Habang naglalakad ako papunta sa school naisipan kong icheck yung phone ko and nakita ko na may mga text and tawag na din sakin si Damon. * * * 20 missed calls and 10 messages * * *
To : Bi Farrah
‘Good morning bi ? Sorry kung di ko sinunod yung sinabi mo sakin’.
‘Sunduin kita sa school later ha?’.
‘Sorry talaga bi, I’ll explain later’.
‘See you later bi, ingat ka pagpasok mo iloveyou’.
Natahimik ako at napaisip, hmm rereplayan ko ba siya o wag muna? Hmm wag na nga muna. Bahala siya ginusto naman niya to ehh..
Tapos na ang klase ko at nagmamadaling bumaba dahil ayaw kong makita si Damon dahil baka kung ano ang masabi ko sa kanya. Todo iwas ako sa mga nakakasalubong para madaling makababa ng biglang may tumawag sa sakin. ‘Bi……………’
Pag lingon ko si Damon pala, unti unti siyang lumapit sakin habang ako ay nakataas ang kilay at masama ang tingin sa kanya.
‘Bi, sorry talaga. Di na mauulit. Alam ko naman na mali yung ginawa ko eh. Di ko lang talaga natiis na di uminom. Natemp ako sa yaya ng kaibigan ko’ paliwanag nito. “Alam mo naman pala na mali at magagalit ako bakit ginawa mo pa?” sagot ko. Yumuko lang si Damon sa sinabi ko sa kanya. Habang nakayuko siya nagsalita ulit si ako.
“Minsan di ko na maintindihan kung ano ba talaga gusto mo mangyari eh, pag piyagan ka hindi ka pupunta pag hindi ka pinayagan tatakas ka. Ano ba talaga? Kung gusto mo na walang nakikialam sa mga plano at gusto mong gawin, hiwalayan mo na ko. Para din hindi ako nagugulo’t napapaisip kung ano bang problema mo. Dati naman ang ayos natin, oo alam ko na bago naging tayo kaibigan mo na sila at lagi mo silang kainuman pero di naman kasi kita pagbabawalan kung makakabuti sayo yung gagawin mo ehh. Di naman para sakin yung ginagawa ko. Di kita nilalayo sa kanila. Tsaka Damon minsan lang kita hindi pinayagan tapos ganyan ginawa mo? Kung nasasakal ka sakin iwan mo na lang ako hindi yung ganito.” Paiyak na sabe ko kay Damon. Nagulat si Damon dahil this is the first time na tinawag ko siya sa pangalan niya simula ng naging kami. Umiyak si Damon sa harap ko at paulit ulit na humihingi ng tawad sakin dahil sa nagawa niya. ‘bi sorry kung nasasaktan kita sa ginawa ko, sorry kung nag alala ka dahil sakin. Sorry sorry, pero di ko magagawa yung sinasabi mo na hiwalayan kita at iwan. Di ko kaya yun. Sorry talaga pero promise ko sayo di na mauulit. Bati na tayo bi ☹ please..’