XXIII

1949 Words

Limang araw na. Limang araw nang hindi nagpaparamdam si Alexei sa kanya. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ni Lana dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag at texts niya. Hindi rin pumapasok sa eskuwelahan na pinagtatrabahuhan nila. 'Ni 'ha', 'ni 'ho', wala. At natatakot siya na kung hindi ito napagtripan ng mga siraulong pumatay sa pusa niya ay baka iniwan na siya nito. Sa tatlong seryosong relasyon niya, dalawa roon ay ganoon ang kinahinatnan. Kaya naman natatakot na si Lana na mangyari ulit ang ganoong senaryo. Lalo na at matindi na ang nararamdaman niya para sa nobyo. Wala naman siyang ibang magawa kung hindi ang magmukmok. Mangamba. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang umiyak. Ang magpakalasing kagaya ngayon. Ilang bote na rin ang naubos niya at bahagya na siyang may tam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD