Inihatid ni Aether si Isobelle sa bahay nila kung saan ay kanina pa naghihintay ang kanyang Ate Akira. Pagkahinto ng sasakyan ni Aether ay agad na nagbukas ng pintuan si Akira, ang ate ni Isobelle. "Tuloy, pasok Aether," nakangiting bati ni Akira sa lalaki ng makapasok na sila ni Isobelle sa gate ng apartment. "Ate magbibihis lang ako," nakangiti at paalam ni Isobelle sa kanyang ate. Tumango sa kanya si Akira at saka ito dumiretso sa pag-akyat sa hagdanan papasok sa kanyang sariling silid ng hindi man lamang tinapunan ng tingin si Aoi na nakaupo sa sala nila. Na-offend ang babae sa kanya kahit na nakangiti ito. Napansin iyon ni Akira ngunit hindi muna siya kikibo. She will confront her kapag umalis na ang bisita nito. "Ate hindi na po ako magtatagal. Pakisabi na lang po kay Isobe

