Chapter 8 - Second chance!

521 Words
Naglakad na palayo si Garrett papunta sa terminal ng jeep habang ako ay nakatitig sa kanya habang palayo siya ng palayo sa paningin ko at tuluyan na nga siyang nawala. Marahil ay nakasakay na siya. Nabalik ako sa ulirat ko ng mapansin kong nakatitig sakin si Damon na parang gulat pa din dahil sa nakita niya ‘Farrah sino siya?’ tanung ni Damon sakin.’ “Siya si Garrett, bakit? May problema ka ba sa kanya? Tanung ko”. ‘Tama nga yung nakarating sakin, may bago ka na nga. May itsura siya’. “Ano naman pakialam mo kung may bago na ko? Wala naman sigurong mali dun dahil in the first place ikaw yung ng iwan at biglang nawala.” ‘Sorry, alam ko malaki yung pagkukulang ko sayo, pero ngayon andito na ko. Babawi ako sa lahat ng araw na nawala ako sayo. Babawi ako sayo mahal ko.’ “Di mo kailangan bumawi kasi matagal naman na din tayong wala. Tsaka masaya ka na sa bago mo diba? So bakit di mo na lang siya puntahan at siya yung pagtuuan mo ng pansin. Hindi yung nandito ka at parang balak mo pang manggulo”. galit na sabi ko sa kanya. ‘Bi wala ako naging girlfriend na iba, oo aaminin ko may mga naging kafling ako pero wala yun. Hinanap ko lang yung sarili ko kasi gusto ko pag nagpakita na ko sayo maayos na ko. Bi ayusin natin to. Please, alam ko maaayos pa natin to.’. sagot niya sakin, “Naging kafling, tapos wala lang yun? Hindi lang yun wala para sayo. Kilala kita, ayy mali pala hindi pa nga pala kita kilala ng husto. Or dapat nga di na lang kita nakilala. Wala na tayo aayusin pa. Kaya kung ako sayo umuwi ka na lang at wag ka na magpakita sakin gaya ng ginawa mo.” ‘Bi please, give me another chance. Please. Ayusin natin to. Babawi ako. Promise ko sayo di na talaga mauulit. Bi please. ☹ gagawin ko lahat para matanggap at mapatawd mo ulit ako. Ibalik natin yung dati please. Nagmamakaawa ako sayo.’ Hindi ko siya sinagot at tumalikod na paalis ng bigla niya ko hawakan sa braso ko para pigilan. Niyakap niya ko habang nakatalikod dahilan para maramdaman ko na umiiyak siya. Naaawa ako sa kanya, ayoko siya makitang umiiyak. Nasaktan ako sa ginawa niya sakin pero mas nasasaktan akong nakikita siya na miserable dahil sa mga nangyayare samin. At dahil na din sa mahal ko siya ay naging marupok na naman ako. Pinatawad at tinanggap ko ulit siya gaya ng dati. Niyakap ko siya pabalik at ngumiti sa kanya sabay sabi “Last chance na to bi, please lang wag mo na ulitin ha masyado mo kong nasasaktan eh. Diba nga pag mahal mo dapat di mo sinasaktan”. Sumagot naman siya sakin ‘hindi ko ipapangako sayo pero pipilitin kong magbago at magpakatino hindi lang para sakin kundi para din sayo. Hindi ako magsasawa na magsorry sayo paulit ulit dahil alam kong kulang yun sa mga nagawa ko sayo. Ipapakita ko sayo bi kung gano kita kamahal at kung gano ako nagsisisi sa mga maling bagay na nagawa ko at nakasakit sayo. Iloveyou always and forever bi.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD