Hindi sumabay si Vladymir sa limousine ng kanyang ama. Nangigigil masyado ang mga kalamnan niya at natatakot siya na baka kapag nahagip ng mga mata niya si Igor ay ito ang mapagbuntungan niya ng galit. Sa kakalakad ay napadpad siya sa isang lumang sementeryo. Sandali niyang hinubad ang kanyang coat at inihagis iyon sa isang tabi bago naupo sa ibabaw ng mga nitso. Nanghihina siya. Walang lakas ang kanyang mga braso at sa sobrang galit ay pakiramdam niya nawawalan na siya ng kontrol sa sarili. Bakit ba hindi patas ang mundo? Bakit kailangan niya na magpaubaya? Magsakripisyo? Para saan? Para sa angkan ng mga Krasny? Para sa pera? Kapangyarihan? Bakit kailangan na si Lana ang isakripisyo niya para lang makamit ang posisyon ng kanyang kinagisnang ama? Why can't he be just a f*cking normal

