Vlad softly smiled to himself as he waited for Lana to finish putting on her clothes. Sabado ngayon at pinangakuan niya ang dalaga na dadalhin sa parke. Sinabihan na niya si Nikolai na wala siya buong araw at hindi na nito nagawang magprotesta nang itambak niya rito ang mga paperworks na pinapaasikaso nito. In-adjust niya ang voice modulator niya na nakalagay sa leeg niya. Pinaayos niya iyon sa Lockhart Entreprises at ngayon ay mas mukhang choker na stainless na lamang iyon at hindi na halata na voice modulator. Mahirap na dahil madalas na silang magkasama ni Lana at baka mapansin pa nito iyon. Simpleng itim na turtleneck, para itago ang nasa leeg niya, maong pants, at rubber shoes ang isinuot niya. Alam naman niya na hindi niya kailangang mag-ayos nang husto dahil kahit anong suotin niy

