"Pasensya na po sa abala Tito Jiro pero pwede po bang makiusap?" tanong niya sa tiyuhin at kapatid ng kanyang mama. "Oo naman. Ano iyon, Akira?" "Kaya nyo po kayang hanapin ang isang tao sa ibang bansa? Kahit po mga latest news lang?" tanong niya. "Oo naman. Bakit anong problema?" tanong ng tiyuhin. "Si Isonbelle po kasi tito, nangyari na iyong kinatatakutan ni Mama," sagot niya. "At pakiramdam ko ay yung taong gusto kong ipahanap ay may kinalaman sa nangyayari sa kanya," sagot niya. "Ha?" gulat nitong sabi. "Paano nangyari?" Ikinuwento ni Akira sa tiyuhin ang nangyari noong wala siya sa bahay nila. "Ibigay mo sa akin ang pangalan, Aki at kung saan sila nakatira ngayon." Binaggit ni Akira ang mga detalye sa tiyuhin. "Asahan mo bukas babalitaan kita," sabi ni Jiro sa pamang

