Nakangiti na tinignan ni Elara ang kamay ng Angkol habang mahigpit na hawak nito ang kamay niya. Kasaluyan silang nasa sasakyan nito pauwi sa mansion ng Marasigan. Until now, tawang-tawa talaga siya dito kapag naaalala niya na ito mismo ang tumapos ng sarili nitong kundisyon. "Alam ko ang iniisip mo, Elara." saad ng angkol niya, nakatutok pa din ang mata sa daan. "Paano mo nalaman ang nasa isip ko, Angkol?" matamis siyang ngumiti dito. "Bibig ko pa lang ang naman napasok mo, ah?" "Elara!" Natawa siya, napapailing at napapangiti naman ang Angkol niya. Mukhang sa ilang araw na nilang magkasama ay sanay na ito sa bibig niya. "Ilang taon ka na nakatira sa Santo Birhen?" "Ten years ago nang bumalik ako sa lugar namin ng Daddy mo. Nang maisipan niyang tumakbo sa pagka-Mayor, kinuha niya a

