"Your mother told me what happened, Elara."
"Yeah?" ani ni Elara sa sinabi ng Daddy niya.
Relax na sumandal lang siya sa upuan niya. Kasalukuyan silang nasa van na nito pauwi sa ancestral house ng mga Marasigan.
"Is it true? Elara?"
"Dad, kung ano ang sinabi ni Mommy, iyon na iyon."
"I know you, Elara. Hindi mo magagawa ang illegal drugs."
Pinagkatitigan siya ng Daddy niya bago magsalita ulit.
"You were framed, weren’t you, Anak?"
Nang lingunin niya ang Daddy niya ay bakas ang pag-aalala nito sa mukha. Hindi sila close ng daddy niya, but he’s still her father, and that still means something. Nang hindi siya kumibo ay narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito.
"I can do something about it, Elara. If you were framed, pagbabayarin ko ang tao na gumawa sa'yo. Marami pa naman connection ang mga Marasigan, kaya kong gawin ulit ang tama, Anak."
Naramdaman niya ang paghawak ng Daddy niya sa braso. "So, you can go back to Metro Manila. You can go back to your normal life. Alam ko naman na hindi ka sanay dito sa probinsya, Elara."
Babalik siya ng Metro Manila?
Sa naisip ay biglang lumitaw sa isip niya si Lorenzo, ang mailap at pinakamasungit na angkol sa Santo Birhen, kaya hindi niya napigilan na mapangiti. Kumikislap ang mga mata niya habang naaalala niya ang gwapong mukha ng angkol niya.
Marami pa siyang iniisip na gagawin nila ng dalawa at excited na siya.
That's why she already made her decision.
"I'll stay in Santo Birhen, Dad."
Kung isang buwan lang niyang magiging personal assistant si Lorenzo ay titiyakin na niyang magagawa niya ang gusto niyang gawin dito. Baka nga bukas lang ay mapaamo na niya ang angkol niya.
"Alright, Elara." Muling napabuntong-hininga ang daddy niya.
"Until now, hindi pa din ako gusto ng naging asawa mo, Dad?" balewalang tanong niya dito.
Matagal naman alam ni Elara na hindi talaga siya gusto ng step mother niya pati na ang dalawang anak na dala-dala nito noong nagpakasal sa daddy niya.
"Ano bang pinagsasabi mo, Elara? Mahal ka ng Tita Amy mo."
Awtomatikong napataas ang kilay niya ngunit pinili na lang niyang hindi na kumibo. Hindi na niya kailangan pang pag-aksayahan ng oras ang asawa nito na mas makapal pa ang make-up sa taga-circus. Halos twenty-minutes din ang naging byahe nila bago makarating sa ancestral house ng mga Marasigan.
Maaki at matayog ang ancestral house ng Daddy niya na pinamana ng Lolo Ernest niya dito bago ito mamatay pitong taon na ang nakakalipas. Ang pamilya nila ay nasa hanay ng politika sapagkat ang Lolo niya ay naging Gobernador at Mayor din ng lalawigan nila. Ang daddy naman niya ay pagka-mayor lang ang gustong posisyon.
"Elara, hija!"
Salubong agad sa kanya ni Amy—her step mother. Lumapit ito sabay yakap nang mahigpit.
"How are you? You look fresh!"
She rolled her eyes. At alam niyang nakita iyon ng Mommy niya na nakataas lang ang kilay.
"Ikaw din, Tita. You looked—"
Tinignan niya ang hitsura nito. She is wearing a tight fitting pink dress and with green stiletto shoes. Habang ang make-up naman nito ay sobrang kapal lalo na ang red na red na lipstick.
Ngumiti si Elara. "Fresh."
Mas fresh pa ang aso ko dito, eh. usal niya sa isip.
Muntik na sana niyang masabi ang bagay na iyon pero pinili na lang niyang manahimik. Narinig niya na tumawa ang mommy niya. Kilala siya nito kaya naman natawa ito sa sinabi niya.
"Why? Something's wrong?" nagtatakang tanong ni Amy.
"No, Ma." singit ni Criselda na nakatayo din pala sa isang sulok, salubong ang kilay habang nakatingin sa kanya. "Walang problema sa make-up mo."
Siya naman ang natawa na lalong ikinasimangot ng step-sister niyang pangit.
Criselda is a b***h. Wala duda sa bagay na iyon at hindi naman nito kinakaila lalo na sa pagtrato sa kanya. At tulad ng sarili nitong ina, makapal din mag make-up na parang nasa circus. Pero sino ba siya para mag-judge sa mag-ina? Baka ganoon lang talaga ang trip ng mag-ina.
Nginisian niya si Criselda. "Hi, Criselda! Long time no see, ha? Don't worry, you look fresh din naman like your mom."
Natawa ulit ang mommy niya.
"b***h," mahinang usal ni Criselda.
Nagkibit-balikat lang siya sabay tingin sa mommy niya. "Hindi ka pa ba babalik ng Metro Manila, Mom?"
"Babalik na, Elara. Gusto ko lang makita na maayos ka dito."
"I'm good, Mom. Just go, kaya ko ang sarili ko."
Tinaasan lang siya nito ng kilay sabay baling sa mag-ina na nakatingin lang sa kanya. Tama naman ang sinabi niya, she can take care of herself. Hindi siya nagpapaapi sa ibang tao, lalo na sa mag-ina.
"I know, Elara." Nilapitan siya nito sabay yakap ng mahigpit. "Dadalawin kita dito every month, Anak." Habang sinasabi iyon ng Mommy niya ay hinahaplos nito ang likod niya.
"I'm going to miss you, Mom."
Mas lalong humigpit ang yakap nito sa sinabi niya.
"Call me when something happens, will you, anak?"
Tumango siya dito. Nang pakawalan siya ng Mommy niya ay binalingan nito si Vernie.
"Vernie, please lang, huwag mo pabayaan ang anak mo."
Sabay baling kay Criselda na nakataas lang ang kilay.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin iyan, Kristelle. Elara is my only daughter."
"Mabuti at alam mo pa ang bagay na iyan, Vernie." pagtataray ng Mommy niya.
"Hind ka ba mag-stay dito?"
"What? No way!" todo tanggi ng mommy niya na ikinangiti lang niya.
May sira din ang ulo minsan, kung ito ayaw mag stay kasama ang pamilya ng Daddy niya, pwes, mas lalo naman siya. Kaya nga hindi niya maintindihan ang mommy niya kung bakit pinilit pa nito na tumira kasama ang mga ito.
Mabuti na lang talaga ay nakahanap siya nang dahilan para tumagal sa Santo Birhen.
Ang kanyang Angkol Lorenzo.
Mayamaya lang ay umalis na agad ang mommy niya para bumalik ng Metro Manila.
"Nagpahanda ako ng meryenda, Elara. Hindi ba paborito mo ang lasagna?"
"Nope, Tita Amy. That's your daughter's favorite."
Sa sinabi niya ay nakita niyang napataas ang kilay ni Tita Amy. Kilala na ni Elara ang ugali ng mag-ina kaya alam niyang sinasadya talaga nitong lutuin ang pagkain na hindi niya gusto.
Binalingan ni Elara ang daddy niya. "I'll go in my room, Dad."
"Oh, that's my room na, Elara." si Criselda, na may ngisi sa labi. "Ako na ang gumamit ng malaking room sa taas. You can use my old room."
Halata naman na inaasar talaga siya nito at pino-provoke.
"Okay," sabi lang niya.
But no, hindi niya hahayaan na magtagumpay ang mag-ina sa pang-iinis sa kanya sa unang araw niya sa Santo Birhen.
Nakita ni Elara na napasimangot ito. Mukhang hindi nakuha ang reaksyon na gusto nitong makuha sa kanya. Well, kahit na gigil siya sa mag-ina ay hindi niya hahayaan ang sarili niya patulan pa mga ito.
Sayang sa energy.
Isa pa, nakakapangit kung makikipag-bonding siya sa mga ito.
Humalik muna siya sa Daddy niya bago pumunta sa room ni Criselda. Napailang na lang siya habang tinitignan ang kwarto na iyon. May kalakihan naman ang room ngunit 'di hamak na mas malaki ang dati niyang kwarto na ngayon ay okupado na ni Criselda.
Well, no use crying over spilled milk. Hindi siya ganoon kababaw para lang magalit dahil lang sa isang maliit na dahilan. Isa pa, hindi niya hahayaan na magpa-apekto ang maganda niyang mood. Minabuti na lang ni Elara na huminga para magpahinga.
Habang nakatitig siya sa kisame ng kwarto niya ay parang magic na lumitaw doon ang mukha ni Lorenzo na nakasalubong ang kilay at walang kangiti-ngiti.
Siguro, kapag nginitian siya ni Lorenzo baka hindi niya mapigilan na mahalikan niya ito. At syempre sa lips—bakit pa siya hahalik dito kung hindi rin naman sa labi?
Natatawa na nababaliw na yata siya.
Kinuha niya ang cellphone niya sabay text sa pinakamailap na Angkol sa buong Santo Birhen.
'Gawa mo?' text niya dito.
Nakuha niya kanina ang number ni Lorenzo sa Daddy iya kanina. Sa totoo lang ay kanina pa niya expected na tatawagan o i-text siya nito.
Tsk! palatak niya sa isip. Mukhang sa relasyon nilang dalawa, siya lagi ang first move.
Three minutes. Wala pa din reply ang angkol niya, kaya naman tinawagan niya agad ito.
"Elara."
Napangiti siya nang bumungad sa tenga niya ang masarap na boses nito sa pandinig niya.
"Bakit hindi ka nag-reply agad sa message ko?"
"May message ka?"
"Tsk!" palatak niya. "Babaguhin ko ang alert tone ng phone mo kapag ako ang nag-te-text at tumatawag."
"Tatlong minuto ka pa lang nag-text, gusto mo agad mag-reply ako?" pagsusungit na naman nito.
Kung nasa harapan lang niya ito ay malamang na hindi na naman maipinta ang gwapong mukha nito,
She laughed. Nakakaaliw talaga ang angkol niya. "Kumain ka na?"
"Tumawag ka lang para itanong iyan?"
"Oo," sagot niya. "Iyong asawa ni Daddy, nagluto ng lasagna."
"Tapos?"
"I don't like it," madiin wika niya. "Hindi ako kumakain ng spaghetti or lasagna sauce."
Tumahimik ang kabilang linya. "Baka gutom ka na?"
Nagkibit-balikat siya. "Marinig ko lang ang boses mo parang nabubulunan na ako, Angkol."
"Elara!"
Natawa na naman siya, malakas. Sa buong buhay niya ngayon lang siya tumawa nang ganito kasarap sa pandinig.
"Sige na, Angkol. I'm going to rest. Labyu!"