C6

1484 Words
"Lorenzo!" Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Anna—ang secretary ng mayor nilang si Vernie Marasigan. Imbes na huminto sa paglalakad ay hindi niya pinansin ito. Sa katunayan ay mas binilisan pa niya ang bawat hakbang niya papalabas sa cityhall ng Santo Birhen. Sa ilang taon niyang pagiging assistant ng Vernie ay maraming babae lalo na sa loob ng cityhall ang nagpaparinig at palipad hangin sa kanya. Marami din ang nag-aaya na makipagdate sa kaya na agad naman niyang tinanggihan. Wala siyang gana na makipag-date at makipagmabutihan pa sa mga babae kahit na anong pilit pa ng mga ito. Katulad na lang ni Anna na halos tumakbo na ito para lang makasabay sa bilis ng paglalakad niya. "Teka lang, Lorenzo." pigil nito sa kanya na halos hingalin na. Pero hindi pa din siya nagpatinag, pinanatili niya ang bilis ng paglalakad niya. "Saglit lang naman!" wika ni Anna na medyo mataas na ang boses. Kanina pa siya nito kinukulit na mag-dinner naman daw silang dalawa sa bagong restaurant malapit sa cityhall. Saglit siyang tumigil sa paglalakad sabay tingin dito na walang ngiti sa labi. "Anong kailangan mo, Anna?" Umingos ito sa sinabi niya. "Sabi ko kain tayo sa bagong restaurant—" "Busy ako, sorry." aniya, sabay talikod dito. Kung kasama pa niya ang ibang kasamahan nila sa cityhallay baka sumama pa siya. Ngunit kung dalawa lang sila? Malabo pa iyon sa tubig kanal na galing sa Santo Birhen. Kung tatanggapin naman niya ang aya nito ay baka magkaroon pa ito ng ibang ideya na gusto niya ito. Hindi niya type si Anna kahit na ilang taon na itong nagpaparamdam sa kanya. Lagi nga nitong dinidikit ang s**o nito sa braso niya at laging pinapakita ang cleavage sa harapan niya. Maganda si Anna, sexy at maputi. Marami ngang nagkakagusto dito ngunit siya? Uulitin niya, hindi niya type si Anna. Wala siyang ibang emosyon na nararamdaman dito. Kung mayroon man baka puro s*x lang ang gagawin nilang dalawa. At isa pa, ayaw na niya sumabak pa sa isang relasyon na pilit at puro physical attraction lang. Hindi niya gusto ang bagay na iyon. Para sa kanya ay sagrado ang bagay na iyon. Kaya nga siyang nabansagan na pinaka-mailap na binatang lalaki sa buong Santo Birhen. Brgy. Marupok, Sitio Makisig. Hindi naman sa woman hater o wala siyang hilig sa mga babae, sadya lang talaga na dati umibig siya sa isang babae na halos ibigay niya ang lahat at nabigo. Dahil sa araw ng kasal dapat nila ay nakipagtanan ito sa bunso niyang kapatid. Yes, it broke his heart, and something in him turned cold. Kaya minabuti na lang niya na paunlarin ang sakahan at taniman ng talong na iniwan sa kanila ng Inay niya bago ito mamatay. Hindi naman siya nabigo dahil kilala ang talong niya sa buong Santo Birhen na isa sa pinakamalaki at makinis sa lahat ng taniman ng talong sa lugar nila. Malaki naman ang kita, sapat para makaipon siya. At isa pa, naitago naman niya ang retirement money niya na galing sa gobyerno. Dati kasi siyang sundalo, maaga lang siya nag retire dahil gusto na lang niyang manirahan sa Santo Birhen. Isa pa ay inalok din siya ng kaibigan niyang si Vernie na maging assistanct con bodyguard nito. Hindi naman niya iyon tinanggihan dahil matagal na silang magkaibigan nito. Ilang dekada na din. Narnig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Anna pero hindi na lang niya pinansin. Sumakay siya sa sedan niya at agad pinaandar ang sasakyan. Bukas kapag nagkaroon siya nang pagkakataon ay kakausapin niya na lang ito para hindi na umasa pa si Anna. Ayaw niya kumuha nang dahilan para sumakit ang ulo niya. Pero mukhang katapusan na ng katahimikan niya nang maalala niya ang anak ng kaibigan niyang si Vernie. Ang makulit at maldita si Elara. Unang kita pa lang nilang dalawa ay talagang sumakit yata ang ulo pati ang batok niya. Napakapilya nito na sa murang edad na disenueve. Ngunit hindi niya pwedeng ipagkaila na maganda ang dalaga o mas tamang sabihin na lumaki na si Elara na mas maganda sa inaakala niya. Elara has a beauty that can captivate any man’s attention. Mestiza ito na halos parang ayaw na niyang hawakan ang makinis na balat ni Elara. Maliit ang mukha nito na bumagay sa mahaba at straight na buhok. At idagdag pa ang magandang mga mata nito na kumikislap ng pagka-pilya at kalokohan. Her beauty deserved a second look. Aminado siya sa bagay na iyon. Napailing na lang si Lorenzo nang bigla lumitas sa balintawtaw niya ang magandang mukha ni Elara habang tinatawag siyang Angkol. Tama lang naman na tawagin siya nitong Angkol. Matalik siyang kaibigan ni Vernie na father nito. He was thirty-eight years old while she is nineteen. Sobrang laki ng agwat ng edad nila. Kahit na ilang beses na niyang nakita ng personal si Elara ay parang hindi siya nito natatandaan. Isa pa ay hindi naman ito madalas na magpunta Daddy nito, pili lang sa daliri ang pagbisita nito sa Santo Birhen. Sa katunayan nga ay nagulat pa siya nang sabihin ni Vernie na titira ang nag-iisang anak nito at mag-aaral sa lugar nila. Buong akala niya ay mahinhin si Elara na kabaligtaran pala sa mga pictures na pinapakita sa kanya ni Vernie. Napakapilya ng dalaga. Ginawa pa siya nitong personal assistant sa loob ng isang buwan. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kailangan niyang pagbigyan ang hiling ng unica hija ng kaibigan niya. Iyon nga lang parang tanga na paulit-ulit na nag-re-replay sa utak niya ang mga parinig nito sa kanya. "Damnit." mura ni Lorenzo. Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Huminto siya sa bagong restaurant na sikat ngayon sa bayan nila para mag-take-out ng pagkain. Nag-order siya ng dalawang putahe at ilang dessert. Ilang minuto lang ay pinarada na niya ang sasakyan niya sa tapat ng ancestral home ng mga Marasigan. "Napadaan ka, Lorenzo?" tanong sa kanya ng mayordoma ni Vernie. "Si Mayor ba ang hanap mo? Naku, nasa kwarto na sila at nagpapahinga." Umiling siya. "Gising pa ba si Elara?" Kumunot ang noo nito. "Ang anak ni Mayor?" tanong nito na parang nagtataka pa. "Pakitawag na lang si Elara, Manang. Gusto ko siyang makausap." Tumango ito sa kanya habang iginiya siya sa sala. Malaki ang ancestral home ng mga Marasigan na kahit may pagka-luma ang disenyo ay kita pa din na nakakaangat sa buhay ang may-ari. Tinignan niya ang mga larawan na nasa sala, halos lahat nang nandoon ay ang dalawang anak ni asawa ni Vernie. Awtomatikong napahinto ang paningin niya nang makita niya ang isang larawan. Si Elara ang nasa larawan na iyon, may dalang medal na hindi niya alam kung para saan pero halata sa ngiti nito na masaya ito sa nakuhang award. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigilan ang inosente at magandang ngiti ng dalaga. "Ganda ko dyan, no?" Muntik na siyang magulat nang biglang may nagsalita sa tabi niya. Paglingon niya ay nakita niya si Elara na halos idikit na naman ang malambot na katawan nito sa braso niya. Tangina naman. mura niya sa isip. Alam ba nito ang ginagawa sa kanya? Nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang kakaibang kislap ng mga ni Elara. "Aminin mo na kasi, Angkol." "Ano ang dapat kong aminin, Elara?" Bago sumagot ay mahigpit na naman na niyakap ni Elara ang braso niya. Nagulat pa siya nang maramdaman ang malambot na dibdib nito. Walang bra si Elara! Nakasuot lang ito ng manipis na puting nighties halata na matutulog na. Ang mahabang buhok nito ay nakalugay lang. Sobrang inosente talaga ng mukha ni Elara lalo na kapag hindi bumubuka ang bibig. "Na maganda ako!" "Hindi." Natawa ito nang malakas. Iyon tawa na kanina pa niya naririnig buong araw. "Anong ginagawa mo dito, Angkol? Bukas pa tayo dapat magkita, excited ka masyado." Binigay niya ang take out na pagkain niya dito. "Dinalhan kita ng pagkain, baka nagugutom ka na." Hindi agad nakapag salita si Elara sa sinabi niya. Mukhang hindi ito makapaniwala sa ginawa niya. "You gave me food? Angkol?" "Ano bang tawag mo dyan? Lupa?" pagsusungit niya. "Thank you!" Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin sa beywang na halos isubsob na ni Elara ang mukha sa dibdib niya. Pakiramdam ni Lorenzo ay para siyang na-kuryente sa pagdikit ng katawan nila ni Elara. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang epekto nito sa katawan niya? Damnit! mura niya ulit. Minabuti na lang ni Lorenzo na hawakan ang magkabilang braso ni Elara para ilayo sa kanta. "Angkol! Sabay tayong kumain." Matigas siyang umiling. "Kainin mo ang pagkain mo habang mainit pa. Aalis na ako." "Ha? Sabay na sabi tayo." reklamo nito. "Aalis na ako." Narinig pa niya ang malakas na pagtawag ni Elara sa pangalan niya ngunit hindi niya ito nilingon. Tulad nang ginawa niya kanina ay sumakay siya sa sasakyan niya sabay harurot paalis ng property ng mga Marasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD