Maingat na pumasok si Vlad sa pampribadong kuwarto nila ni Nikolai sa loob ng Red Angel, may bitbit na dalawang metal suitcase. Ngayong nakumpleto na nila lahat ng mga hakbang sa pagbuo nila ng plano niyang 'rebelyon' laban kay Igor ay kailangan na nilang umpisahan iyon. Lalo na at tila mas nagiging bantay-sarado siya ng mga personal na tauhan ng kanyang ama at ng tauhan ng mga Berlusconi. Sa ngayon ay nagpadala siya ng ilan sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga miyembro para magbantay kay Lana at nasusundan niya ang lokasyon nito gamit ang tracker na nakakabit sa damit nito. Hindi niya magawang makipagkita sa dalaga dahil pansin niya na palaging may nakasunod sa sasakyan niya kapag lumalabas siya. Ayaw niya na ipahamak ang dalaga o ikompromiso ang plano niya kaya naman kinailangan niya muna

