C16

1328 Words

"Ano pagkain ni Matty, Angkol?" Narinig ni Lorenzo na tanong ni Elara na ngayon ay walang sawang nakikipaglaro sa alagang niyang labrador na si Matty. Nakaupo sila sa malaking sofa niya habang nasa sahig namin ang labrador niya. Matagal na niyang kasa-kasama ang aso niya na iyon simula noong nasa force pa siya at ngayon nga ay nasa bahay na lang niya ito sa Santo Birhen. Actually, nakaramdaman ng kaba si Lorenzo nang makita niya na ang alaga niyang aso na sinusugod si Elara. Hindi kasi masyadong sanay si Matty sa ibang tao, kumabaga mailap ito kaya naman walang nagtatangkang pumasok sa bakuran niya dahil sa tapang ng aso niyang ito. Takot ang mga kabitbahay niya na malapa ni Matty, sa laki ba naman ng aso niyang ito ay nakakatakot talaga na malapa ka. Pero itong si Elara, walang takot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD