Warning: Ang kabanatang ito ay maglalaman ng mga maseselang eksena. Huwag gayahin sa ano mang paraan. Viewer discretion is advised. Nagsindi si Vlad ng tabako habang pinagmamasdan ang mga katawan ng miyembro ng huling angkan na pinuntahan niya. Nanlalagkit na ang katawan niya sa dugong kumapit sa kanyang damit at balat. Nagkulay pula na ang puti niyang polo na suot ngunit tiyak niya na hindi niya dugo ang nakakapit sa tela ng kanyang suot. Limang araw na rin siyang hindi nagpapakita kay Lana dahil tinatapos niya ang trabaho niya. Oras-oras naman na nagpapadala ng mensahe si Nikolai kung ligtas ba ang kanyang nobya o kung ano ang lagay sa angkan nila. Nagpadala rin ito ng ilang tauhan na tumutulong sa kanya na linisin ang bawat lugar ng krimen. Ibinuga niya ang usok. Pagkatapos ay sin

