"I don't understand what are you trying to say, Elara." kunot-noong tanong sa kanya ng Daddy niya. "Hindi mo pwedeng maging personal assistant si Lorenzo, hija. He is working for me."
Tumaas ang kilay ni Elara sa narinig. "Ano ba ang huling sinabi ko, Dad?"
Bumuntong-hininga ang daddy niya. "That you would take no for an answer."
Awtomatikong yumakap siya dito sabay halik. "Thanks, Dad."
Tumingin siya sa mukha ng daddy niya, ilang taon na din pala silang hindi nagkikita nito dahil abala ito sa magiging Mayor at sa sarili nitong pamilya na. Mukhang tumanda ito kumpara sa tunay nitong edad.
"Namiss kita, Dad." turan niya dito.
Lumiwanag naman agad ang mukha ng daddy niya. "Talaga, Anak?"
Tumango siya sabay angat ng daliri para sumenyas. "A little bit."
Natawa ito sa sinabia niya. "You never failed to amuse me, Elara."
Mayamaya ay binalingan nito ang secretary na kanila lang ay nagsusungit sa kanya. "Anna, meet my eldest daughter, Elara Marasigan."
Binigyan siya ni Anna nang isang magandang ngiti, hindi kagaya kanina na nakabusangot ang mukha nito sa kanya.
"Hi, Elara!" ngiting-ngiti na bati nito sa kanya na tinaasan niya lang ng kilay. Pinili na lang niya na hindi pansinin ang secretary ng Daddy niya na agad naman nawala ang ngiti sa labi.
"Lorenzo, nagkita na pala kayo ng anak ko." ani ng Daddy niya sabay balik sa table nito.
Tumango si Lorenzo na ngayon ay hindi nawawala ang pagkakasalubong ng kilay. Mukhang hindi nagustuhan ang ideya niya na maging personal assistant niya ito.
Ano nga ba ang sinabi niya kanina?
She wouldn't take no for an answer. Kapag nag-desisyon na siya, hindi niya iyon babaliin. At isa pa, nag-e-enjoy pa siya kapag nakakasama niya si Lorenzo. Aliw na aliw siya dito na tulad na lang ngayon, hindi na naman maipinta ang mukha ng angkol niya.
"Mayor," madiin na sabi ni Lorenzo. "Hindi po ako nag-aalaga ng paslit."
Imbes na mainsulto ay malakas na natawa siya. Nangniningning ang mga mata niya habang nakatigig sa angkol niya. Kung paslit ang tingin sa kanya ni Lorenzo, pwes, siya ay hindi. Tingin niya dito ay may magiging malaking parte ng buhay niya.
"Don't worry, Angkol. Hindi naman gatas ang ipagtitipla mo sa akin kundi alak."
"Elara!" saway ng daddy niya sa kanya. Naiiling na binalingan nito ang secretary. "Iwan mo muna kami, Anna."
Nang sila na lang tatlo ni Lorenzo ay agad itong binalingan ng Daddy niya. "Bro, baka pwede mo pagbigyan ang anak ko? Kahit isang buwan lang. Be her personal assistant for a month."
Bro? takang tanong ni Elara sa isip. Mukhang hindi lang employee-employer ang dalawa, mukang matagal na itong magkaibigan kaya pinilit siya ng Mommy niya na angkol ang itawag niya dito kanina sa restaurant. Mayamaya ay binalingan ulit niya ang Daddy niya sa sinabi nito.
"Dad, bakit isang buwan lang? Taon kaya ako mag-stay dito sa Santo Birhen."
Umiling ang daddy niya. "May iba pang trabaho si Lorenzo, Anak. Hindi lang sa cityhall ang buhay niya. At para mapagbigyan lang ang ka-pritso mo, makikuusap ako sa kanya one month."
Binalingan nito si Lorenzo. "I appreciate, Bro, if you can accept the extra job. I'll pay you for that."
Saglit na natahimik si Lorenzo, halatang nag-iisip sa sinabi ng daddy niya. Saka para sa kanya, hindi naman na dapat pag-isipan ang bagay na iyon.
"Don't worry, Angkol." Ngumiti siya dito sabay lapit para yakapit ito sa braso. "Hindi ako magpapasawak sa'yo, promise!"
Of course—it was a lie. Kailan ba siya hindi nagpasaway?
Tinanggal nito ang pagkakapit niya sa braso bago sumagot. "Okay lang, Bro. Saka bago pa lang naman din si Elara sa Santo Birhen, baka mag-alangan pa siya sa lugar natin at manibago."
"Pinakaba mo ako, angkol!" muli niyang niyakap ang braso nito sabay hilig.
Tama talaga ang hinala niya, sobrang tigas ng braso ni Lorenzo kaya pala lagi na lang nakakurot ang mommy niya dito kanina.
"Akala ko tatanggahin mo ako, eh." aniya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Lorenzo sabay tanggal ulit ng pagkakahilig sa braso. "Nahihiya lang ako kay Mayor."
"I don't believe you."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala."
Sasagot pa sana siya nang pigilan siya ng daddy niya. "Tigilan mo na ang pang-aasar mo sa angkol mo, Elara. Baka lalong hindi mag-asawa iyan sa konsumisyon sa'yo."
Isa ang pang-aasar ang namana niya yata sa sariling ama.
"Ang mabuti pa, umuwi na muna tayo sa bahay baka nandoon na si Kristelle."
"Gusto ko pa kasama si Angkol, Dad. Hindi ba siya pwedeng sumama sa bahay?"
Si Lorenzo na ang sumagot sa kanya. "Hindi pwede, Elara. Marami pa akong trabaho sa cityhall."
Tinitigan muna niya si Lorenzo. Nang makita niya na mukhang hindi na niya ito mapipilit ay inilahad niya ang kamay niya sa harapan nito.
"Ano 'yan?" kunot-noong tanong ng angkol niya,
"Cellphone, please."
"Bakit?"
"Basta, Angkol." muli niyang ginalaw ang kamay. "Just do what I said, and open your phone will you?"
Napahugot ito nang malalim na hininga—halata na nauubusan na naman ito ng pasensya sa kanya. Hindi lang makareklamo dahil kaharap nito ang daddy niya. Malawak ang pagkakangiti ni Elara nang madiin na nilagay nito ang cellphone sa palad niyang nakalahad.
Nang makuha niya iyon ay agad niyang binuksan ang camera ng cellphone nito sabay kuha ng mga selfies niya. Nang makuntento ay tinignan niya iyon sa gallery nito. Tumaas pa ang kilay niya nang makita niya na ang laman ng photo gallery nito ay puro panabong na manok at mga talong.
"Elara." untag sa kanya ni Lorenzo na halatang naiinis na sa gingawa niya.
Hindi niya pinansin ito sa halip ay muli niyang tinignan ang mga shots niya kuha niya kanina para pumili. Well, lahat naman ay magaganda siya. Walang duda sa bagay na iyon.
Pumili siya nang selfie niya sabay pindot ng set as wallpaper and lock screen ng cellphone nito. Siya na mismo ang nag-save ng number niya.
"Ano 'to?" si Angkol na halatang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"Everyday ko i-che-check iyan cellphone mo, ha." bilin pa niya dito sabay silip ulit sa cellphone na hawak na ni Lorenzo. "Ganda ko talaga."
"Tsk!"
Malakas na pumalatak ito sabay tingin sa daddy niya na ngayon ay iiling-iling lang sa kanilang dalawa.
"Nawa'y bigyan ka pa ng maraming buhay habang pinagpapasensyahan mo ang anak ko, Bro."
"May choice pa ba ako?"
Natawa ang daddy niya sa sagot ni Angkol. "Tara na sa bahay, Elara. Para makapagpahinga ka na. And I'm sure gusto ka makita ng Tita mo at mga kapatid mo."
"Wala akong matandaan na kapatid, Dad." wika niya dito.
Ang tinutukoy nitong kapatid ay ang anak sa iba ng asawa nito. Hindi niya kadugo ang mga iyon kaya malabo na maging kapatid niya. At isa pa, hindi sila close ng dalawang anak nito, lalo na si Criselda na kaedad lang niya.
She didn't like her. And she was sure that the feeling is mutual.
Bago siya umalis ay niyakap muna niya ulit ang braso ni Lorenzo sabay pasimple na inamoy niya ang shirt nito.
Ang bango talaga, wika ng isip niya.
Lalaking-lalaki ang amoy ng angkol niyang masungit ang mailap. Mula sa pagkakayakap sa braso ay iniangat ni Elara ang mukha para matitigan niya ang gwapong mukha ni Lorenzo. Kahit na medyo mahaba ang bigote at balbas nito ay para sa kanya hindi pa din nawawala ang malakas na dating nito.
Gusto nga niya na haplusin ang mukha nito pero saka na lang kapag close na talaga sila. Sa ngayon ay magtiis muna siya.
"Sunduin mo ako bukas, ha? Angkol. Punta tayo sa university, samahan mo ako mag-enroll."
Napansin ni Elara na gumalaw ang adam's apple nito, halata kasi na iba ang epekto ang pagkakadikit ng katawan nila. Hindi na niya pinigilan ang sarili niya na bigyan ng magandang ngiti ito.
"Okay, Elara. Anong oras?"
"Sunduin mo ako ng 8:00AM, Angkol."
At tulad nang mommy niya, kinurot niya ng dalawang beses ang matigas na braso nito.
"See you tomorrow, Angkol Lorenzo."