Hindi mapigilan ni Lana ang ngiti sa mga labi. Pagkabukas kasi na pagkabukas niya ng kanyang smartphone ay saktong ang tawag ni Alexei ang unang lumabas. Dali-dali niya iyong sinagot. "Wake up, sleepyhead! Susunduin kita. Sabay na tayong pumasok." Mahina siyang tumawa. "Ambait naman ng boyfriend ko." "Aba, siyempre. Ang ganda kaya ng girlfriend ko." Bumangon siya at nagtungo sa kusina. May natira pang ulam kagabi kaya iyon na lang ang iinitin niya at kakainin para sa agahan. "Alexei, nag-agahan ka na?" "Hmph, Alexei pa rin tawag mo sa akin?" Napakunot ang noo niya. "Bakit, ano bang gusto mo?" "Am I not your baby now?" may halong pagtatampo na sabi nito. Naiirap niya ang kanyang mga mata. "Okay, fine. Baby, kumain ka na?" Lalong lumakas ang tawa ng nasa kabilang linya. "Cringey pa

