Mabilis na tumawid si Lana sa kabilang bahagi ng kalsada nang makita ang pamilyar na nakamaskarang pigura ni Vladymir na nakasandal sa Maserati nito at tila hinihintay siya. May usapan sila ni Alexei ngayong gabi na kakain sa labas at papunta pa lang sana siya sa mall kung saan sila dapat mamamasyal dahil kanina pa hindi sinasagot ng nobyo niya ang mga tawag niya. Gabi na rin at baka magsara na ang mall. Hindi na siya nagulat nang tumawid ito. Mas binilisan niya ang kanyang mga paghakbang ngunit mas mabilis kumilos ang lalaki. Nahawakan siya nito kaagad sa braso. "Lana, wait," pigil nito sa kanya. Hinila niya ang braso niya at hinarap ito. "Ano na namang kailangan mo, Mr. Krasny?" Pinasadahan siya nito ng tingin bago napalunok. Nakasuot kasi siya ng bestidang pula na may pagkahapit sa

