C7

1689 Words
Nakapaweywang na tinignan ni Elara ang papalayong sasakyan ng Angkol Lorenzo niya. Pumunta lang ito para ibigay sa kanya ang pagkain sabay alis. Ang sungit talaga! aniya sa isip habang naiiling. "But my angkol is so sweet," Isipin lang niya na nag-effort ito para lang magbigay ng pagkain sa pag-aalala na baka malipasan siya ng gutom ay kinikilig na agad siya. Kilig na abot ng lalamunan. Natawa si Elara. Kanina habang pababa siya sa hagdan ay bumungad sa kanya ang matangkad at matipunong likod ni Lorenzo, agad na napangiti siya nang maluwag. Lalo na't nakita niya na titig na titig ito sa larawan niya noong sixteen years old pa lang siya. Ang larawan na iyon ay tanging tinira lang ng Tita Amy niya at ang iba ay pinalitan nito ng mga larawan ng sariling mga anak. Wala naman problema sa kanya iyon o mas tamang sabihin hindi na lang niya pinansin ang ginawa nito na pagtatanggal ng larawan niya noon bata pa sila at mag-asawa pa ang Mommy niya at ang Daddy Vernie niya. Nang bumalik si Elara sa sala para tignan ang larawan niya ay hindi niya mapigilan mapangiti. Hinawakan niya ang picture frame sabay haplos doon. That day, she received an award—recognized as one of the association’s promising young painters. Yes, magaling siya mag pinta at gumuhit gamit ang canvass. Bata pa lang siya ay iyon na agad ang kinahiligan niya. Ang mommy naman niya ay sobrang supportive sa kanya kaya may sarili siyang painting studio sa bahay nila. Hindi lang iyon ang award na nakuha niya, marami pa siyang ibang nakukuhang recognition dahil sa galing niya sa pagpinta. Sadya lang talaga na naging special sa kanya ang award na iyon. Bakit nga ba hindi? Milyon-milyon lang naman ang pumasok sa account niya dahil halos lahat ng gawa niya ay sold out. They called her The Golden Brush, a genius beyond her years. Marami siyang alam na unpredictable technique sa pagpipinta kaya hindi talaga nakapagtataka na makilala agad siya sa murang edad niya. Iyon nga lang, maraming mga tao na nainggit sa kanya dahil sa tinatamong kasikatan. Marami siyang naririnig na mga critiques na masakit sa pandinig at puso niya lalo na sa isang tao na hindi niya akalain na doon pa manggagaling. Kaya lagpas isang taon na din simula ng tumigil siya sa pagpipinta. Ayaw naman ni Elara na magpinta dahil lang gusto niya magkapera. Para sa kanya ay hindi ganoon ang konsepto ng pagpipita. She paints because her heart tells her. Minabuti na lang ni Elara na ilapag ang picture frame. Kakainin muna niya ang dinalang pagkain ng kanyang angkol. Minabuti niya na sa dirty kitchen na lang siya kumain. Inabutan niya doon ang mayordoma nilang si Myrna na naglilinis ng kusina. "Magandang gabi, Ms. Elara." Ngumiti siya dito. Dahil bihira lang naman siya pumupunta sa lugar na iyon ay pili lang sa daliri na nakita at nakapag-usap sila ng matanda. "Good evening, Manang." Tumingin ito sa dala niyang pagkain. "Kakain po kayo? Ako na ang maghahanda, Ms. Elara." Umiling siya dito. "Ako na po, Manang. Kaya ko na ang sarili ko." Kahit sa bahay ng Mommy niya ay hindi din siya palautos sa mga katulong nila. She can take care of herself. Mayamaya lang ay kumuha siya ng dalawang plato habang hinahanda ang mga pagkain na dala ni Angkol Lorenzo niya. "Let's eat, Manang." aya niya dito. "Naku, Ms. Elara. Kayo na lang po saka dapat sa dining table kayo kumakain hindi dito. Iliipat ko po ang pagkain niyo doon." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Manang, umupo agad siya katapat ng plato niya sabay senyas na umupo ito sa harapan niya. "Kumain ka, Manang. Saka maraming pagkain ang dinala ni Angkol Lorenzo. Nagasusungit pa naman iyon kapag nag-akasya ako ng pagkain." turan niya dito. Ilang segundo na nag-alangan ang matanda bago sumunod sa utos niya. Masarap ang pagkain na dinala ng angkol niya, kare-kareng gulay, sisig at chicken iyon. Ang iba ay paboritong putahe pa niya. Tsk! Kahit masungit ang angkol ko, may puso talaga. isip niya habang napapangiti. For the first time after the incident, kumain siya nang maganda at marami. "Dito ka na ba mag-aaral, Ms. Elara?" Tumango siya dito, "Oo, Manang. Dito na ako mag-aaral." "Maganda namana ng unibersidad sa Santo Birhen, mura ang matrikula na halos wala nang babayaran ang mga estudyante. Iyon ang ginawa ng Mayor natin para sa mga taga Santo Birhen. Malaking tulong lalo na sa mga bata na hirap pagkaaralin ng magulang." Natahimik si Elara sa narinig. Aaminin niyang wala siyang ibang alam sa Daddy Vernie niya, ang tanging impormasyon na alam niya dito ay mayor ito sa isang malayong probinsya. Iyon lang at walang iba pang inalam dito. Naalala niya na mukhang tumanda ng husto ang mukha ng Daddy niya, halata na may iniindang problema. "Kamusta naman si Daddy, Manang?" kunwa'y tanong niya dito. Bumuntong-hininga si Manang bago sumagot. "Mukhang stress ang daddy mo kay Madam." "Bakit?" Nag-alangan sumagot si Manang. "Okay lang, Manang. Hindi ko sasabihin kay Tita Amy saka hindi kami close. Ayoko sa tao na makakapal ang make up." Bigla itong natawa sa sinabi niya. Mukhang ito din ay nahahalata kung gaano kakapal mag-make up ang mag-ina. "Spill, Manang." "Lulong sa sugal si Madam Amy, Ms. Elara. Naririnig naman sila na lagi silang nagtatalo at nag-aaway dahil malaking pera na ang napapatalo ng mga ito sa sugal." Natahimik siya sa narinig. Kaya pala parang problema ang Daddy niya, inuubos nang magaling niyang step mother ang pera nito. Isa pa, hindi maganda sa imahe ng Daddy niya bilang mayor na may asawa itong lulong na sa sugal. "Huwag sana makarating kina Madam ang sinabi ko, Ms. Elara." Kita niya ang pag-aalala sa mata ni Manang kaya naman pinili niyang nginitian ito. "Don't worry, Manang. Ako ang bahala sa'yo." Nang matapos sila ay hindi na siya hinayaan nito na maghugas ng pinagkainan kahit na anong pilit niya. Minabuti muna ni Elara na mag-stay sa veranda habang nakatanaw sa malawak na ari-arian ng mga Marasigan. Hindi man niya mapigilan ay nag-aalala siya sa Daddy niya. Mukhang kailangan niya itong makausap nang masinsinan. Kung kailangan nito ng pera, madali lang na mabigyan niya ito. Walang issue sa kanya ang pera, ang mahalaga ay makatulong siya sa Daddy niya. Tumunog ang message alert niya. Nang buksan niya iyon ay maluwag siyang napangiti. Ang Angkol Lorenzo niya ang nag-text sa kanya. "Kinain mo na ang food mo?" text nito. Nag-type siya ng message. "Yes, Angkol ko. Ang sarap ng food parang ikaw. :)" Natatawa siya sa naisip. Kung kaharap niya ito ay malamang na sinigaw na naman nito ang pangalan niya. Na kapag ito ang tumatawag ay masarap sa pandinig. "Matulog ka na, Elara. Gabi na." sagot nito sa message niya. Gusto sana niya na tanungin ung may social media ito, mas maganda kasi kung video call sila nito para makikita niya ang gwapong mukha ni angkol. "Maybe, next time." usal niya habang binabasa ulit ang messages sa pagitan nilang dalawa. Nag-type ulit siya ng message na alam niyang ikasisimangot na naman nito. "Good night, Angkol ko. Dream of me, please. Pero huwag wet dreams, ha?" Aliw na aliw na sabi niya dito sa text. Malalaki na naman ang ngiti niya. "Stop it, Elara. 8AM sharp, susunduin kita sa Marasigan." Napailing siya. Mukhang siya ang masarap ang pagtulog niya hindi ito. Minabuti na lang niya na bumalik sa kwarto niya para pilitin ang sarili niya na matulog na. Sanay kasi siya na ala-una ng madaling araw ang tulog niya pero mukhang sa probinsya na katulad ng Santo Birhen ay alas-nueve pa lang ay tulog na ang mga tao. And as usual, hindi na siya makatulog. Minabuti na lang niya na kunin ang ipad niya para gumawa ng mga digital arts na binebenta niya online. Malaki din naman ang kita niyon, hindi lang katulad sa physical painting na ilang buwan na niyang tinigil. Nang tignan ni Elara ang oras ay nagulat siya nang alas-kwatro na pala nang madaling-araw kaya naman doon na siya matulog. Pagkalapat pa lang ng likod niya sa kama ay nakatulog na agad siya. Naramdaman na lang niya na may yumuyogyog sa balikat niya. "Elara." Umungol siya pero hindi niya dinidilat ang mga mata niya. Malala pa ang antok sa sistema niya kaya malabong gumising siya. "Gumising ka na, alas nueve na nang umaga." Naramdaman niya ulit ang marahang pagyugyog ng isang kamay sa braso niya. Parang pamilyar sa pandinig niya ang boses nito kaya naman unti-unti niyang dinilat ang mga mata. As expected, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Angkol Lorenzo niya. Iyon nga lang, salubong na naman ang mga kilay habang pinagmamasdan siya. Ang ganda naman ng umaga niya, mukha agad ni Lorenzo ang bumungad sa kanya. At dahil antok pa siya ay muli niyang pinikit ang mata niya sabay hikab pero siniguro muna niya na yakapin ang matitigas na braso ni Lorenzo. Halos idikit na nga niya ang mukha at dibdib sa braso nito. "Kumilos ka na, late ka na sa enrollment mo, Elara." "Hmmm.." wika lang niya habang nakapikit pero kinapa-kapa niya ang braso ni Lorenzo. Ang tigas talaga. Nang hindi niya mapigilan ang sarili ay sininghot pa niya ang braso nito. Mabango. Hindi siya magsasawa na amuyin ang Angkol niyang masungit at mailap. "Cuddle tayo, Angkol. Please." anas niya sa mababang at malamyos na tinig. "Elara!" Natawa siya nang mahina. "Malamig ang panahon, masarap may kayakap sa kama, Angkol." Narnig niya ang mahabang pag-ungol nito. Hindi niya tuloy alam kung epektado ba ito sa paglalandi niya o frustrations sa ginagawa niya. "Tabi tayo, Angkol. Let's cuddle." "Tigilan mo, Elara." Doon siya napadilat. Kitang-kita niya ang seryosong ekspresyon ni Lorenzo. Tinanggal nito ang pagkakayakap niya sa braso sabay tayo. "Bumaba ka sa loob ng kalahating oras, kundi iiwan talaga kita." Pagkasabi niyon ay mabilis na lumabas ito sa kwarto niya. Sinundan pa niya ang malapad at matipunong likod ni Lorenzo. Natatawa lang siya sa ginawa niya. Mainit na namana ng ulo ng angkol niya, sinusungitan na naman siya. Di bale, tatanggalin na lang niya mamaya ang pagiging masungit nito. Baka sa sasakyan na lang sila mag-cuddle. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD