kwarto ko."
"Ha?" kunwa'y tanong niya. "Sayang naman, Angkol. Kahit naman hindi ako maligo, masarap pa din ako."
"Elara." nagbabanta na nitong tawag sa pangalan niya habang siya ay natatawa sa kalokohan niya.
Mayamaya ay nakarating sila sa bakuran nito sa bahay na gustong ipakita ni Lorenzo sa kanya.
"Wow! Sa'yo 'to?" manghang tanong niya kay Lorenzo habang tinitignan ang mga iba't-ibang orchids na nakapalibot sa buong bakuran, isama pa ang magagandang uri ng bulaklak.
Excited na lumapit siya sa mga iyon ngunit hindi niya hinawakan. Mahirap na dahil ang alam niya, may mga orchids na nalalanta agad kapag nahahawakan. Magandang tignan ang mini garden ng angkol niya, na kung siya ang tatanungin parang gusto niyang ipinta ang nakikita niya.
"Nagustuhan mo?" tanong ni Lorenzo sa malumanay na tinig.
Nilingon niya ito sabay tango. "Oo, angkol." aniya, "Pero hindi ako magpapakasal sa'yo, ha? Tama na muna iyong sa closeness natin ngayon. Masyado kang mabilis, angkol."
"Elara!"
She laughed. Kita niya kasi ang pamumula ng punong-tenga ni Lorenzo kaya hindi na naman niya mapigilan matawa.
Ang cute talaga ng angkol niya. Sarap kagatin sa labi at sa braso. Saka na lang siguro niya ito kakagatin sa itlog, sa ngayon lalaruin muna niya si Matty na nakadunggol na ang nguso sa binti niya.