Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng makaramdam ako ng kirot sa aking ulo.
Nanlalabo mata ko sa aking pagmulat, kaya agad ko yung pinahinga ng onte, ng umayos ay nan laki mata ko dahil dun kona lang napag tanto na wala ako sa kuwarto ko at lalo na hindi koto bahay!
Gulat akong napatingin sa sarili ko at nanlaki mata ko dahil sa wala akong saplot png itaas, dali dali kong kinapa ang aking sarili at inalala kung anong ng yari.
"Ay g*g*!" mura ko ng biglang bumukas ng pintuan at niluwal nun ang isang lalaking naka tiwalya.
"AHHH!" Sigaw ko na ikinagulat neto.
"Ano ba?! Ingay mo!" Inis naman na sigae neto sakin, agad akong napatayo ng humakbang ito papalapit sa akin.
"Huwag kang lalapet!"
Kita ko ang pag tataka sa kanyang muka "Bakla ka noh?! Anong ginawa mo sakin?!".
"Anong bakla?! Ikaw yung bakla b*b*
Sagot niya sakin na ikinagulat ko.
" bigla ka nalang ng yayakap! Hindi nga kita kilala" pag papatuloy neto
"Tol mahal ko siya kaso iniwan niya ako"
"Tol halikan moko baka sakaling mawala"
"Tollllll"
Pang gagaya neto
At dun kona lang naalala ang lahat..hindi ako nakasagot ng maalala ko ang ginawa saking pagtataksil ng aking nobya.
Napayuko ako at hindi nakaimik, Ng maramdaman ko na papalapit siya sakin at hinawakan ng balikat ko.
Napatingin ako dito at ngumiti ito ng malapad.
"Tara tol halikan kita wg kana sad" Laking gulat ko ng ngumuso pa ito kaya agad ko siyang sinapak "G*G*!"