Pinatawad ko din naman siya at pinapatawad siya ng paulit ulit pero di pa din maalis sa isip ko na pwede niya ulit gawin yung mga yun and worst thing is malala pa dun yung gawin niya. Medyo naging cold kami sa isa’t isa. Nabawasan yung pagkikita at pag sasama namin. Oo nakakamiss pero hinayaan ko na lang muna dahil parehas din kaming busy sa studies namin. Nawalan kami ng time sa isa’t isa. And ayun siya natuto na naman maglihim sakin. Nalalaman ko na lang kasi may mga nagtetext sakin. Naging malayo yung loob namin. Araw araw iniisip ko na tama pa ba yung nararamdaman namin para sa isa’t isa. Nagkalabuan kami ng wala man lang maayos na usapan. Nalaman ko na lang na may nakakasama na siyang ibang girl sa tuwing nag iinuman sila ng mga kaibigan niya dahil tinetext at tinatanung ako ng mommy niya.
-Anak Farrah, kamusta na ba kayo ni Damon? Di pa naman kayo hiwalay diba? Pero bakit may nakita akong post sa f*******: na may kasama siyang ibang girl, nakaakbay pa?-.
“Good afternoon tita, di ko po maexplain yung nangyari. Di ko po kasi alam kung kami pa ba o hindi na. Hindi na po kasi kami nakakapag usap nitext po di na namin nagagawa. Dumidistansya na din po ako kasi mukhang wala naman na po pakialam sakin si Damon. Pero don’t worry about me ayos naman po ako.” Sagot ko kay tita. At ayun na yung huling convo namin ni tita.
Hanggang sa may dumating na baong tao sa buhay ko. Si Garrett, medyo matagal ko na din siya kilala dahil kasama ko siya sa trabaho pero hindi kami ganun kaclose kasi nahihiya siya sakin. Naging masaya naman akong kasama siya. Sinabi ko sa kanya lahat ng tungkol kay Damon, tanggap naman niya. Si Garrett yung naging sandalan at kasama ko. Actually almost perfect yung relationship namin kahit hindi kami committed sa isa't isa Masaya kami parehas pero walang label. Mas naging malapit pa kami lalo nung dumating yung birthday ni Garrett. Nag invite siya for swimming, tatanggi sana ako dahil nahihiya ako and I know na mga cousin niya yung mga kasama niya pero he insist kaya sabi niya sakin magsama na lang daw ako ng friend ko para di ako mailang. “Garrett, kailangan ko ba talaga sumama dun? Nahihiya kasi ako eh. Baka pwede pass muna ako jan.” sabi ko. ^Farrah naman eh, birthday ko yun. Di ka pwede mawala dun. Kung gusto mo magsama ka na lang ng kaibigan mo ok lang sakin basta andun ka lang.^ sagot niya.
Sa paglipas ng mga araw, nasasanay na at nahuhulog na ko sa mga pinapakita sakin ni Garrett, pero nanatili kaming magkaibigan. Isang umaga dahil maaga ang pasok ko sa school at pang gabe sa work si Garrett kaya napag desisyonan namin na magkita na lang malapit sa school ko at sabay kumain ng breakfast sa Mcdo. Pag tapos namin magbreakfast hinatid niya na ko sa labas ng school at magpapaalam na sana siya sakin ng makita kami ni Damon na magkasama. Galit yung itsura, kulang na lang ay sapakin ni si Garrett sa sobrang sama ng tingin niya. Bigla ko hinawakan sa braso si Garrett tsaka ko sinabi sa kanya na “Garrett don’t worry kaya ko na to. Umuwi ka na at mag ingat ka. Ako ng bahala dito’. Tumango lang si Garrett sakin sabay sabi ^sige balitaan mo na lang ako^.