Napalingon si Vlad nang tabihan siya ni Nikolai. Tahimik lamang siyang nakasandal sa Maserati niya habang nananabako. Hinihintay niya kasi na mag-hatinggabi para dalawin si Lana sa apartment nito, dahil panigurado na tulog na ito ng mga ganoong oras. He's been trying to lie low these past few days as Vladymir. Naghihinala na kasi ang dalaga. Hindi naman puwede na hindi siya magpakita bilang si Alexei dahil panigurado na mas lalong maghihinala ito. All he can do is to deny everything. To act like he doesn't notice that she's starting to become suspicious. If he has to protect her in the shadows, then he'll do it. As long as it won't compromise his plans. Hindi niya maaaring hayaan na magkaroon ng mali sa plano niya dahil buhay nila pareho ang nakasalalay roon. "Got a lighter?" Inilabas

