C3

1351 Words
"Angkol." Muling tawag ni Elara kay Lorenzo habang nasa sasakyan silang dalawa. Pinagmasdan ulit niya ang mukha ng kanyang Angkol na para sa paningin niya ay sobrang gwapo, macho at masungit. Oo, masungit dahil hindi man lang niya ito nakitang ngumiti sa kanya o kahit sa Mommy niya kanina. Nang hindi kumibo si Lorenzo ay kinalabit niya ito sa braso—kalabit na may halong haplos. Kunot-noong binalingan siya nito. "Ano 'yon?" parang nakukulitan nang tanong nito sa kanya. "Ilan taon ka ng assistant ni Daddy?" "Anim na taon na." "Close kayo?" "Hindi." "Eh ano lang?" pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya sabay hiwalay. "Ganito lang?" Muli niyang binalik ang pagkakadikit ng dalawa niyang hintuturo. "O ganito?" Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ni Lorenzo sa ginagawa niya. Halata na hindi makapaniwalan. "Ganyan ka ba kakulit?" Natawa si Elara. "Hindi." Totoo iyon. Hindi naman siya ganito sa tao na bagong kakilala lang niya. Ngunit iba si Lorenzo, pakiramdaman ni Elara ay magiging malalim ang ugnayan nilang dalawa. Lalo't nakikita niya ang malalaki at matitigas na braso nito na ngayon ay parang fi-ne-flex pa nito sa harapan niya. Mabuti pa ang manibela, nahahawakan ni Angkol.. usal niya sa isipan niya. At nahahaplos.. Hindi bale, pasasaan ba't magiging baka maging manibela din siya dito kay Angkol Lorenzo. Baka nga siya pa ang mag-drive. Natatawa talaga siya sa tumatakbo sa isipan niya. Mukhang magiging maganda ang pagtira niya sa Santo Birhen. "Saan tayo pupunta, Angkol?" "Sumakay ka dito nang hindi mo alam kung saan tayo pupunta?" Nagkibit-balikat siya. "I feel safe with you, Angkol." Mayamaya ay kumislap ang mga mata niya sabay baling ulit dito. May kalokohan na naisip ulit. "Don't worry, hindi ako lalaban kung gagawan mo ako nang masama. Lahat ng sasabihin mo gagawin ko agad. Handa ko ibigay sa'yo ang lahat. Buo pa naman ang puri—" "Elara!" Again, she laughed. Ibang klase talaga ang aliw na binibigay sa kanya ni Lorenzo. Isa pa, para bang sobrang sakit na ng ulo nito sa ginagawa niya. Matinding konsumisyon yata ang nabibigay niya dito kahit wala pa isang dalawang oras na magkasama. Minabuti na lang niya na sumandal sabay tingin sa labas ng binata ng sasakyan. "Pupunta na ba tayo sa bahay ni Mayor?" tanong niya dito. Wala siyang nakikitang building o kahit na anong establishment sa dinadaanan nila ngayon. Puros mga puno lang at mangilan-ngilan na mga bahay na malalayo pa ang pagitan sa bawat isa. Ang lugar ng Santo Birhen ay malayong-malayo sa mga bagay na nakasanayan niya sa Metro Manila. At kung dito niya tatapusin ang kolehiyo niya, mukhang malaking adjustment iyon sa buhay nya. Ngayon pa lang, miss na niya ang mga kaibigan niya sa university. Kahit naman pilit niyang itago ang nararamdaman niyang lungkot sa nangyari sa kanya ay kailangan pa din niyang tanggapin ang bagay na iyon. She needs to start her life living in Santo Birhen. And of course, with her dad. Hindi man sila close nito, siguro naman ay hindi siya nito paghihigpitan o kokontrolin man lang ang buhay niya. Ayaw na ayaw niya na kinokotrol ang buhay niya. Sanay siya sa Mommy niya na hinahayaan siya nitong mag-desisyon kung ano ang gusto niya. Iyon nga lang dahil sa nangyari ay hindi niya mabali ang desisyon nito na dito siya magtapos ng college. "May college ba dito sa Santo Birhen?" tanong niya kay Lorenzo habang ang mga mata ay nasa daan. "Yes, nasa pinaka Bayan ang kolehiyo ng Santo Birhen. Dito ka na ba mag-aaral?" Nakangiting binalingan niya si Lorenzo. "Ayaw mo?" Mukhang curious na ang Angkol niya sa buhay niya. Getting to know each other na silang dalawa. "Bakit hindi ka na lang sumagot nang maayos?" pagsusungit nito. "Oo, Angkol. Dito na ako mag-aaral, fourth year." "Bata ka pa pala. Eighteen?" "Mag-nineteen na next month." Nginisian niya ito. "Hindi na ako bata, Angkol. Madumi na isip ko." "Halata naman." "Gusto mo pakita ko pa sa'yo, eh." "Ano?" Ngumisi si Elara. "Kapag nakita mo ang isipan ko, baka maghubad ka na ng brief." "Elara!" Natawa siya nang malakas. Minabuti na lang ni Elara na huminto muna sa pang-aasar niya sa angkol niya. Baka tumaas pa ang presyon at ibaba pa siya sa sasakyan. "Pinatapon ako ni Mommy dito sa probinsya ni Dad. Na-kick-out ako sa University. Illegal drugs." Bakit pa niya ililihim ang bagay na iyon kay Lorenzo? Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nasa Santo Birhen siya. "But I didn't do it." mariin ang bawat katagang iyon na turan niya. Kung sa ibang tao ay hindi siya nagpapaliwanag, iba kay Lorenzo. Ayaw niyang maiba ang tingin nito sa kanya. Baka isipin pa na drug user pa siya. "Pinagbintangan lang ako ng kupal na professor ko. He actually put that m*******a in my bag, siya na mismo ang kumuha niyon at alam niya kung saan makikita infront of our dean." Naiiling na kwento niya kay Lorenzo. Muling nabuhay ang ngitngit niya sa professor nila na iyon. Kung bibigyan siya nang pagkakataon, gagantihan niya talaga ito. Pero sa ngayon ay hindi niya pa magagawa dahil nga malayo na siya sa Metro Manila. "Bakit pumayag ka na ma-kick-out kung wala na naman kasalanan? Marami naman pwedeng gawin para ma-absuelto ka, Elara. Like drug test— for sure negative naman ang result no'n." Nagkibit lang siya ng balikat. "What for? They already judge me on their minds. So be it, isipin na nila ang gusto nila. Gawin na nila ang gusto nila I don't care." "Ganyan ba talaga ang mga kabataan ngayon?" Sa sinabi nito ay napangiti siya. "Siguro. Or it's just me, Angkol." "Gusto mo ba kausapin ko si Mayor about sa case mo sa school?" "Nag-aalala na ba sa akin?" umiling siya. "Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Tinanggap ko na kung ano ang kapalaran ko dito sa Santo Birhen. " Muli niya itong binalingan. "Tingin ko naman magiging masaya ako sa'yo—este sa lugar na ito. Bonding tayo madalas, ha? Ikaw maghatid sa akin sa school, ikaw na din mag-sundo. Bibigay ko sa'yo schedule ko. Pasyal mo din dapat ako sa mga attractions dito sa lugar ni Daddy." Malakas na napapalatak ito. "Assistant ako ng Daddy mo, Elara. Hindi ako bodyguard mo." Muling pasusungit ni Lorenzo, "Okay." simpleng sagot lang niya dito. Hindi na din kumibo si Lorenzo. Mahabang katahimikan ang namayani habang nasa loob sila nang sasakyan. Gusto man niyang magsalita pa ay minabuti na lang ni Elara na huwag na muna magsalita pa. Nang huminto sila sa isang may kalakihang puting gusali na sa tingin niya ay Cityhall ay inihinto ni Lorenzo ang sasakyan. Bumaba ito at agad na pinagbuksan siya ng pintuan. Wala pa din silang imikan dalawa habang naglalakad papasok ng cityhall. Samantalang lahat ng nakakasalubong nila ay binabati ito na tanging simpleng tango lang ang sagot. Mukhang tama nga ang hinala ni Elara. Masungit at mailap ang Angkol niya na ito. Obvious naman na maraming mga babae ang humahanga dito—hindi lang nito pinapansin mga mga iyon kaya malaki ang sapantaha niya na single pa din ito. Walang asawa at siguradong walang jowa. "Hi, Lorenzo!" Bati sa kanila ng isang babae. Ang ganda nang pagkakangiti nito kay Lorenzo. "GF mo?" "Hindi, anak ni Mayor." balewalang sagot nito sabay talikod na. Napailing siya. Ang tingi pala nang pagka-ilap ng angkol niya, Mukhang sagad hanggang langit. Hidi bale, magagawan niya agad iyon nang paraan. Maging masungit at mailap man ito sa iba, basta sa kanya lang ito aamo. Nang makarating sila sa opisina ng daddy niya ay agad siyang pumasok sa loob. Nagulat pa ang Daddy niya na kasama ang secretary nito sa pagbukas niya bigla ng pintuhan. "Hey, bata. Hindi ka marunong kumatok?" Pagsusungit ng babaeng secretary ng Daddy niya. Hind niya ito tinapunan ng tingin bagkus ay lumapit na agad siya sa Daddy niya. "Daddy," "Elara, anak." bati sa kanya ng Daddy niya. Nang akmang hahalik at yayakap sa kanya ito ay itinaas niya ang isang kamay sabay turo kay Lorenzo na nasa likod niya. "I want Lorenzo to be my personal assistant, Daddy. And I wouldn't take no for an answer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD