"Lorenzo pala na ang name mo hindi Mr. Get-out-of-my-table-now."
Natatawa pa din wika ni Elara habang natingin sa lalaki.
"Elara!" saway sa kanya ng Mommy niya. "Anong klaseng ugali iyan? Act nicely to your Angkol Lorenzo."
"Angkol?"
She laughed. So hard.
Hinawakan pa niya ang manipis niyang tiyan habang tumatawa. Samantalang lalong napasimagot naman si Lorenzo sa pagtawa niya. Ang cute naman ng angkol na 'to.
Mukhang masarap pisilin ang bibig gamit ang bibig niya mismo.
"Naku, Lorenzo. Pasensya ka na kay Elara, talagang may pagka-sutil ang bata na iyan." baling ng Mommy niya dito. Mukhang magkakilala ang dalawa.
"Okay lang, Mrs. Marasigan. Sanay na ako sa ganyan ugali ng mga kabataan, kahit pamangkin ko ganyan din. Matigas ang ulo." sagot naman ni Lorenzo dito na ikinangisi niya.
Binalingan siya nito sabay iling.
"Naku, Lorenzo. Matagal na akong hindi Mrs. Marasigan. Call me Kristelle na lang."
Napataas ang kilay ni Elara nang hinaplos ng Mommy niya ang matigas na braso ni Lorenzo. Naunahan pa siya ng sariling ina na humawak sa matitigas na braso ni Lorenzo!
Tsk!
Matagal na niyang alam na may pagkamahilig ang nanay niya sa lalaking magaganda ang katawan. Bakit naman hindi? Ang asawa nito ngayon ay hindi macho, malaki ang tiyan at maliit. Kabaligtaran ni Lorenzo.
Muli niyang pinagmasdan ang katawan ni Lorenzo. Hapit na hapit ng suot nitong shirt, kita ang maganda pangangatawan nito kaya hindi siya nakapagtataka na hindi makatiis ang mommy niya na hindi hawakan si Lorenzo.
Hindi sigurado si Elara kung bakit ganito ang reaksyon niya dito. Normally naman ay wala siyang pakialam sa ibang tao. Ngunit si Lorenzo, iba ang pakiramdam niya. May excitement siyang nararamadaman habang pinagmamasdan niya ito, na ngayon lang niya naranasan sa buong buhay niya.
Mukhang attracted siya sa Angkol Lorenzo niya.
Bakit naman hindi? Sobrang tikas ng pangangatawan nito, malayo sa mga nakikita niyang lalaki sa University nila na puro pa-cute lang. Walang magandang katawan dahil kaka-ice coffee.
Isa pa, ang amoy ni Lorenzo ay lalaking-lalaki. Masarap sa ilong. Siguro, masarap din amuyin-amuyin ang leeg ni Angkol Lorenzo niya. Sa naisip ay napangisi si Elara. Parang nabuhay ang dugo niya sa naisip. Mukhang nagiging mahalay na siya kahit na wala pang isang oras silang magkaharap nito.
"Mabait ako, Angkol Lorenzo." aniya, sadyang binigyang diin ang Angkol.
Tumaas lang ang dalawang kilay ni Lorenzo sa kanya, mukhang hindi naniniwala. "Talaga?"
"Oo, gusto mo ba ako subukan?"
Hamon niya dito.
Hindi niya uurungan si Lorenzo, kahit magdamag pa.
"Elara!" muling saway ng Mommy niya. "Hindi magugustuhan ng Daddy mo ang pagsagot mo kay Lorenzo. Isa pa, matagal na siyang assistant ni Vernie sa cityhall."
Awtomatikong kumislap ang mga mata niya, mukhang hindi naman pala masamang ideya na mag-stay siya sa Santo Birhen. Lalo na kapag kasama niya lagi ang lalaki.
"Oh, so you're his assistant huh?" natutuwang sabi ni Elara. Ngayon pa lang, marami na siyang naiisip na gawin kay Angkol niya.
"Anong his? Galangin mo ang ama mo, Elara." Nauubusan nang pasensya ng Mommy niya sa kanya. "Ay teka, kumain ka na ba, Lorenzo? Tara sumabay ka na sa amin, nandon sa kabila ang table namin ni Elara."
Tumikhim si Lorenzo. "Kakain pa lang sana ako, Mrs. Marasigan."
"Ano ka ba naman, call me Kristell kasi."
"Ms. Kristell, nandito na ang pagkain—"
"Namin ni Angkol."
Putol niya sa sasabihin ni Lorenzo. Muling nagsalubong ang kilay nito, halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"You should go back to your table, Mom. Sasamahan ko na si Angkol kumain." ngi-ngiti-ngiting sabi ni Elara habang nakatingin kay Lorenzo.
Sh1T! Ang hot talaga ng Angkol na 'to. usal niya sa isipan niyang mapaglaro.
"Elara!"
"What? Mom, can you please stop talking? Saka hindi ba't kailangan ko makilala ang assistant ni Dad? Wala pa akong kakilala sa Sitio Birhen—"
"Santo Birhen." pagtatama ng Angkol niya.
Mukhang istrikto ito, ah. Sa ibang bagay kaya?
"Fine, whatever it is, Angkol. Gusto ko siyang makilala, Mommy. Kung gusto mo ako tumagal sa lugar na 'to, pabayaan mo ako."
Saglit na nag-isip ang Mommy niya. Mayamaya ay binalingan nito si Lorenzo na nakakunot lang ang noo habang pinapanood ang pag-uusap nilang dalawa.
"Sige na nga." pagpayag ng Mommy niya. Bago pa ito bumalik ay kumurot ulit ito sa braso ni Lorenzo.
Napailing na lang si Elara. Mukhang alam na niya talaga kung kanino siya nagmana.
"So, Lorenzo."
"Angkol."
Napangisi siya. "Angkol Lorenzo." madiin wika niya. "Hindi mo ba ako bibigyan ng food? I'm hungry."
Hindi ito sumagot, mayamaya ay kumuha ito ng isa pang plato. Nilagyan siya ng kanin at ulam, na hindi niya alam kung anong klaseng luto iyon dahil puro gulay lang. Inihain iyon sa kanya ni Lorenzo habang siya ay ngiting-ngiti lang.
Mukha lang palang istrikto ang angkol niyang ito pero sweet at maasikaso. Iniabot nito ang kubyerto sa kanya.
"Thanks,"
Tahimik lang si Lorenzo habang kumakain samantalang siya ay nakatitig lang sa gwapong mukha nito. Bakit ba pati pag-nguya ni Angkol ay iba ang dating sa kanya? Masyado na itong macho sa paningin niya. Hindi namalayan ni Elara na tinignan lang pala niya si Lorenzo kumain,
"Hindi ka ba kakain?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
"Makita lang kita Lorenzo busog na busog na ako."
Totoo naman. Busog talaga siya halos nakatitig dito. Paano pa kaya sa ibang bagay? Baka ma-impatso na lang siya.
"Kumain ka, Elara. Hindi maganda nagsasayang ng pagkain."
Napangiti siya nang marinig niya na tinawag siya ni Lorenzo sa pangalan niya. Mukhang first name basis na sila. Baka bukas first base na.
Hinawakan niya ang kamay ni Lorenzo na para bang namamangha dahil maugat iyon bukod sa malaki ang palad nito na handang siyang sakupin. Pinaraanan niya ang mga ugat nito sa kamay.
"Anong ginagawa mo, Elara?"
"Ang ugat, Angkol!"
"Ano?"
Natawa siya nang mapansin niyang namula ang magkabilang tenga ni Lorenzo. Nang mapansin nito na nang-aasar lang ay sinamaan siya nito ng tingin.
"Elara." ani ng lalaki, may pagbabanta sa tinig.
Balewalang kumain na lang siya ng pagkain na inihain nito sa kanya. Ilang sandali lang ay tapos na kumain ang angkol niya, samantalang siya ay pinatagal niya pa ang bawat pagsubo. Ayaw pa niyang mahiwalay kay Lorenzo. Gusto pa niyang makausap ito.
"Ilang taon ka na, Angkol?"
"Thirty-eight."
"Oh," usal niya sabay ngisi. "I don't care."
Kumunot ang noo nito. "You don't care?"
"The age gap, wala akong pakialam. Malakas ka pa naman, diba?"
"Elara!"
She laughed. Na halos makakuha na naman siya ng atensyon ng iba. Pati nga mommy niya ay nakataas lang ang kilay sa kanya. Bakit hindi siya matatawa? Namula na naman ang tenga ng angkol niya sa ginagawa niyang pang-aasar dito.
"Alam mo ang cute mo pala, angkol."
"Tsk!" palatak nito. "Tapusin mo na pagkain mo, Elara."
Masayang inubos niya ang pagkain niya habang hindi pa din niya mapuknat ang tingin niya dito. Ilang sandali ay pinuntahan na siya ng mommy niya.
"Halika na, Elara. Inaantay na tayo ng Daddy mo sa bahay."
Hindi niya pinansin ang Mommy niya, bagkus ay niyakap niya sa braso ang Angkol Lorenzo niya.
"Kay Angkol Lorenzo ako sasabay papunta ka Dad."
Tinaasan siya ng kilay ng Mommy niya. "Bahala ka, Elara. Malaki ka na, magkita na lang tayo sa bahay ni Vernie."
Binalingan nito si Lorenzo. "Ikaw na bahala maghatid sa anak ko, Lorenzo, ah?"
"Saan ang sasakyan mo, Angkol?"
Naiiling nalang si Lorenzo na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Habang siya naman ay ngiting-ngiti. Makakasakay siya sa sasakyan nito at dalawa lang sila!
Ngayon pa lang, kinikilig na siya. Agad na sumakay si Elara sa lumang sedan ni Lorenzo.
"Seat belt mo, Elara."
"Isuot mo, Angkol."
"Ano?"
"Please?"
Huminga ito nang malalim. Halata na pinagpapasensyahan lang siya nito bilang anak ng Amo nito. Pwes, hangga't nasa Santo Birhen siya, hindi niya titigilan si Angkol.
"Wala ka bang sariling kamay, Elara?" reklamo nito sa kanya. Ngunit ginawa naman agad ni Lorenzo ang utos, dumukwang ito sa harapan niya para kunin ang seat belt at isuot sa kanya.
Amoy na amoy ni Elara ang natural na bango ni Lorenzo. Napasinghot pa nga siya nang malapit ang labi niya sa leeg nito.
"Here, nakakibit na mahal na prinsesa."
Pagkasabi niyon ay lumingon sa kanya si Lorenzo. Napansin ni Elara na natagilan ito habang nakatingin sa mukha niya.
"Ganda ko ba, angkol?"
Tumikhim ito sabay balik sa driver seat. "Hindi."
"Liar." aniya,
Hinawakan niya ang buhok niya para ilagay sa isang balikat niya. Binigyan niya nang isang mapag-akit na ngiti ang angkol niya.
"Do you want me to prove it?"
She winked at him, "Angkol?"