Istrikto. Ngayon lang nakita ni Lana na ganoon ang nobyo niyang si Alexei. Palagi na itong nakabantay sa kanya kahit saan man siya pumunta. Laging nakasunod. Hindi naman siya naiinis, bagkus ay mas pakiramdam niya pa nga na tila ligtas ang paligid kapag kasama niya ito ngunit hindi niya lamang maintindihan ang mga kilos nito. Kapag naman tinatanong niya ang lalaki ay iniiba nito ang usapan. Katulad na lamang ngayon. Nasa loob sila ng faculty room at nagtsi-check siya ng papel ng kanyang mga estudyante nang bigla nitong hilahin palapit ang kanyang swivel chair. Kaagad siyang napalingon sa kanyang nobyo. "Mr. Panganiban! May ginagawa po ako, FYI!" Natigilan siya nang makita ang dilim sa mukha nito. Pangalawang beses niya pa lamang na nakita iyon, una ay noong may pumatay sa inampon nila

