When she woke up, Vlad isn't there anymore. Tumila na rin ang ulan at lumipas na ang bagyo. Ngunit sariwang-sariwa pa rin sa alaala ni Lana ang mga nangyari noong gabing iyon. Ang mga masusuyong bulong ni Vladymir sa kanyang tainga. Ang mga hawak nito, mga yakap at halik na pumaparam sa kanyang pangungulila. Tila ba ang lalaki ang naging tahanan niya noong gabing iyon. At para sa kanya, ang mga hatinggabing nakasama niya ito ang mga pinakamaliligayang hatinggabi ng buhay niya. Mahina siyang natawa nang makita ang maliit na papel na iniwan nito sa bedside table niya. Nakasulat doon na kailangan nitong umalis nang maaga dahil may mga kailangan itong asikasuhin at ang hiling nito na sana maulit pang muli ang nangyari kagabi. Hindi niya tuloy maiwasang maisip na unti-unti na siyang nagiging

